Exo Tao as Vien
Snsd Seohyun as Karla
Snsd Yuri as Nyang-Nyang
----
"Grabe, Kayo may gawa nun. Hindi ako ha" Sigaw ko
"Heh ! Kasama ka dun ." Sigaw pabalik sakin ni Vien
"Hahaha , Kayo bumasag nun ehh. Ayan landian pa!" Sabi ko naman, Pano ba naman nung nasa library kami naglalambingan sila ung nakatingin lang sa mata ng isat isa kaya hindi nila napansin na may vase pala dun nadagasan nila kaya ayun nahulog. Asa likod nila ako kaya hindi ko nakita na may vase pala dun edi sana nasabihan ko sila .
"Eto kaseng si Vien ehh kinikiliti ako, di ko tuloy nakita" Pailing iling na sabi ni Karla. Agad namang pumunta si Vien sa tabi nya
"Sorry na babe" Sabi nya at hinalikan pa si Karla "Atsaka wala namang teacher na nakakita diba?"
"Kahit na paano kung may ibang nakakita at isumbong tayo. Tsktsk" Inis na sabi ko
"Hayy bahala na" Vien. Atsaka nagbuntong hininga, Bumalik na kami ng room. Alam mo ba yung pakiramdan na kinakabahan ka kase baka paluin ka ng tatay mo ? Yun yung nararamdaman ko dahil ramdam na ramdam ko na baka pagalitan kami ng teacher namin or worst baka madetention pa.
"Problemado ka ahh " Pansin ni Vien . Oo nga bat ba ako problemado eh hindi naman talaga ako ang nakabasag nung vase na yun.
"Hoy Nyang-Nyang dito na tayo . Saan ka pa ba ? ito na klasroom natin ohh " Sabi nya, Tsss . Nyang-nyang na naman tawag sakin nitong mokong na ito.
"Bat ba kase nyang-nyang tawag mo sakin ? Ang panget!"
"Anong panget ? Ang sweet nga pakinggan ehh" Teng ineng sweet yan -_-
"Hanep sa Sweet yan . Ang layo layu ng pangalan ko sa Nyang-nyang"
"Ehh basta yun ang gusto ko, Kami lang dapat ni Karlababes ang tatawag sayo ng Nyang-Nyang ha kase kami lang yung bestfriend mo " Tsss . Ganda ganda ng pangalan ko tapos papaltan lang nila ng Nyang-Nyang ? Napatango nalang ako sakanya .
"Teka asan nga pala si Karlababes ? Baka may nang higit na dung ibang lalaki" Nagpapanic na sabi nya . Hay Nako naman -_- Seloso Much !
"Pumasok lang sya sa loob, gago" Sabi ko at pumasok na din . Baka dun pa ako sumabog at magtawa ng sobra, Ang tanga kase pwede namang tingnan dito sa loob kung san san pa tumitingin.
"Anung nangyare dun ? Bat di pa napasok ?" Tanong ni karla pagka-upo ko sa upuan.
"Haha . Papasok na din yun.." Like what ive said pumasok na nga si Vien at tumabi samin .
"Nako babe bat mo kami iniwan akala ko ba walang iwanan ? Akala ko tuloy hinila ka na ng ibang lalake dyan sa tabi tabi" Sabi nya sabay Pout .
"Sorry babe, Akala ko kase kasunod ko kayo . Hindi pala Sorry ! Promise di na kita iiwan" Sabi ni Karla at yun hinalikan sya ni Vien . Ang sweet nila no ? Pero alam mo ba yung sobrang sweet na nakakasuka na . Sila yun ehh , Nakakasukang tingnan .
Maya-Maya pa ay dumating na ung teacher namin.
"GoodAfternoon Seniors" Sabi nya habang nakataas pa ang kilay. Eto't kinakabahan na naman ako, Nakalimutan kong Math pala kami at siya ang teacher. Isa si Maam Delos Trinos sa nagbabantay sa library kaya malamang alam nya na may nabasag dun .
"Bago mag-umpisa ang hapon na ito pinapahintulutan ko munang tumayo kung sino man ang nakabasag ng vase sa library" Sabi nya, Napuno naman ng bulungan ang room namin kesyo di daw sila yun , Di pa daw sila pumunpuntang library at hindi daw sila lumabas ng room .
"Wala bang aamin? Gusto nyo pa bang puntahan ko pa kayo kung san man kayo nakaupo ?" Shitt, Ibig sabihin alam nya . Dali daling tumayo si Karla at Vien, Napatingin naman ang mga kaklase namin sakanila sunod ay tumingin sa akin , ung parang sinasabing 'Ikaw ? Di ka kasama ?' Sobrang torture ung mga tingin nila kaya ako namang walang magawa ay tumayo nalang .
"Now , Go to detention . wag kayong babalik hanggang nagtuturo pa ako dito. maliwanag ?" We are all dead !
"Opo" Sagot namin ng nakatungo at lumakad na paalis ng room papunta sa detention .
"Ayan . Kase kayong dalawa ehh !" Sabi ko . Ang hirap pa naman habulin ng lessons sa Math .
"Ayos lang yan . Ang saya nga ehh hindi malulugaw ang utak natin kase hindi tayo magmamath" Tuwang tuwang sabi ni Vien.
"Kaya nga galing mo naman. Ha-ha-ha" Sarcastic kong sabi, Grabe sa utak nitong lalaking to . Kabwisit !
Tumuloy na kami sa Detention at pagpasok namin.... FVCK !
--
(A/N: Thanks sa mga nagbasa)
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionSometimes in life, You fall for the person you NEVER expected to fall with.. 'YOURE BESTFRIEND'