"We actually came here to celebrate our first wedding anniversary. We held our wedding here last year because this is where I first met my beautiful and loving wife." Kwento ng isang Irish guy sa lahat habang akbay ang Taiwanese wife niya. Hinalikan pa niya ito sa labi at naghihawan ang mga tao.
Kilig na kilig ang lahat habang nakikinig sa kanilang kwento. Nasa sentro nila ang apoy ng campfire at nakikinig sa kwento ng bawat isa ang lahat ng turista. Ang grupo ni Adam ang isa sa limang campfire at siyang pinakamalapit sa open restobar ng resort.
Ngayong gabi, napagtanto ni Adam na hindi pa niya kailanman naranasang makipag-usap o makinig ng mga ganito sa kahit na sinuman. Pakiramdam niya tuloy ay mag-isa lang siya buong buhay niya at kahit sa talinong taglay ay pakiramdam niya na marami pa siyang hindi nalalaman sa mundo.
He felt like he had never seen the world just by listening to these people.
"Congrats both of you. I wish my ex-girlfriend and I ended up like you guys... If only I had been faithful to her and realized sooner that my feelings for her were true." Tinig ng Nigerian national na nasa tabi ni Adam.
Natahimik ang lahat. Nakaupo sila sa silyang kahoy na pahaba at nakapalibot malayo-layo sa campfire.
"Oh man, that's worse!" Komento ng isang lalaking turista.
"I know. I know." Pagsang-ayon ng Nigerian.
" How are you now? Is that perhaps the reason why you came here?" Tanong ng babaeng mukhang Malaysian.
"Well, yeah. Sort of." Tinapik ng lalaking nagkwento kanina ang balikat ng Nigerian at tumango-tango ito.
"How about you, pretty boy?" Tanong ng Amerikanang babae sa kanya.
"Well..." Napaisip siya. Pansin niyang naghihintay ang lahat sa sasabihin niya. He cleared his throat due to sudden nervousness..
"I don't believe it's because of a heartbreak bro." Komento ng isang lalaki na mukhang Italyano. Sumang-ayon ang lahat at napatawa maging si Adam.
"Me too! Like, who would dare to break your heart when you're that hot and handsome?" Sabi ng mukhang French na babae, na kung hindi lang siguro dahil sa kasamang lalaki nito ay tumabi na sa kanya.
Nagpatango-tango ang iba at ang iba ay nagtaas pa ng inumin bilang pagsang-ayon.
Maging siya ay napangiti ng malapad. "She's really different from those girls I knew though." Tugon niya. "I've been curting her for almost a year, 6 years ago. I know she felt the same way as I did but I don't know why she always ignores her own feelings when I'm willing to give up everything just to be with her. And then.... everything shattered when she died." Tumahimik ang lahat at nagulat sa kwento niya.
"I'm so sorry, man." Paumanhin ng Italyanong lalaki na katabi niya.
Tumango lamang siya.
"It's been 6 years, right? Then why came now?" Tanong ng Taiwanese na asawa nung Irish guy.
Napayuko si Adam. "I just had a break from work. All these years I tried concealing my sorrows. Doing everything I could to forget her, yet none of them worked out. You know, loving Asian moms..." napatawa pa siya at tumingin sa mga naroon, nakita niya ang awa sa mga mata ng mga naroon, saka muling yumuko at nagseryoso.
"My mom found out about my journal. There, I wrote everything I couldn't put into words for years, even my desire to end my life. And here I am." Bakas ang lungkot sa kanyang mga salita. "I actually came here to have a health break and to move on... From everything."
Hindi inasahan ni Adam ang pagtayo ng mga kasamahan niya sa campfire para bigyan siya ng group hug ng mga ito bilang pakikiramay. Nagbigay din ng mensahe ang iba bilang pagpapalakas sa kanyang loob.
Hindi niya masabi-sabi ang mga ito sa kahit na sino maging sa kanyang ina noon, pero ngayo'y naihayag niya ito sa kapwa niya turista. Marahil ay dahil alam niyang pagkatapos ng gabing ito ay malilimutan rin ng mga ito ang kwento niya. Bagaman, gumaan-gaan ang kanyang pakiramdam. Hindi niya inasahang maikukwento niya ang lahat sa mga estrangherong ito.
SA LIKOD NG TENT di kalayuan sa inuupuan nila ni Adam, Pinipigilan ni Anna na maglabas ng ingay habang umiiyak. Hindi niya inaasahang kaya narito si Adam sa resort niya ay dahil gusto nitong makalimot sa kanya.
Ngayon lamang niya napagtantong hindi siya kailanman kinalimutan ni Adam at mahal na mahal pa rin siya nito hanggang ngayon, tulad ng pagmamahal niya sa binata.
Gustuhin man niyang yakapin ang binata at humingi ng tawad ay hindi niya alam kung paano at saan magsisimula.
Ang noong akala niyang panandaliang pag-ibig lamang ang nararamdaman ni Adam para sa kanya ay tunay pala.
Tumakbo siya palayo at ang lahat ng nangyari ay nasaksihan ni Melvie.
"See you tomorrow." Wika ni Melvie sa kabilang linya ng telepono.
KINABUKASAN...
Hinanda ni Anna ang sarili. Mugto ang kanyang mga mata sa kakaiyak buong gabi kaya tinulungan siya ni Kim upang hindi ito mahalata. Ilang minuto niyang nilagyan ng malamig na kutsara ang mga mata niya pagkatapos ay pepino naman.
Nanlalamig ang kanyang mga kamay sa nerbyos. Ramdam niyang halos kumawala na ang tumatambol niyang puso mula sa kanyang dibdib sa kaba. Hindi man niya alam ang kalalabasan ng gagawing pag-amin kay Adam ay buo na ang kanyang loob na ihayag ang lahat sa binata.
TINUNGO niya ang nirentahang kwarto ni Adam sa resort. Sapo-sapo niya sa kamay ang kanyang nagwawalang dibdib. Kinatok niya ang pinto saka bumulong ng dasal na maging maayos ang pag-uusap nila ni Adam at maging handa siya sa magiging kaparusahan kung sakaling naisin ni Adam.
Napapitlag siya nang tumunog ang siradura ng pinto. Bumungad ang isang pamilyar na napakagandang babae na parang nakakita ng multo saka natutop nito ang kamay sa bibig.
Nanlumo si Anna sa nakita. Hindi niya inasahang nandito ang ex-girlfriend ni Adam, at sa loob pa ng bahay na nirentahan ng binata.
"A-Anna? Is that you?" Gulat na saad ng dilag at napaatras pa ito na parang hindi makapaniwala.
Napayuko siya at naramdaman niyang may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Ngayo'y pinipigilan niyang mapaluha.
"Who-" sinundan niya ng tingin ang nagsalita. It was Adam, he just came out from shower at nakatapis lamang ito.
Agad siyang tumakbo palayo nang maintindihan ang nangyari.
"Anna! Anna!" Habol ni Adam sa kanya ngunit niyakap ito ni Cindy bilang pagpigil.
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...