Prologue

18 0 0
                                    

"Cheeeeeeeers!" Maya shouted at the top of her lungs as she took the first shot.

Nasa URBN QC siya at ang dalawa niyang tropa na si Joy at Shanna. Kakatapos lang kasi ng finals nila ngayong first sem kaya naman nag-celebrate sila.

"My youth, my youth is yours!" Kanta pa ni Maya habang sumasayaw nang konti.

"Taray! Troye Sivan songs ang tugtugan tonight!" Joy said.

Nang lumalalim na ang gabi, medyo nagiging tipsy na si Maya. Sumasayaw na rin ito, ganun din ang dalawang kaibigan. Kasama pa nila sa bar ang ibang superclassmates, pero nasa ibang pwesto lang. Silang tatlo talaga ang best of friends.

"Maya. May dare kami sa'yo. Humanap ka ng guy tapos halikan mo. 5 seconds walang malisya." Shanna said then laughed.

"Ayyy, ayoko! Good girl ako!" Maya answered.

"Pag nagawa mo, libre ka namin ng samgyup! Dali na!" Joy added.

Jam sighed. "Nako. Ayoko pa rin. Pano kung taken di ba? Alam niyo naman mga tao ngayon. Kahit may jowa, kung sinu-sinong tinutuka."

"Wag puro aral! Lumandi ka rin!" Joy answered.

Maya is a known stellar in their class.

Maya stood up, "Teka, naiihi ako."

"Ayan naa! Go girl!" Shanna cheered.

Kahit medyo lutang na, nakapag-CR pa naman siya. Bago siya bumalik sa pwesto nila, kinuha niya ang cellphone niya at nag-ig story muli. Pang-flex sa socmed.

Open naman ang parents niya. Alam nilang palainom ito. Okay lang, stellar naman. *winks*

Maya maya, may nabangga siyang matangkad na lalaki. Maputi ito. Maganda ang hugis ng katawan. Sobrang kinis. Mukhang athlete.

"Oh, sorry miss!" The guy said. Nagsorry pa yung lalaki kahit si Maya pa ang nakabangga.

Biglang tumugtog ang strawberries and cigarettes.

"Hala. Ang pogi tangina." Sambit ni Maya tapos ngumiti. "Sorry, medyo lasing na."

The guy laughed. Medyo siksikan na kaya naman medyo nagdikit sila.

"Hi. Anong name mo?" The guy asked.

Pero sa halip na sumagot.. her eyes were glued to his lips..lips like cherries. Then she stared to his eyes.

She felt something in her heart. Nakita ko na ba 'tong lalaking 'to? Deja vu ang feeling. She remembers the feeling, but she forgot how and when.

"Lasing ka na ata miss, uwi ka na kaya?" The guy said. Ang tagal kasing nakatingin ni Maya kaya ang awkward.

"Hahaha! Hindi pa! Ineenjoy ko muna yung moment. Saka hello, ang ganda kaya ng OOTD ko! Irarampa ko pa!" Maya answered.

"Hahaha. Oooh. Sexyyyy." The guy answered.

Reaching the chorus part of strawberries and cigarettes, Maya stared into his eyes again. It was clearer now because the lights make the guy's face even brighter.

🎶 strawberries and cigarettes always taste like you 🎶

"Sorry kuya ha, dare lang 'to."

She was almost 5'2 while the guy was around 6 feet. Despite the height differences, she pulled the guy for a kiss.

Tangina. She thought.

The guy was so surprised. He was shocked pero hindi pumalag. That was fast.

"Sorry. Bugso ng damdamin. Hehe. Sorry kuya. Uwi na ko. Ingat ka."

Tangina mo, Maya. Padalos-dalos ka na naman.

Nakipagsiksikan siya para lang makabalik sa mga kaibigan niya, kahit pilit siyang hinahabol nung lalaki para makipag-usap ulit. Kaso, di na siya naabutan.

Nung malapit na siya sa table nila, bigla na lang siyang natumba dahil na rin sa kalasingan.

This is Maya, a stellar student, but a different person when making decisions.

Akala niya yung halik na yon, wala lang. Pero marami palang magbabago sa mga susunod na araw.

-

Hi Readers! This was actually my first story related to a KPOP idol. Please bear with me and I hope you can support this story.

Jaemin UAAP era. HAHAHA enjoy!

Sealed FateWhere stories live. Discover now