Chapter 27
Look BackNgumiti ako habang pinasadahan ng tingin ang akin sarili sa salamin.
Nakasuot ako ng isang plain light yellow dress at white stilletos. Naglagay na rin ako ng light make-up para hindi naman ako magmukhang patay mamaya.
Buti nalang at mismong si Isaac na ang nagsabing wag nalang ako pumasok bukas dahil isa naman daw itong family event kung saan na kasali ako.
Kung pupunta man daw ako sa resort mamaya para sa party ay wag ko na daw alalahanin muna ang trabaho at magkunwaring tourist lang din ako na pumunta roon para magcelebrate.
"Ah!"
Nagulat ako ng makita ko si Josh na napahawak sa kanyang noo na nasa harapan ng condo unit ko.
"J-Josh!" singhal ko at lumapit sa kanya upang tignan ang noo nyang medyo namula. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Tumango naman sya at tinanggal na ang kamay nya. "Uh.. Sorry. Nag-iisip pa kasi ako kung magd-doorbell pa ako o hihintayin nalang kitang lumabas." aniya.
Kumunot naman ang noo ko. "Kanina ka pa ba dyan sa labas?" tanong ko.
"Hindi naman. Mga thirty minutes lang pero ayos lang." sagot nya.
"Dapat nagdoorbell ka nalang. Pano kung hindi pa ako lumabas kaagad?"
"Alam kong lalabas ka na dahil 10:30 yung binyag at 10 na. Alam kong hindi ka nagpapalate kaya maaga kang lalabas." sunod-sunod nyang sabi.
Tumango-tango nalang ako at tuluyan ng lumabas sa unit ko saka sinarado ang pintuan.
"Uhm, pano mo nalamang dito ako nakatira?" tanong ko sa kanya dahil wala naman akong sinasabi sa kanya kung saan ako nakatira.
I mean, why would I tell him right?
"Sinabi sakin ng daddy mo. He told me to pick you up pero I dont have a car kaya.. nagtaxi ako." sabay tawa nya at lumingon sa akin. "May kotse ka naman diba? Tito told me na kotse mo nalang daw ang gamitin natin."
"Ah, ito oh." sabi ko sabay bigay sa kanya ng remote ng kotse ko.
"Thanks." ngisi nya at bumukas na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami.
Tumayo sya sa gilid ng pintuan ng elevator at sumenyas na mauna na ako kaya nauna na akong lumabas at sumunod nalang sya sa akin sa paglalakad. Nananatili lang sya sa likod ko na para bang kailangan namin ng distansya. Yung parang hindi kami pwedeng magkadikit sa paglalakad.
Huminto ako ng bahagya kaya huminto rin sya. Nilingon ko sya at ngumiti lang sya sa akin.
"That's my car." sabay turo ko ng sasakyan ko at sinulyapan nya naman ang tinuro ko.
Hindi ko alam kung gusto ko pa ba ang inaasal nya pero mas lalo akong naiilang sa ginagawa nya. Mas malala pa 'to nung una kaming nagkakilala nung high school palang kami. Hindi ako sanay na ganito sya sakin.
"Ah. Tara na." ngiti ko sa kanya at nagsimula ng maglakad patungo sa kotse ko.
Nang malapit na akong makarating ay nagulat ako ng biglang bumilis ang lakad nya't pinatunog kaagad ang kotse ko saka binuksan ang back seat at mabilis syang umikot papuntang front seat.
Suminghap ako't sinarado ang back seat saka umupo sa front seat, katabi sya.
Lumingon naman sya sa akin at halatang nagulat sa pag-upo ko dito na akmang magsasalita nang maunahan ko na sya.
"You're not my driver, Josh." agad kong sabi. "I'll seat here." at saka sumandal na sa upuan.
Hindi na sya kumibo at pinaandar na ang kotse. Ni-on nya rin ang GPS dahil hindi naman sya familiar dito sa Davao para malaman nya kung saan papunta sa pupuntahan namin.
BINABASA MO ANG
Shouldn't Have Said
Romance[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua went on separate ways after being in love for so long. She decided to just leave everything behind...