PROLOGUE

21 0 0
                                    


Prologue

Frina POV

I'm going down stairs when my stepsister bumped into me, luckily nakakapit ako sa railings ng hagdan. I really hate this b*tch. 'But.. why is she crying?'

Nang maka-baba ako, tatawagin ko sana si Dad dahil papasok nako sa eskwela ng..

"Dad, papas- *PAK*" 'd-did he s-slap me? This is the first time that m-my father lay his hands on me.'

"D-dad, what's w-wrong?" mangiyak-ngiyak na tanong ko.

"What did you do to your sister? I thought you'll accept her?!" nangunot ang noo ko. 'What the fvck are they talking about?'

"She's crying Frina! She said you hurt her and you insult her!!" my stepmom shouts at me. 'How dare she?'

"Dad, Mom? What are you talking about? I didn't do such a thing to her." umiiyak na giit ko. Di ako maka move on sa pagsampal sakin ni Dad dahil yun talaga ang pinaka unang beses na saktan nya ako.

"Mom, dad, don't tell me maniniwala kayo? May pasa ako!" umaarteng iyak nya, hinaplos naman ng nanay nya ang pisngi nyang.. may pasa? What the fvck?

"See Frina?! She's hurt! Hindi mo ba aaminin ang ginawa mo?!" Ani ng panganay kong kuya. 'Akala ko kakampi kita kuya?'

"WALA AKONG AAMININ KUYA ANO BA?! MANIWALA NAMAN KAYO OH!" sigaw na depensa ko sa sarili ko.

"Frina, pano kami maniniwala sayo?! May pasa sya oh! May pasa!" sigaw ni kuya. Kitang kita ko dito kung pano ngumisi ang mag inang demonyo sa likuran ni dad at kuya.

""HINDI KO KASALANAN YAN KUYA! Maybe s-she hurt herself para mapagbintangan akoo!!*PAK*" kuya slap me.

"Are you saying baliw ang kapatid natin?" nanggigigil na tanong ni kuya.

"She's not my sister." 'ang sakit.'

"AND SHE WILL NEVER BE MY SISTER!!" sigaw ko. Tiningnan ko muna silang lahat bago ako tumakbo palabas. Nakita ko pang sumunod sakin si Scarlet my stepsister. I FVCKING HATE THIS GIRL!

Tuloy tuloy lang ang takbo ko, at tuloy tuloy lang din ang pag sunod nya sakin.

'Ain't she tired? Tired of making fun of me? Kase ako pagod na, pagod na pagod na.'

Napatigil muna ako saglit dahil may truck na paparating. Hinarap ko na rin si Scarlet.

"Bakit sumunod kapa?" inis na tanong ko.

"Wala tiningnan ko lang kung mamamatay ka na." ngisi nya.

Agad ko syang sinakal pero pinipilit nyang magsalita, nung una ay hindi ko maintindihan ngunit kalaunan ay nabuo nya rin.

"Kawawa ka naman. y-yung nanay mo iniwan k-ka HAHAHA. Tas w-wala kang k-kamp--" lalo ko pang hinigpitan ang pagkaka sakal sa kanya dahil sa inis. Pero kalaunan ay pinakawalan ko rin sya.

'Bakit nga ba umalis at iniwan kami ni mama? I can fight, I can use gun, dagger, sword, I'm a trained Mafia, but now, why I can't protect myself? Why I can't defend myself? Bakit ang hina ko ngayon?'

"Na-realize mo na bang wala kang kwenta at hindi kana dapat na mabuhay pa?" ngising tanong nya.

"Shut the fvck up there Scarlet. You're a slut, bitch and attention seeker. Kaya ikaw ang dapat mawala sa mundo. Wala kang kwenta." inis na saad ko bago ako tumakbo pa ulit kung saan pero sumusunod parin sya.

Tatawid na sana ako pero hindi ko napansin yung kotseng paparating. Ang bilis ng takbo nito kaya hindi nako nakagalaw hanggang sa..

Naramdaman ko ang pagbunggo ko sa kotse, ramdam ko din ang likidong uma-agos mula sa ulo ko pababa sa leeg ko. Nakita ko ang pag ngisi ni Scarlet.

"Wala kang kwenta kaya mamamatay ka agad, sana tanggapin ka sa impyerno. Walang nagmamahal sayo, HAHAHAHA." yan ang huli nyang sinabi bago sya umalis at bago ako mawalan ng malay.

Princess Riana POV

Narito ako ngayon sa hardin, iniisip kung bakit lahat sila'y galit sa akin. Pagmamahal lang naman ang aking nais pero bakit tila ang tadhana'y ipinagkakait ito sa akin?

Lahat ng nasa palasyo at sa labas ng palasyo ay mahal at mataas ang tingin sa aking pinsan. Pero bakit kapag sa akin ay parang sila'y diring diri at walang pakialam?

Ano ba ang aking ginawa at ganito ang tadhana? Wala akong pakialam sa kayamanan at kasikatan ng aming pamilya, ang gusto ko lang naman ay maramdaman ang pagmamahal ng Ina, Ama, Kapatid, at lahat ng aking kadugo.

"Aking kaibigan, bakit tila malalim yata ang iyong iniisip?" Biglang sulpot ng nag-iisa kong kaibigan na si Gina. Isa rin syang Prinsesa ngunit sa ibang palasyo sya, at mahal din sya ng lahat.

"Wala ito aking kaibigan, hindi naman mahalaga." sagot ko.

"Ah ganon ba? Sige aalis na muna ako ha? Mukha kasing ako'y hinahanap na sa amin." pagpa-paalam nya. Tumango na lamang ako.

Pagka-alis niya ay umalis narin ako, naglalakad na ako pataas ng hagdan patungo sa aking silid ng makasalubong ko ang aking pinsan na ngayo'y naka ngisi.

"May problema ba aking pinsan?" tanong ko pero nainis lamang siya.

"Oo meron, ikaw! ikaw ang problema ko! Bakit ba kase hindi ka na lamang mamatay para ako na ang magiging tagapagmana ng kahariang ito!"

'Iyon ba ang dahilan kaya't lagi kang galit sa akin? Ngunit may kaharian naman kayo at ikaw ang tagapagmana roon kaya bakit gusto mong ikaw ang maging tagapagmana rito sa aming kaharian?'

Iyan sana ang nais kong itanong ngunit baka mainis lang sya sa akin at kagalitan ako ni Ama.

"Bakit naman aking pinsan? Hindi ba't ikaw na ang tagapagmana sa inyong kah--" hindi na natapos ang aking sasabihin ng ako'y kanyang sampalin. At sigurado akong namumula na ngayon ang aking pisngi dahil sa lakas ng pagkakasampal nya sa akin.

"MALIIT LANG ANG KAHARIANG IYON RIANA!! SA TINGIN MO GUGUSTUHIN KONG MAGING TAGAPAGMANA NG MALIIT AT MABAHONG KAHARIAN NA IYON??!!" sigaw nya na nagpa-igtad sa akin.

"P-pero aking pinsan, doon kayo nakatira. Paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan?" nakakainis dahil nilalait nya ang sarili nyang kaharian, sabihin natin na maliit nga iyon pero hindi ito mabaho.

"ARGHHHHH!!! Wala kang kwenta kaya mamamatay ka agad, sana tanggapin ka sa impyerno. Walang nagmamahal sayo!!!!! " huling sinabi nya bago ako itulak sa hagdan.

Mahaba masyado ang hagdan hindi ako pwedeng mahulog dahil maaari akong mamatay!!! Ngunit tila hindi nga talaga ako ipinagpala kaya't hindi na ako naka kapit at tuluyan akong nahulog pababa.

"TULONGGG"




____________________

VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!! 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

REINCARNATED AS THE UNLOVED PRINCESS (BOOK #1)Where stories live. Discover now