"Anna... No. Don't leave me... Anna." all he could see is blood, yet the clear vision of his car's broken front windscreen glass at ang ulo ni Anna na na-stuck sa front door glass, while bathing on her own blood. He was terrified and felt dying pero pilit na inaabot ang kamay ni Anna.
"I-I'm s-sorry..." halos hindi na niya marinig ang boses ng dalaga.
"Anna..." He tried squeezing her hand but had no more strength left.
Nanlumo siya nang makitang tila ilang sandali na lamang ay mawawalan na ng hininga ang babaeng minahal niya ng sobra. Desperado niyang hinahabol ang hininga kahit pumipiyok pa rin ang tenga dahil sa aksidente. Nanghahapdi na ang mga mata dahil sa dugong pumasok dito.
"Sh-she... S-she's L-liza. F-find her." Huling pahayag na lumabas sa bibig ni Anna bago nilamon ng kamatayan.
"Anna!"
Napabalikwas ng bangon si Adam mula sa sofa na kanyang hinihigaan. Pawis na pawis at hinihingal.
It's that nightmare again he had for 6 years.
Napalingon siya sa kama na hinihigaan ni Anna nang maalalang nasa kwarto siya ng dalaga. Nilapitan niya ito ng puno ng pag-aalala at lungkot. She resembles her Anna so much that he could still feel the pain he felt from that dream. So much that he wants to hold her tight right now just to console his lonely heart.
Napakuyom siya upang pigilan ang sariling gawin ang mga bagay na ibig niyang gawin sa natutulog na si Anna. How could he do things to her when she looked like having a nightmare as well?
He sat on her bed then held her hand to find comfort and he did, though it was not good enough. Nakita rin niyang kumalma ang tila paiyak nang mukha ni Anna.
It seemed as if, they both were comforted by and needing each other's touch. He wondered what her nightmare was.
"Are you her sister?" Out of habbit, natanong niya sa natutulog na si Anna.
Isang hikbi ang kumawala sa bibig ng dalaga na ikinabahala niya. "R-Rae... Rae, I'm sorry." Saad ni Anna na binabangungot pa rin.
Tila may bumara sa lalamunan ni Adam sa narinig. He held her hand tighter. Gusto niya itong damayan. Ngayon ay sigurado na siyang magkapatid nga ang dalawa.
Ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na maririnig.
"R-Rae... I-I still love him. Forgive me." Tuluyang pumatak ang mga luha ng dalaga.
Napabitaw si Adam sa kamay ni Anna. What did he just hear? Nalito siya at kinabahan. Naalala niyang ganito rin ang minahal niyang Anna noon, na kahit tulog ito ay sumasagot pa rin sa iilan niyang tanong o di kaya'y nagsi-sleep talk.
He looked at her intensely. What does she mean by still loving him? Sino ang tinutukoy nito? Siya kaya? Sa isip ni Adam.
Pero sigurado siyang hindi pa sila nagkakilala nito noon unless... Ito mismo ang Anna na minahal niya ng sobra.
But would that make any sense?
Lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib habang tinititigan niya ng matagal si Anna. Lahat ng detalye sa pisikal na anyo, tindig, boses at dating ng Anna na ito ay magkaparehong-magkapareho sa nakilala niyang Anna.
Naghinala siya ngunit hindi niya maikakala ang nangyaring aksidente kung saan ay namatay ang pinakamamahal niyang Anna.
Umiling lamang si Adam. He thought, how stupid he is kung paniniwalaan niya ang mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan ngayon. Talagang napaka imposible! Ngunit upang makasiguro ay gusto niyang tanungin ang Anna na ito. Be it while dreaming, o sa personal.
"Anna..." Simula niya, at hindi namamalayan ang pagpipigil niya ng hininga. "Are you my Anna?" Tinitigan niya ng husto ang maamong mukha ni Anna. Tila sasabog ang puso niya sa kaba. Hindi niya alam ang gagawin kung anuman ang isasagot ng dalaga.
Nakita niyang naghiwalay ang labi ni Anna na para bang may sasabihin ngunit dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto kaya napalingon siya at iniluwal ng pinto si Kim na may dalang tray ng pagkain.
"Adam..." Narinig niyang wika ni Anna kaya ibinalik niya ang tingin sa dalaga.
"Oh, gising ka na pala? Nagdala ako ng pagkain dito kain ka muna, sir Adam." Napalingon naman siya kay Kim na tila nagmadaling lumapit sa kanya.
Tiningnan niya ang dalang tray ni Kim. Dalawang platong may tig-iisang kanin at tig-iisang piraso ng fried chicken saka malaking bowl ng special chopsuey ang laman nito. May mga kobyertos din at tissue.
Tiningnan niya ang mukha ni Kim na pangiti-ngiti pero halatang kinakabahan, pinagpawisan pa ito at palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Anna.For years of dealing with people, alam niya ang ikinikilos ng mga may nililihim maliban na lang kung magaling ito magtago. Katulad na lang ng ikinikilos ni Kim ngayon, sa body language nito ay napansin niyang may itinatago ito sa kanya. But what could that be?
Ang pinaka ayaw pa naman niya sa lahat ay ang paglihiman o gawin siyang tanga.
Kinuha niya ang tray at nagpasalamat. Inilagay niya iyon sa mesa na katabi ng sofa na hinigaan niya kanina.
He thought, aarte na lamang siyang walang napansin ngayon ngunit patuloy siyang magmamasid o mag-iimbestiga.
"Kumusta na siya? Bakit hindi pa siya gumigising?" Tanong ni Kim. Umiling lamang siya bilang sagot.NAGPAALAM siya kay Kim na sa nirentahang kwarto na lamang siya kakain upang makapaghanda na rin.
Alas siyete na kase ng gabi. Isa sa plano niya ang mag-campfire ngayon kahit halos gabi-gabi itong idinadaos malapit sa open restobar ng resort at upang makilala ang iba pang turista at sulitin ang bakasyon niya sa isla.
"OKAY ka na ba?" Tanong ni Kim kay Anna na kagigising lang. Umupo si Anna at napansin ni Kim ang paglibot ng tingin ng dalaga sa kwarto na parang may hinahanap.
"Ah si Adam, kanina pa siya gising kaya dun na siya ngayon sa room niya." Saad niya sa dalaga at napatingin ito sa kanya.
Napansin ni Kim ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Anna, na alam niya ang ibig sabihin, kaya niyakap niya ito ng mahigpit.
"My friend, my friend. Alam kong maiinis ka na naman sa sasabihin ko pero sasabihin ko pa rin. Sabihin mo na kaseng ikaw ang Anna niya. Para sa inyo din yun." simula niya.
Nang hindi umimik si Anna, which is bihira lang mangyari ay ipinagpatuloy niya ang sasabihin. "I can see he loves you so much. Isang uri ng pagmamahal na papangarapin ng lahat ng mga kababaihan. Kaya, patawarin mo na ang sarili mo. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan, okay? I know, iyon din ang gusto ni Rae."
SAMANTALANG sa labas ng kwarto ni Anna, natutop ni Melvie ang kamay sa bibig dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwalang totoo ang hinala ng nagpadala sa kanya sa resort tungkol sa katauhan ni Anna.
Agad niyang kinuha ang cellphone at may tinext sa nagpadala sa kanya tungkol sa kanyang natuklasan.
Sanay na siya sa mga ganitong eksena kaya sisiw lang sa kanya ang magpanggap na inosente. Akmang kakatok na siya nang bumukas ng tuluyan ang nakangangang pinto.
"Okay ka na, friend?" tanong ni Melvie nang makitang nakabuntot si Anna kay Kim.
Nagulat si Kim at Anna sa kanyang pagsulpot at nagtinginan muna bago muling tumingin sa kanya. Naalala ni Kim na marahil ay hindi na-lock ni Adam ang pintuan ng bahay kaya nakapasok si Melvie.
"Oo, Melvie. Ang kulit kase nitong kaibigan natin eh, sabing wag ng dumalo sa campfire dahil bonding-bonding lang iyon ng mga turista pero nagpupumilit talaga." May himig ng inis na tugon ni Kim.
"Okay na nga ako. Konting sinat lang yun! Hindi ko papagurin ang sarili ko, promise. 'Tsaka, ang ganda kayang makinig ng mga kwentong buhay galing sa iba't-ibang tao at iba't-ibang lahi!" Pangusong saad ni Anna.
Napatawa si Melvie, na sinundan naman nina Kim at Anna at sabay-sabay na silang bumaba at dumiretso sa campfire.
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...