Vanessa's POV
Good morning! ^___^ yay! Walang pasok ngayon kaya nasa bahay lang ako. Syempre ginawa ko muna yung morning rituals ko.
Sipilyo, hilamos. Sabay baba.
"Nak. Gising kana pala?"- nanay
Hindi nay! Tulog pa ako. Kaluluwa ko lang to Nay! Hahahaha! Joke.
"Opo nay eh. Nga po pala bat nandito kayo ngayon?"
Si Nanay kase once every two weeks lang umuuwi dito sa bahay dahil sa trabaho nya. Kaya ako lang parati tao dito.
"Wala. Dumaan lang ako para kamustahin ka. Nga pala kamusta naman yung school mo?"
Wag mo ng itanong Nay.
Naka isang liggo na ako. Ganun pa din. Masama pa din tinggin sakin ng mga babae dun. Si BF kuno ko. Parang wala naman. Hndi naman ako pinansin ulit. Mas maigi na yun. At least walang impakto na nanggugulo sakin. Impaktong gwapo naman. XD Wahaha.
"Oy tulala ka dyan nak? "
"Sorry Nay. May naalala lang po ako sandali. Teka nay kain muna tayo."
"Hindi na Nak. Aalis na din ako dinalan lang kita ng mga pagkain mo. At ska baon mo para next week"
Yan nanay ko. Sobrang sweet. :)
Umalis na si Nanay. Kaya itutuloy ko na yung morning rituals ko. Makikipag bonding sa mga bebe ko.