KIM'S POV:
Dumiritso ako sa isang hotel na nadaanan namin. Pag katapos kong mag bayad sa taxi driver.
Tiningnan ko ang entrance ng Hotel at nag tingin tingin sa paligid.
Im sure, malayo na to kila Mommy. Hindi na siguro ako masusundan nila Jade. Napahinga nalang ako ng maluwag.
Gusto ko ng mag pahinga. Para akong napagod sa kakatakbo ng malayo. Ramdam ko parin ang pangingnig ng mga kalamnam ko sa takot.
Kinapa ko ang baril ko sa bewang, akala ko nahulog ito mabuti nalang at hindi. Huminga ako ng malalim, saka ako nag lakad papasok sa hotel.
Dito na muna ako mag papalipas ng gabi. Pagod narin ako, at gusto ko ng magpahinga.
Habang papasok ako ng hotel. Nakita ko ang papasok na batang babae, siguro nasa fifteen taong gulang ang bata.
May dala itong mga shopping bags. Nang bigla itong binuhat ng isang lalaking na tila may kong anong balak gawin sa bata.
Nag pumiglas ang bata at nahulog ang mga dala nitong shopping bags.
Kaya hindi na ako nag dalawang isip na tulungan ang bata.
Lumapit ako sa kanila.
"Hey" Pag kuha ko sa atensiyon ng lalaki
Bigla itong lumingon saakin, kaya isang suntok sa mukha ang binigay ko sa lalaki.
Napa hawak ito sa mukha nya kaya nabitawan nya ang bata. Agad ko namang inalalayan ang bata baka mapano pa.
Agad ko syang tinago sa likod ko.
"Ate, tulongan nyo po ako" Umiiyak na saad ng bata.
Habang naka yakap sya Waist ko.
Lumingon saakin ang lalaki ng galit na galit.
Tinanggal ko ang kamay ng bata sa waist ko
"Tumakbo ka na dali.." Sabi ko sa bata.
Kumaripas naman ito ng takbo papunta sa entrance ng Hotel.
"Halika ditong babae ka" Sigaw ng lalaki
At sinabunotan ako. Kaya napa sigaw ako sa sakit.
Tapos bigla nya akong sinuntok sa tagiliran ko. Kaya napaluhod ako sa sakit.
"Pakealamira kang hayop ka" Sigaw nya.
Kinaladkad nya ako palayo sa lugar nayon.
"Bitiwan mo ko" Sigaw ko.
Dahil nasa likod ko sya, habang kinakaladkad nya ako hawak ang buhok ko, kaya para akong lasing na matutumba habang napapaatras sa ginagawa ng lalaking to.
Kaya sa inis ko, bigla akong humarap sa kanya. At sinuntok ang private part nya.
Napasigaw ito sa sakit at nag tatalon.
Letse, atsipangga. Amoy putok. Akala ko pa naman ako yung amoy putok. Ito palang lalaking to. Hayop nato.
"Tangina mo. Papatayin kita." Sigaw nya.
At bumunot sya ng kutselyo mula sa likod nya. At itinutok saakin.
Kaya na alerto ako. Sigurado, maling galaw ko lang. Sugat ang matatamo ko.
Mabilis sya umatake sakin, kaya hindi ko alam kong anong gagawin ko.
Basta tumakbo nalang ako. Gago ayuko ko pang mamatay.
Nilingon ko ang lalaki at talagang sinundan pa ako. Patuloy lang ako sa pag takbo ng bigla ako bumangga sa rebulto ng tao kaya napatigil ako. Parang hindi tao ang nabunggo ko. Hindi manlang ito naalis sa kinatatayuan nya.
BINABASA MO ANG
She's A Man
Acakѕα mundσng αtíng kínαgαgαlαwαn αt mαgíng αng αtíng вuhαч, ítσ αч nαвαвαlσt ng kαѕíчαhαn αt mgα mαpαg pαnggαp nα mgα tασ. híndí pαrα mαg tαgσ dαhíl ѕα nαg kαѕαlα. kundí sa tαkσt. ѕα вαwαt αrαw nα nαg dαrααn mαч mgα вαgαч nα вαѕtα-вαѕtα nαlαng nαngчα...