Chapter 31

5 1 0
                                    

ALAS SINGKO na ng hapon.

Katatapos lang mag-shower ni Anna nang may kumatok ng malakas sa kanyang pinto. Akala niya'y si Kim lang iyon dahil ganoon ito kumatok lalo na kapag sa loob lang siya ng bahay kumakain o hindi lumalabas ng kwarto buong hapon.

"Teka lang!" Tugon niya saka binuksan ang pinto.

Nagulat siya nang makitang si Adam pala iyon. Nagkatitigan sila ng ilang saglit, saka sinarado ang pinto nang maalalang nakatapis lang siya ngunit agad itong napigilan ni Adam. Pumasok pa ito ng tuluyan sa kwarto niya kaya siya napaatras.

Napayuko at namula ang pisngi niya sa hiya. Napa-angat lamang ang kanyang tingin nang madinig ang pag-lock nito sa kanyang pinto. Kinabahan siya. Napatitig siya sa binatang nangungusap ang mga mata. Hindi niya alam kung galit ba o paghihinagpis ang nangingibabaw sa ekspresyon ng binata.

Napa-atras siya ulit nang unti-unti itong humakbang palapit sa kanya hanggang sa tumama ang kanyang hita sa dulo ng kanyang kama.

"A-ano b-bang kailangan mo? P-pwede bang lumabas-"

"When are you going to tell me, my love? Do you even have the plan to?" Putol nito sa kanya.

Namilog ang kanyang mga mata. Kinabahan siya dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Adam lalo na nang tinawag siya nitong "my love". Nabisto na siya, alam na ni Adam ngayon na siya ang Anna from 6 years ago.

Ngunit sino kaya ang nagsabi kay Adam gayong sina Cedrick at Kim lang maliban sa kanya ang may alam ng kanyang tunay na nakaraan. She was so shocked but still tried to compose herself.

"W-what do you mean?"

"Do you hate me that much? Do you hate me so much at kailangan mo pang magpanggap na hindi mo ako kilala?" Bulyaw ni Adam. Napaigtad siya sa gulat.

"Why, Anna? Why? What did I do to deserve this?" Mangiyak-ngiyak na saad nito at halata sa mga mata nito ang mga hinanakit. Nakita pa niya na manginig-nginig na nakakuyom ang kamao nito.

"Hindi mo man lang ba ako minahal? Ganoon na lamang ba ang galit mo sa'kin at hanggang ngayon, nagpapanggap ka pa ring hindi mo ako kilala? Alam mo bang simula noong mawala ka, para na rin akong namatay, Anna?"

Isang hikbi ang kumawala mula sa kanyang bibig. Parang piniga ang puso niya sa sakit. Nagpa iling-iling lamang siya bilang sagot. Pakiramdam niya'y parang may bumara sa kanyang lalamunan sa mga oras na iyon at hindi siya makahinga ng maayos.

Gusto niyang sabihin kay Adam ang lahat pero hindi niya alam kung paano magsisimula. Wala siyang magawa kundi ang hintayin ang mga susunod na gagawin nito bilang hatol sa kanya. Tatanggapin niya kahit saktan man siya ni Adam kung iyon lamang ang paraan upang hindi na madamay ang iba sa kasalanan niya.

Napapitlag siya nang bigla itong tumalikod at nagmura ng malutong. Nakasabunot pa ito sa sariling buhok, saka sinuntok ang pader ng kwarto. Senyales na pinipigilan lamang nito ang sarili sa kung anuman ang maaari nitong magawa dahil sa galit. Tinibayan niya ang kanyang loob.

Hindi ba't kay tagal na niyang hinintay ang pagkakataong ito? Ang harapin si Adam at masabi ang totoo? Sa isip niya.

"I'm sorry. I'm really, really sorry Adam. Alam kong galit ka sa'kin pero sana, bigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag. Mahal na mahal kita Adam pero kailangan kong gawin yun para sa lahat. Kailangan kong lumayo, kailangan kong patawarin muna ang sarili ko bago harapin ka. At sabihing mahal na mahal kita ng hindi nagi-guilty sa kapatid ko." Muli itong humarap sa kanya kaya napapikit siya sa takot.

Napahilamos ito ng mukha. "Goodness, Anna!" Niyakap siya nito ng sobrang higpit.

Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng binata. Para siyang nananaginip at hindi maipaliwanag ang nadarama. Gumanti siya ng yakap dito at ibinuhos ang mga luhang naipon para sa binata. Pakiramdam niya'y isang napakalaking tinik ang nabunot mula sa kanyang dibdib.

My Innocent PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon