Part 17

10.7K 202 184
                                    

Part 17

Bumalik ako kung nasaan sila Darius. Tito Dylan came back. Kakatapos niya lang mag-donate ng blood kay Darlene. He was fixing his sleeve when he sat on the bench.

"You all can leave. Thank you for staying..." he smiled at Drake's friends. "Especially, you Anya. I think someone's waiting for you, you can go home."

Drake arched his brow then whispered," Tss... someone."

"Darius will be here to watch over Darlene."

"Huh? May gagawin pa ako sa condo. I need to go home," sambit ni Darius.

"I have something to do too," Drake said seriously when Tito Dylan looked at him.

Kapatid nila 'yon pero wala man lang gustong mag-bantay.

"I can stay," I volunteered.

"You sure?" He looked at me.

Tumango ako. "Yes, Tito."

Wala rin naman akong kasama sa bahay or even sa condo kaya dito nalang ako magpapalipas ng gabi.

Tito Dylan nodded at me.  I told them that I'll go to my condo first to have a shower. I made plans tonight. Bumalik agad ako sa hospital para bantayan si Darlene. I stayed in her room to take care of her. May inaayos si Tito Dylan at kakaalis lang rin niya, umalis siya noong dumating ako.

Hawak ko ang bag ni Darlene dahil naiwan ni Darius sa lounge chair ng hospital. Pinatong ko sa center table ang bag niya bago naupo sa tabi niya. Wala pa rin siyang malay.

Hindi na siya maputla. Umayos ako ng upo nang gumalaw siya. Inayos ko rin ang bangs niya.

Her phone beeped. I took her phone then I saw messages. It was from an unknown number. Binuksan ko dahil alam ko naman ang password niya.

From: Unknown Number
Darlene, message me, please.

From: Unknown Number
It's Jude.

Jude? Who the fuck is this?

From: Unknown Number
You left Laguna. I was looking for you.

From: Unknown Number
I missed you. Please, reply.

Napataas ang kilay ko sa huling nabasa. I made a reply.

To: Unknown Number
This is her boyfriend.

I even sent a picture where Darlene and I raised our middle fingers. It was a mirror shot on my car window.

To: Unknown Number
Stop messaging.

I blocked the number. Ito siguro 'yong ex niya? Napairap ako.

Tumingin ako sa gallery ni Darlene. She has a lot of pictures and mostly she was wearing a... bikini... Damn, marunong pala siya magsuot ng ganoon.

She has a curved body. Iyong isang picture nakalugay ang buhok niya at ang ganda ng katawan niya pero parang isang hila lang sa string ng bikini niya lalabas na ang chest niya.

She's sitting on the lounge beach chair holding a mango juice. Bumaba ang tingin ko sa chest niya. Napalunok ako at hindi na tiningnan.

Iyong notes naman ang tiningnan ko. Sinilip ko saglit si Darlene. She was still sleeping.  Binalik ko ang tingin sa screen.

'Hindi ko crush si Phoenix. Hindi ko siya crush. Bakit ko siya magiging crush? Ano siya gold? Pero pogi siya at pasok sa standards ko... crush ko—hindi mo siya crush Darlene! Hindi. Hindi ko siya crush. I mean... sige slight oo. Crush ko siya.'

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Complete)Where stories live. Discover now