Tatlong araw ang lumipas at sa tatlong araw na 'yon ay hindi ako umalis sa tabi ni Ali. Ilang beses na 'kong sinubukang pauwiin nila Mama at Gin, kahit na si Tito Peter, Doc. Luna, at Penelope, pero hindi ako nakinig sa kahit na kanino sa kanila.
Ayoko siyang iwan. Baka bigla siyang gumising at gusto kong ako ang una niyang makita sa pagmulat niya ng mga mata niya, kaya kahit na isang segundo lang, ayokong umalis sa tabi niya.
Nanatili lang ako na nakatayo sa pagitan ng salamin na 'to kung saan matatanaw sa loob si Ali. Pakiramdam ko nga ay hindi na 'ko kumukurap. Gusto ko lang talagang siyang titigan hanggang sa makita kong imulat niya ulit ang mga mata niya.
Agad na nawala ang atensyon ko kay Ali. Napatingin ako sa sandwich na nasa harapan ko at nakaharang saka tumingala sa taong nag-aabot no'n sa 'kin.
"My best friend won't be happy kung ginugutom mo ang sarili mo dahil sa kaniya." Ani Penelope.
Muli niyang iminustra sa harapan ko 'yong sandwich na hawak niya. Wala sa mood ko naman 'yong tinanggap pero hindi ko kinain. Naghusto na lang ulit ako sa pagtitig sa salamin kung makikita sa loob si Ali.
Naramdaman ko ang pagtayo niya sa tabihan ko pero hindi ako nag-abalang tingnan siya.
"Ang sabi ni Tito Peter ay hindi ka pa rin umuuwi simula no'ng gabing magpunta ka rito." Saad niya.
Katulad ng palagi kong ginagawa sa tuwing kinakausap nila 'ko, hindi ako sumasagot. Walang salita o kahit na kaunting boses man lang ang lumabas sa bibig ko. I don't want to talk to anyone unless it's Ali.
Simula nang mag-usap kami no'ng gabing 'yon, palagi na 'kong nilalapitan at kinu-kumusta ni Penelope. Kahit wala siyang nakukuhang sagot sa 'kin ay patuloy lang siya sa ginagawa niya. Kinakausap niya pa rin ako at nilalapitan kahit na hindi naman ako nagsasalita o sinasagot ang mga tanong niya sa 'kin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya nang hindi na naman ako nagsalita.
"Alam mo ba kung bakit kinakausap at nilalapitan pa rin kita kahit na hindi mo naman ako pinapansin o sinasagot man lang?"
Napatingin ako sa kaniya nang tanungin niya 'yon, pero nakatingin naman siya kay Ali saka bahagyang tumawa na parang may naalala siya.
"This was Ali's wish."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil ko inaasahan ang sinabi niya.
Ali's...wish?
Ibinalik niya ang tingin niya sa 'kin. "She asked me a favor to look after you kapag wala na raw siya o kung may mangyari man sa kaniya."
Sinabi niya 'yon?
Muli akong napatingin sa may loob kung nasaan si Ali. Nararamdaman ko na naman ang pangingilid ng mga luha ko.
"Ang sabi niya sa 'kin, siguraduhin ko raw na okay ka." Pagpapatuloy ni Penelope. "Alam niya na malulungkot ka nang sobra sa pagkawala niya kasi ang sabi niya, kakaunting panahon lang daw ang naibigay niya sa 'yo. Ang sabi niya, malulungkot ka raw kasi nang sobra kaysa sa 'min ni Tito Peter, kasi sa ating tatlo raw ni Tito Peter, ikaw 'yong may pinaka-maikling panahon na nakasama siya at alam niyang hindi raw sapat 'yon. Gusto niyang siguruhin na magiging okay ka kahit na kakaunti lang daw 'yong panahon na pinagsamahan niyo. At gusto niya rin daw sabihin sa 'yo na 'yong mga araw na nakilala at nakasama ka niya, ipinagpapasalamat niya raw lahat 'yon. She's thankful that because of you, she was able to smile and laugh again."
Napayuko ako at muling bumuhos ang mga luha ko sa mga sinasabi niya sa 'kin.
Hindi pa rin ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magpatuloy at hinayaan ko lang din ang sarili kong umiyak.
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...