Chapter 28

49 4 0
                                    

Nakaupo sa kama nya si Blyther habang masuyong tinititigan ang anak na katutulog lang. Pinunasan nya ang luha nito sa pisngi. Umiyak ito at hinahanap si Zandreaj nung inaantok na at nagtantrantums. Mabuti nalang at nakatulog na din ito agad.

Napailing sya nang maisip kung paanong nagawang itago sa kanya ni Zandreaj ang anak nila sa loob ng dalawang taon. Kung paanong nagawa nitong magsinungaling sa kanya at lokohin sya sa araw-araw na nag-uusap sila nito via messenger or video call.

Kaya pala nung nakaraang taon ay napansin nyang bumilog ang mga pisngi ni Zandreaj at hindi na naulit ang dance video nito na nakalaced underwear kahit ilang beses syang nagrequest dito. Laging puro mukha ng girlfriend ang kita nya sa screen pag nag-uusap sila. At nitong mga nakaraang buwan ay matagal nitong sagutin ang VC nya dahil lumalayo ito sa anak para hindi nya marinig o makita.

Tumiim ang mga bagang ni Blyther nang maisip kung paanong napaikot sya ni Zandreaj. Ni Zandreaj, ang babaeng iniikutan ng mundo nya. Ang babaeng iniisip nyang hindi man nya kasama ay alam nyang tapat sa kanya araw-araw sa lahat ng bagay.

Si Zandreaj na laging nasa katwiran at mas inuuna kung ano ang mas dapat kesa sa kung ano ang mas gusto. Si Zandreaj na mahal sya at never syang sasaktan, pagsisinungalingan o lolokohin, at lalong pagmukhaing tanga. Si Zandreaj na dahilan ng lahat kung bakit nagpursige sya sa kanyang mga pangarap. Si Zandreaj na mahal na mahal na mahal nya.

Nasabunutan ni Blyther ang sarili. Wala syang ibang gustong gawin kanina kundi ang yakapin ito ng mahigpit. Kitang-kita nya ang sakit sa mga mata ng dalaga nung hindi nya gantihan ang yakap nito. Hindi nya alam, pero hindi nya ito magawang yakapin. Pinipigilan sya ng galit na nararamdaman nya sa babae. Oo galit sya. Galit na galit sya sa ginawa ni Zandreaj. Wala syang maisip na pueding maging katanggap-tanggap na katwiran sa ginawa nito.

She deprived her of his right to hear the good news that he will soon become a father. She deprived her of his right to recognize his son and his son to recognize him as his father. She deprived her of the moments he could have enjoyed with her while she's pregnant. He could have took care of her. And when she delivered, he could have been with her and held her hands while in labor. She deprived her his right to decide for himself and for them.

Naguumalpas sa dibdib ni Blyther ang  galit na pilit tumatakip sa pagmamahal nya sa girlfriend. Kahit pilit nyang itaboy sa isip ay pilit nagsusumiksik doon na ginago sya nito. Never nyang naisip na puedi syang gaguhin ng kapwa nya. He'd been too nice and to good to everyone. Pero bakit sa unang pagkakataon na may nanggago sa kanya, of all people, si Zandreaj pa na iniisip nyang syang laging nandyan para protektahan sya. Baka kaya nya pang intindihin kung ibang tao. Pero si Zandreaj? Si Zandreaj na sobra nyang mahal at nirerespeto.

Yes, he loves her surprises but not to this extent. Did she really think he would happily be surprised of a two-year-old son? Not because he doesn't love Zanther, but because keeping his son out of his knowledge for two years is just so absurd. What happened to his Zandreaj?

Si Zandreaj ay biling-baliktad sa kanyang higaan. Miss na miss nya si Zanther. Ngayon lang nalayo sa tabi nya ang anak. Tulog na kaya ito? Naaalagaan kayo ito ng ayos ng ama?

Inabot nya ang kanyang cellphone sa side table at nagchat kay Blyther.

"Can I see Zanther?"

Nabasa ng lalaki pero hindi ito nagreply.

Nagvideo call si Zandreaj pero kinancel ng lalaki.

Gumulong na naman sa pisngi ni Zandreaj ang hindi maampat-ampat na mga luha. Napahawak sya sa dibdib sa kirot na nararamdaman don. Nagpatong-patong na ang sakit  na nararamdaman nya. Ang galit ni Blyther, ang pagkamiss nya sa anak nya at ang alalahanin kung papaano nya sila maaayos ng boyfriend at maibabalik sa dati ang lahat.

Hindi nya maiwasang tanungin ang sarili kung mali nga ba ang para sa kanya ay tamang desisyon noon. Inaasahan nyang hindi yun magugustuhan ni Blyther pero hindi nya iniexpect na magagalit ito ng matindi sa kanya to the point na makakalimutan nitong mahal sya nito.

Mas inaasahan nyang magugulat ito pero makikinig ito sa kanya at mas mangingibabaw ang pagmamahalan nila. Hindi sumagi sa isip nya na may kakayahan pala itong magalit at may tendency itong maging vengeful. He is always soft and nice. He listens and he tries to understand always. Pero bakit ngayon ay ibang-iba ito?

Matapos magvideocall ni Blyther at nakita ang anak ay never na itong nagcommunicate sa kanya hanggang dumating ito noong isang araw. Kusa nyang pinadala dito si Zanther dahil ayaw nyang idaan sa pwersahan ng boyfriend ang pagkuha ng anak nito sa kanya. Alam nyang kukunin ni Blyther si Zanther, sa galit nito ay hindi ito mangungundangan kung nasa katwiran man sya o hindi.

Masakit man sa kanya na malayo sa anak ay titiisin nya para masulit ng mag-ama ang presensya ng isa't isa. Ibibigay nya kay Blyther ang lahat ng pagkakataon na makabawi ito sa dalawang taong naipagdamot nya dito, kahit ang kapalit nun ay araw-araw na pangungulila nya sa anak.

PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon