Vienna PoV
Nagising ako dahil sa ingay nung ringtone ko. Paulit ulit na may tumatawag doon pero dahil antok na antok pa'ko ay hindi ko muna sinagot.
"Hmm, yeobo, what's that noise?" I heard someone whispered from my back but I didn't mind.
*Crash*
Agad akong natauhan at napamulat ng mata nung may marinig na nabasag. Akmang babangon na'ko pero hindi ko magawa dahil sa binti at brasong nakadantay sa'kin.
"Kashi? Babangon na'ko" paulit ulit kong tinapik ang braso na nasa bewang ko bago umayos ng higa. Natutulog parin si Kashi pero niluwagan na n'ya ang kapit sa'kin kaya nakabangon ako agad.
Niyakap ko ang braso n'ya sa isang unan at pinulot ang kumot na nasa lapag. This is mine, dala n'ya siguro 'to nung lumipat s'ya.
Naglakad ako palabas ng kwarto n'ya dala ang kumot ko at dumiretso sa kwarto ko. Pero natigilan ako nung makita pagpasok ko ang basag basag na piraso nitong bintana. What the heck happened? Hindi naman ganito 'to kagabi!
Agad akong lumapit doon sa bubog na nasa lapag, may nakita rin akong bato na malamang ay ginamit pang bato sa bintana. Maingat kong iniwasan yung mga bubog at sumilip sa bintana. Nakita ko roon si Heinie na nakatingala rito sa bintana kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. May hawak pa s'yang bato at cellphone naman sa kabilang kamay.
"Hoy! Senyorita, sa wakas at nagising ka rin. Kanina pa kaya ako nandito at tumatawag sa'yo noh!" hiyaw nito mula sa baba.
"Ikaw nagbato ng bintana ko!?" inis kong tanong at tinuro pa ang frame nitong bintana na basag narin, mukang hinding isang malaking bato lang ang pinangbato n'ya.
"Oo, don't worry papapalitan natin yan, saka sis, matagal na talaga iyan at marupok kaya dapat na talagang palitan!"
"Gaga ka talaga, eh kung tinamaan ako nung batong binato mo!?"
"Hindi ka naman tinamaan, tsk bumaba ka na nga rito at buksan mo yung pinto. My gosh anong oras na!" napairap nalang ako bago lumayo sa bintana at lumabas ng kwarto.
"Ang aga mong mang istorbo" sabi ko sa kan'ya pagbukas nung pinto.
"Anong maaga? 12 na hoy, usapan natin magkikita tayo sa tapat ng cafe 10 am sharp pero anong oras na tulog ka pa!?"
"Ingay mo" inirapan n'ya lang ako bago pumasok at dumiretso sa sofa. Hindi naman siguro gigising agad si Kashi 'no?
"Nga pala bakit tanghali ka na nagising? Kala ko ba pag uwi mo matutulog ka na?"
"Something urgent happened" sabi ko at naglakad papuntang kusina. Sumunod naman s'ya sa'kin kaya dalawang baso yung nilagyan ko ng tubig bago ipaslide papunta sa kan'ya.
"Thanks. Grabe sumakit na tiyan ko kakahintay sa'yo roon"
"Mag antay ka nalang, magluluto muna 'ko"
"Kala ko sa mall tayo maglalunch?" kunot noong tqnong n'ya.
Yeah, that's our original plan. Eh kaso si Kashi? Matatagalan kami sa mall at baka bigla nalang s'yang magising, malamang may hangover pa iyon at baka magkalat at magbasag pa rito kaya hindi ko pwedeng iwanan.
"Magluluto ako pero sa mall parin tayo maglalunch" sabi ko bago isuot yung apron.
"Eh para kanino yan? Oh wait don't tell me nandito yung boyfriend mo?"
"Wala ako non" tinalikuran ko na s'ya at naglakad palapit sa ref.
What should I cook? Mas maganda kung may sabaw tapos initin nalang n'ya bago s'ya kumain.
BINABASA MO ANG
Living with an idol ✓
Teen FictionWARNING: There will be some chapters that are not suitable for young reader(s). What will be the pros and cons of living with a well-known, famous idol? Vienna Verquez Jaiden, a 26-year-old single woman and not interested in having any romantic rela...