Ako'y nagluluksa sa'yong pagkawala
Ako'y nasanay sa lagi mong ginagawa.
At ngayon naman na wala ka na,
Tila ngayo'y damang dama na kulang na.
Minsan sa buhay ko ay nagpasaya.
Laging nar'yan kapag lungkot nadarama.
Salamat sa ala-alang iniwan mo,
Naranasan ko itong totoong mundo.
Sa aking pagkita sa iyong litrato,
Kasabay ay luhang patuloy sa pagtulo.
Ngiti ang mababakas sa'yong mga labi,
Katumbas ay kirot sa aking damdamin.
Panandalian ako ay napangiti,
Ng kinalaunan ay biglang napawi.
Biglang nadama ng taong naulila,
Bawat patak ng pusong lumuluha.