"Allegra, bakit hindi ka na masyadong nakikipaglaro sakanila Akuji? Palagi kanalang narito sa bahay o di kaya naman ay nakabuntot sa iyong ina o sa'kin?" tanong ni papa habang nasa hapagkainan kami.
"Gusto ko lang po kayo makasama ama." Ngiting sabi ko rito. isang buwan na ang nakakalipas mula nung huling pag uusap namin ni Akuji. Palagi kasi akong sumasama sakanila mama. Ewan ko, ang plano ko talaga ay tsaka siya iiwasan matapos ang gera, pero heto at iniiwasan ko siya palagi sa pamamagitan nila ina at ama. Hindi ko 'man gustuhin pero mukang ganun na nga ang nangyayari kapag ayaw mo sa tao, iniiwasan.
"Makipaglaro ka naman sakanila Akuji, anak. Lalo na si akuji, nalulumbay na ata ang batang iyon, dahil di mo kinakausap hahaha!" tumatawang sabi ni ama.
"Nako anak, di kana dapat atang hanapan ng mapapangasawa ah, Asawa na ang lumalapit sa'yo!" ngiting sabi naman ni ina. ngiting pilit nalamang ang nasukli ko sa mga sinasabi nila, kung sa mundong Earth ay galit na galit ang mga magulang kapag nag asawa ng maaga, dito naman ay gusto nila maagang makapag asawa ang mga babae. Wala kasing kapangyarihan ang mga babae sa panahon na ito. Tulad nga ng sabi ko kapag nasa mababang posisyon ka, wala kang karapatan magtrabaho sa matataas na ranko.
Ang mga commoner ay di nakakabasa kaya't karamihan ng commoner ay di nakaka-angat sa buhay at mananatili na lamang na commoner, Ang mga baron na katulad ko ay nakakapagtapos hanggang ika sampong baitang lamang, ito ang tinatatawag sa mundo ng Earth na Highschool. Samantalang ang mga Duke at dukesa ay maaraing kumuha ng nais nilang trabaho. Pero kakaunti ang mga Dukesa na nakakapagtrabaho. Nakakapagtapos sila ngunit dahil sa diskriminasyon sa mga babae ay di na nakakapagtaka na bibihira lang magkaron ng matapang na babae. At sino pa ba ang makakasira ng Imaheng iyon sa Emperor at mga Noble? edi ang Saint na si Irene. Sa libro ay pinatunayan nya na kahit babae ay karapatang maging malaya at matigil ang diskriminasyon. Well, siya ang bida kung kaya't di na nakakapagtaka na umayon sakanya ang lahat.
"Anak? Ang lalim ata ng iinisip mo? Ay! oo nga pala, may bagong salta rito sa'tin. Mukhang.. ano ang tawag dun, mahal?" napatingin ako kay ama dahil sa sinasabi niya na bagong salta.
"Alkimis? Alchemist?"
"iyon nga! Alchemist! Matandang babae iyon anak at masungit! Sinungitan ako!" pagsusumbong pa nito sakin at kasabay nun ang pagkunot niya ng noo. napatawa ako ng mahina dahil sa itsura niya.
"Ama, masungit rin naman si ina sa mga di niya kakilala ah, kaya ganun din siya siguro." nakangti kong tugon rito.
"sabagay, pero wag kang gumawi roon, malapit siya sa gubat at dulo ng ating bayan ang lokasyon ng bahay niya. Delikado iyon anak, kilala kita kaya wag mo kong sawayin. Hindi mo alam ang mga nagagawa ng mga alchemist." Seryosong sabi nito sa'kin. Isang ngiti nalamang ang tinugon ko. Pero sa totoo lang kilala ko ang alchemist na sinasabi nila. Hindi siya binaggit sa libro dahil siguro isa lamang siya sa mga side character na kagaya ko, kung kaya't di siya nababanggit. Pero tanda ko naka attract ng mga halimaw ang ginagawa niyang kung ano 'man ng araw na nagsimula ang gera.
Hindi siya ordinaryo na Alchemist lang, dahil sa pagkakatanda ko ito ang lola ni Akuji. Nalaman niyang dito namamalagi ang apo niya kaya nung nagkaron ng Gera na hindi niya inaasahan ay hinanap niya agad si Akuji. Tandang tanda ko kung paano niya nilagtas si Akuji ngunit hindi ang aking ina. Alam kong kaya niyang iligtas ang dalawang tao dahil may kakayahan siya, ngunit hindi niya ginawa iyon. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ko sa kutsara at tinidor.
Dapat ay makaisip ako kung paano ko siya pakikinabangan at kahit paano ay makahigante man lang sa ginawa niyang kasalanan sa'king ina. Tumalon ako galing sa pagkakaupo. nasa ika-pitong gulang na ako pero maliit pa rin ako gawa ng mapili akong tao sa mga kinakain at hindi ganun kayaman ang aming pamayanan kaya madalas na pupunta muna ng City para lang makabili ng mga masasarap na pagkain, ngunit hindi basta basta ang perang igagasta roon dahil mas mamahalin ang mga pagkain na naroroon. Masarap ngunit mahal, sulit naman kaso kung isa kang commoner ay isang buwan na sahod mo ay isang kainan mo lamang.
"San ang iyong punta, anak?" tanong ni ina. lumapit ako sakanya at hinalikan ang kanyang pisnge ganun rin kay ama, nung una nagugulat sa'kin pero ginagawa ko na ito simula nang magbalik ako sa mundong ito. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw kung kaya't habang buhay pa sila ay sinusulit ko na. Ayokong dumating ang araw na pagsisihan ko muli ang mga desisyon ko.
"Kay akuji, mama." ngiting sabi ko sakanya at umalis na. Ang totoo nyan ay hindi ako gagawi sakanila Akuji. Pupuntahan ko ang Matandang alchemist at sasabihin ko sana na ang apo niya ay si Akuji.
Napahinto ako sa naisip ko. Kung sasabihin kong apo niya si Akuji, Maniniwala ba siya? Ga'yong ito ang una naming pagkikita. Napatingala ako sa langit, asul na asul ito at kakaunti lamang ang ulap.
Papaano kaya kung pakinabangan ko ang mga alam ng matandang iyon? Paano kaya kung magpaturo ako sa kanya sa mga bagay bagay na ginagawa ng isang Alchemist? Paano ko naman kaya siya mapayag sa bagay na iyon?
"Allegra!" Napatingin ako sa gawi ng tumatawag sakin, nakita ko si Akuji na tumatakbo papalapit sa gawi ko habang kumakaway, bakas ang saya sa mukha niya. Nang makalapit siya sa'kin ay hihingal pa ito.
"Bakit.. hah.. ngayon ka lang.. hah.. lumabas, Allegra?" hingal na tanong nito habang binabawi ang hininga. tinignan ko ang pananamit niya, naka short ito at naka polo, pawis din ito. Napatingin ako sa pinaggalingan niya, Doon nag eensayo ang mga gustong maging Knight at ipapadala sa Main City para mas ma-ensayo dun. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at binigay iyon kay Akuji na kinatingin niya at umayos ng pagkakatayo para titigan ako.
"Ang panyo, Akuji. Ipunas mo sa pawis mo." sabi ko sakanya at nilahad muli ang aking panyo. Kinuha niya iyon ng may ngiti sa labi atsaka niya ito tinignan. At bakit tinititigan lamang niya ito? Pamunas sa pawis ang panyo hindi isang disenyong pigura na dapat titigan lamang kaya napataas ang kilay ko na tinitigan siya. Tumingin uli siya sakin at pinunasan ang noo niya na pawis na pawis. Kinailing ko nalang ito dahil sa kabuangan niyang ginagawa. Naglakad na ako at nilagpasan siya.
"san ang punta mo, Allegra?"
"Jaan lang!" pagsusungit na sabi ko at diniretso ang daan patungo sa bahay ng matandang alchemist.
====================
Hello po! Thank youu so much for support po! :))
BINABASA MO ANG
Captivated by the Young Lord
FantasyReincarnated Series presents "Captivated by the Young Lord" Allegra, a poor villain in a Novel. Everyone does not Pity her, why would they? All villainess have a reason why they acted like that, but will people understand them? No, why would they un...