Chapter 45

254 7 0
                                    

Hallway, madilim na hallway ang aking nilalakbay na sa sobrang dilim ay tanging liwanang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko sa aking paglalakad. Tahimik din ang buong paligid at tanging tunog lang ng aking stiletto ang naririnig sa buong hallway. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang pumunta pa dito.

Pero naisip ko, may pinagsamahan naman kami at isa' pa gusto ko syang kamustahin sa naging buhay nya dito sa headquarters. Gusto kong marinig sa kanyang bibig ko bakit nya nagawa sakin ang lahat ng ito. Kung bakit nagawa nya akong saktan, para wala lang sa kanya ang aming pagkakaibigan. Kung paano nya kami kinalimutang dalawa ni Red.

Kahit na sya ang dahilan kung bakit ako iniwan ng tanong mahal na mahal, nagawa ko pa rin syang puntahan at bisitahin. Hindi naman ako yung taong porket may kasalanan sakin kakalimutan ko na, naging bahagi din naman sya ng buhay ko. Marami akong tanong na hindi nya pa sasagot at kahit alam kong hindi nya ako bibigay ng matinong sagot ay makikinig pa rin ako.

Alam kong may nangyari sa kanya at bakit bigla lang nyang ninakaw ang mga dokumentong yun. Alam ko ring hindi nya magagawang gawin yun sakin, sa aming dalawa ni Red. Kung bakit pilit nyang hindi nagtatago at iniwasan kaming lahat. Alam ko talaga may malalim pang dahilan ang lahat. Kaya nandito ako, kakausapin sya at pilit sabihin sakin ang lahat.

Hindi naman ako nagtagal sa aking paglalakad at agad akong nakarating sa isang malaking pintuan sa dulong bahagi ng hallway. Nasa harapan na ako ng pinto, pero bakit nakatulala lang ako at hindi pa ito binubuksan. Dahan-dahan kong inabot at hinawakan ang door knob at mabilis na binuksan ang pintuan.

And there, I saw her sitting in a chair while looking outside at the window. I don't know what happened to her after so many years. And now I meet her again, sitting in a chair and not moving like she a doll. I looked at her. She changes too, just like me. She was wearing a white dress up to her knees.

Pinagmasda ko pa ang buong paligid ng kanyang silda. May isang simpleng kama sa gilid at isang lamesa. Napakasimple ng lahat, may ilaw na naman na nagsisilbing liwanang sa kanyang silda. Sa loob ng pitong taon, wala rin akong naging balita sa kanya hindi naman kasi sinasabi sakin ng pinsan ko kung anong kalagayan nya dito.

At isa' pa pagsinabi nila sakin kung anong nagyayari sa labas ng bilangguan ay baka tuluyan akong mabaliw, kaya naiintindihan ko kung bakit wala silang sinasabi sakin na kahit na ano. Kinuyom ko ang isa' kong palad habang nakatitig lang sa kanyang likuran. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinawag ang kanyang pangalan sa ikalawang pagkakataon na muli kaming nagkita at nagkaharapa.

"Lianna..." Mahina kong tawag sa kanyang pangalan.

Kasabay ng pagtawag ko sa kanyang pangalan ay ang syang paglingon naman nya sakin na para bang kilalang-kilala na kung sino ang tumawag sa kanyang pangalan. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng makita ko ang kanyang buong mukha at ang kanyang mga ngisi sa kanyang labi.

Mas lalo kong ikinuyom ang aking palad dahil sa pagngisi nyang yun. Hindi ko alam kung bakit maiinis ako sa kanyang pangisi. Nakakairita at para bang gusto kong burahin yun sa kanyang labi. Nakakainis parang may epekto pa rin sakin ang kanyang pangisi. Pakiramdam ko para syang baliw na nakangisi sakin.

Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako, sabi ko sa sarili ko hindi ako magagalit sa kanya. Dahil alam ko ngang may pinagdadaan din sya, at ang kailangan nya lang ay ang taong makikinig sa kanya. Pero imbis na ilabas ang galit ko para sa kanya at nanatili lang akong tahimik.

"Oh, it's that you, Caitríona?" She asked in shock, and it was as if she couldn't believe I was here in front of her.

Pero imbis na maasar ako sa kanyang pagmumukha ay seryoso ko syang tinignan at pinakalma ang aking sarili. Ayaw ko syang patayin dahil lang galit ako sa kanya, alam kong inaasar nya lang ako gamit ang kanyang mga nagisi pero sa totoo lang wala syang laban sakin. Kung idedeklara kong patayin sya kaagad.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon