Napalingon sila sa gawi ni Asher nang bigla itong magsalita sa kalagitnaan ng katahimikan. Pa simpleng siniko ni Ryan si Asher na sinasabing huwag kana makialam. Ngunit binalewala lamang siya ni Asher." So, hindi lang ako nakakita ng sparks na parang kuryente sa daliri ni Audra nang subukan niyang punasan ang noo ni Yashin." Headmaster.
Napakunot ng noo si Maestro Leondre dahil alam niya ang tinutukoy nito na nakakita siya ng kakaibang bagay.
" So, you're saying I hurt Audra using my forehead that has a blood? " Sabat ni Yashin sabay turo nito sa noo niya.
Tumingin ng masama si Yashin sa gawi ni Ravi na kasalukuyan malalim ang iniisip nito. Napansin naman nila Cameron ang masamang tingin nito sa gawi ni Ravi. Kinalabit ni Cameron si Ravi kung kaya't nakuha niya ang atensyon nito. Agad niyang tinuro si Yashin na masama pa rin ang tingin sa kaniya.
Tinaasan niya ito ng kilay. " It's not my fault." Saad nito.
Ngunit hindi tinigilan ni Yashin hangga't hindi ito humihingi ng dispensa.
" Who threw that card? You obviously own that fucking royal card. Don't tell me someone else did that." Yashin.
Lahat ng atensyon ay nasa gawi ni Ravi na kasalukuyan may inaalala ito. Hinihintay nila na may masabi ito. Bago pa man magsalita si Ravi ay bigla na lamang siya napatingin sa harapan.
°°°°°°°°°°°°°°°°°
Akala ni Telesce ay mapapatahimik na ang buhay niya ngunit sa umpisa pa lamang ito. Biglang hinampas ng buntot ni Swiper ang babae na nasa likuran ni Telesce. Napa-aray ito sabay lingon sa gawi nila Telesce. Masama ang pinukol niya sa puting soro na kasalukuyan nakangiti.
Samantala si Telesce ay hindi maintindihan ang takbo ng utak ni Swiper. Ilang sandali ay nagsalita ang babae na nasaktan.
" Who hit me?" Tanong nito sabay taas ng kilay.
Napansin naman ni Telesce na may bilog na bolang pula ang lumabas sa kanang palad ng babae habang nakatingin sa kanilang dalawa. Samantala ang nasa likuran nila ay nakatingin sa kanilang kinaroroonan.
Ngumisi ng pagkalaki-laki si Swiper na kinataas ng kilay ni Telesce dahil nakaisip na naman ito ng kalokohan. Sinuot niya ang eye patch na puti sabay turo ni Swiper kay Telesce na para bang siya ang tinuturo na salarin.
Lumingon ang babaeng nanggagalaiti sa gawi ni Telesce at pinalaki niya lalo ang bolang pula na nakalutang sa palad niya. Napaatras ang mga nasa likuran niya dahil wala silang balak na makisali sa gulo. May iilan sa kanila na nagbubulungan na halos naririnig nila Telesce.
" Nako! Sa dinami-daming tao na sasaktan, bakit si Ally pa?"
" Kung ako sa kaniya, hihingi na lang ako ng tawad kaysa lumaban pa."
" Ang lakas ng loob na tapatin si Ally. Hindi ba niya alam na isa sa Magian Chosens si Ally?"
Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Ally nang marinig niya ang pinag-uusapan nila na halos sa kaniya kumakampi ang lahat. Samantala si Telesce at Swiper ay nanatiling nakatingin lang sa kaniya na para bang hindi siya kinikilala nito.
" Ano? Tatanga-tanga ka na lang ba diyan? Baka gusto mong lumuhod at humingi ng tawad bago ko gamitin sa 'yo ang abilidad ko." Ally.
Tinaasan naman ni Telesce ng kilay si Ally samantala si Swiper ay tahimik na nanonood lang sa kanila.
" Bakit ako luluhod? " Tanong ni Telesce.

BINABASA MO ANG
Adastrea: Journey to the Parallel Universe
FantasyIn the world of Adastrea, every Magian has strange powers that they inherited from their ancestors or one of the lucky ones received Aksha from the ten goddesses who are currently outside the world of Adastrea which is otherwise called the Universe...