Who is Nikki Agacci?
ADA'S POV
Kagigising ko lang, bumungad kaagad sa akin ang mga nagsisigawang mga magulang ko. Bumaba ako pero pinapunta ako ng mga maids sa kusina para roon na lang kumain ng agahan at huwag na raw makinig kanila Mom and Dad, I saw kuya Livius peacefully eating his meals and watching them arguing on something. I asked him but he stared at me and didn't response, tinanong ko ang mga maids pero hindi rin nila ako sinagot.
"Kuya, ayaw nilang sabihin sa akin kung ano ang reason so could you please say it to me now? Aga-aga nag-aaway sila oh." Reklamo ko at tinuro sila Mom and Dad. "Kuya------" He cut me off.
"Stop calling me kuya, okay? Ampon ka lang, Ada so shut the freaking up!" Angal ito at padabog na tumayo. "If my mom and dad is arguing about something, wala ka ng pakialam doon, bakit? Hindi ka naman nila anak para pakialaman sila sa mga bagay na pinag-aawayan nila."
"Pero parte ako ng pamilyang 'to!" Bulyaw ko dahil sa inis ko sa mga pinagsasabi niya. "Ano naman kung ampon ako? Parte ako ng pamilyang 'to, iyon ang papel ko rito!"
Sinakal ako nito. "Naging parte ka lang dahil gusto ka ng magulang ko NOON dahil kapangalan mo ang namatay na kapatid ko. Pagiging miyembro ng pamilya ang papel at purpose mo pero hindi ang maging ANAK nila kailanman, so shut up. Got it?" Maotoridad nitong sambit at binitawan ako.
Tumingin ako sa direksyon nila Mom and Dad, nakatitig lang sila sa akin at hindi ako pinansin, umalis sila na para bang walang nangyari. Tinulungan akong tumayo ng maids at pinagpag ang uniform kong suot, I wanted to cry kasi kahit concern ako ay hindi man lang makita o mapansin iyon ng magulang ko kahit nga mga kapatid kong hindi ko naman kadugo, gosh.
"Si ate Esha mo kasi, wala raw sa sarili niya kagabi at muntikan ng makapatay ng tao tapos iyong company ng Dad mo ay malapit ng ma-bankrupt." Sabi ni Aling Becca.
Nanlaki ang mga mata ko at natapon ko ang gatas na itimpla nila. "A-ano? Muntikan n-ng makapatay s-si ate E-Esha?" Nangangaralkal kong saad at tumango naman si Aling Becca. "P-paano po iyon nangyari?"
"May nag-contact daw sa Dad mo about kay Esha na muntikan na raw mabato ng basag na bote ang isang U.S citizen na naglalakad sa may condo na pinagti-tirhan ng ate mo. Tapos nagsabi na pala si Esha kay Livius pero hindi sinabi ng kuya mo sa mga magulang ninyo kaya sila ang ng-aaway ngayon." Paliwanag niya.
"Ano naman po ang naging dahilan ni ate para magawa 'yon?" Tanong ko.
"Naalala ka niya kasi, naalala niya lahat ng masasakit na bagay no'ng nagpunta ka rito." Singit ni kuya Livius kaya yumuko na lamang ako. "Kakasabi ko pa lang na huwag kang mangialam pero ginagawa mo pa rin. Kaya ayokong narito ka e, tsk."
Matapos ang paglilinis at pagtulong ko sa mga maid sa mga kalat sa bahay ay nagpahatid na ako kay Manong papunta sa university. Nakasabay ko pa si Mom, I tried asking her pero she didn't respond, sumakay lang siya ng kotse niya at humarurot paalis ng bahay. I was on my way to our class room when I bumped someone accidentally, hindi ko kasi siya napansin dahil magulo at nagkakalat ang mga estudyante sa may hallway. "Hey, okay ka lang ba? Sorry ha." It was her, Nikki Agacci.
"N-Nikki? Hmm, it's alright. Sorry ha, nabangga pa kita." Sambit ko at ngumiti.
"Ay, you know me pala hahaha." She chuckles so I stared at her smiles. "You're Adallina right? Ikaw iyong boyfriend ni... Kieran, 'di ba?"
"Yeah, kilala mo pala ako."
"Of course, ikaw ang nag-iisang first year college student ng U.P na dean's lister at hindi umaalis or nags-shift man lang sa course mo." Sambit nito kaya ngumisi ako. "Hindi ka ba nahihirapan sa course mo? Kasi ako sa Business Management is sobrang hirap, as in."
"Lahat naman ng course ay mahirap, Nikki." She nodded, nakita ko si Kieran na kumakaaway. "Mauna na ako ha? Sorry sa abala."
"Yeah, sure. Bye!"
Naglakad ako papunta sa class room at nakasabayan ko pa ang gay professor namin para sa Microbiology subject. Tinanong ako ni Kieran iyong kausap ko kanina at sinabi ko namang si Nikki iyon and he just smiled.
-------------------------------------------------------
NIKKI'S POV
Wala pa kaming klase kaya tinawagan ko si Dad para sabihan siya tungkol kay Ada at kay Kieran. I am Nikki Agacci, a student in a Business Management course. Isa ako sa anak ng ka-kumpetensiya ng pamilya ni Ada at Kieran, magkalaban ang company ng Dad ko sa pamilya nina Ada. Ang company ng pamilya namin ay isa sa mga kinakalaban ng Dad ni Ada, ang mga investors namin ay lumipat sa kanila dahil sa mga kakulangan daw ng company namin and so, my Dad decided na ibahin ang estilo ng panunungkulan niya at mga bagay bagay na sumusuporta sa company and gladly, Ada's dad company is going to bankrupt sooner.
At sa company naman nila Kieran or should I say, oil company ng Mom niya na siyang pinag-investingan ko ay isa sa mga plano ko para pabagsakin sila. Isa ako sa CEO na namamahala sa sarili kong business at ngayon ay isa ring taong maghihiganti sa ginawa ng nanay ni Kieran sa Mom ko. Dahil sa pipitsuging company na iyon ay nawala ang nanay ko, her body is buried because of the explosion ng oils sa company na iyon which is the most traumatic moment that my mom encountered. At ang tatay naman ni Ada ay isa sa mga naging sulsol sa tatay ko para magsugal kaya napabayaan niya ang company namin at nalulong sa bisyo niyang panunugal sa casino.
All those things I've been through was so damn hell-like, sarili ko ang naging sandigan ko no'ng panahon na puro sakit at pighati ang nararanasan ko tapos ngayon makikita ko ang mga naging anak ng mga taong sumira sa buhay ng mga magulang ko. Kaya hindi ako magdadalawang-isip na iparanas din sa mga anak nila ang hirap, sakit at pighati para maging pantas kami kahit sandali lang.
"When world is that small and karma will be on your side soonest." I whispered and smirked at pumunta sa classroom.
Next chapter ahead. Enjoy reading!
YOU ARE READING
LS#4: Save me, Doctor✓
Подростковая литература[COMPLETED] Fool of love, desperate dreamer and lonely most of the time. A professional general surgeon whose heart is like a stone. Isang bitter na babaeng walang ibang ginawa kundi intindihin ang sarili kaysa sa iba. Uunahin ang sariling intesyon...