CHAPTER 00

13 2 2
                                    

The Official Trailer of 3008 will be found on top. Give it a try :)

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, create derivative works from, or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WARNING: MATURE CONTENT
This story contains graphic depiction of violence, strong languages, and/or other mature themes. Reader discretion is advised and trigger warnings may be included. Please proceed with caution.

Copyright © 2023 REIXCIDD










CHAPTER 00: THE PROLOGUE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 00: THE PROLOGUE










Hinihingal na tumatakbo ang isang lalake sa pagitan ng mga naglalakihan at nagtataasang industrial storage racks na pinaglalagyan at napupuno ng iba't-ibang laki ng mga kahon. Nasa 20's na ang edad nito at halata sa mukha ang takot at kaba, pilit na hinahabol ang hininga habang tumatakas papalayo.



Madilim at tahimik ang paligid. Tanging ang langitngit ng sapatos nitong tumatama sa sahig habang tumatakbo, ang paghabol nito ng hininga, at ang mabilis na pagtibok ng puso nito ang naririnig.



Muli itong lumingon sa likuran habang tumatakbo upang sulyapan ang kung anuman ang humahabol dito. Nang makita niya ang nilalang sa 'di kalayuan ay agad itong huminto at dali-dali nitong tinalon at inabot ang ikalawang palapag ng bakal na storage racks gamit ang kaliwang kamay. Buong lakas nitong binuhat ang kanyang sarili upang makaakyat.



Nang magtagumpay ito na makaakyat ay kakapa-kapang pinagsiksikan nito ang sarili sa pagitan ng mga kahon. Wala mang nakikita dahil sa dilim ng paligid ay nagawa pa rin nitong itago ang kanyang sarili.



Malalakas na yabag ng mga paa ang kanyang naramdaman na nagpatigil sa kanya sa paggalaw. Inilapat nito ang kanyang mga kamay sa bibig upang pigilan ang sarili na gumawa ng ingay at pilit nitong kinokontrol ang paghinga upang hindi ito mapansin ng kung sinuman o anuman ang nasa labas na nag-aabang dito.



Isang matangkad at malaking nilalang ang tumigil sa eksaktong tapat kung saan nakatago ang lalaki at pinakikiramdaman ang paligid. Kahugis man ng mga tao ngunit malayong-malayo ang itsura nito.



Tumigil ang paligid nang saglit na nawala ang mga ingay. Dilat na pinagmamasdan ng lalaki habang tumatagaktak ang pawis na nakatago likod ng mga kahon ang nilalang na 'tila nawalan ng baterya at tumigil sa paggalaw. Unti-unting umatras ang lalaki upang ilayo ang sarili sa nilalang.



Isang maliit na kahon ang hindi sinasadyang nasagi ng lalaki habang umaatras ito na nagresulta sa pagkakahulog ng kahon at paggawa ng ingay. Agad na napalingon ang nilalang sa direksiyon kung saan umalingawngaw ang ingay at buong lakas na ipinagaspas nito ang mahahaba at malalapad nitong braso sa direksyon ng ingay. Tinamaan nito ang mga kahon na katabi ng lalaki at bahagya rin nitong naitulak ang lalaki. Nahulog ito sa kabilang parte mula sa ikalawang palapag ng storage racks at bumagsak sa kanyang kanang hita.



Napasigaw ito dahil sa naramdamang sakit mula sa pagkakabagsak. Dali-dali naman itong tumayo at paika-ikang tumakbo palayo sa nilalang. Hindi naramdaman ng nilalang ang lalaki dahil sa mga naghuhulugang mga kahon kaya't nakalayo ito ng bahagya. Dahan-dahan nitong sinundan ang daan upang makalayo sa nilalang. Nilingon ng lalaki ang nilalang at laking tuwa nito na natakasan na niya ito.



Muli siyang lumingon sa kanyang harap at nadatnan ang isa pang nilalang na katulad ng nilalang na tinatakasan nito na nakaharap sa kanya. Sinubukan ng lalaki na muling tumakbo palayo rito ngunit hinablot ng nilalang ang kanyang mga paa sa magkabilaang kamay at buong lakas na hinila ito palayo sa isa't-isa. Kumalas ang kanang hita ng lalaki sa kanyang katawan at saka parehong nahulog sa lapag. Wala nang magawa ang lalaki kundi sumigaw na lamang ng buong lakas sa sakit na naramdaman.



Nanghihina at naliligo na sa sariling dugo ngunit sinubukan pa rin nitong makatakas. Gamit ang dalawang braso ay hinila nito ang kanyang sarili palayo habang pinagmamasdan lang ito ng nilalang. Pinagdikit ng nilalang ang kanyang dalawang kamao, inangat ito sa ere, at buong lakas na ibinagsak sa ulo ng lalaki.



Tanging biglang tigil na lamang na sigaw ng lalaki ang umalingawngaw sa malawak, malamig, at tahimik na kadiliman.










Tell me your thoughts about this chapter.
Don't forget to use our official hashtag

#3008 #REIXCIDD
#REIXCIDD_3008

3008Where stories live. Discover now