30

7 1 0
                                    

Muling dumagsa ang bulungan ngunit karamihan sa kanila ay tungkol sa lalaking lumapit sa puwesto nila Telesce. Nakangiti ito habang nakatingin sa mata ni Telesce.

" Hala lalo siyang gumwapo."

" Nakita niyo ba ang ngiti niya? Shet!"

" Pati ba naman si Aiden may koneksyon sa babaeng 'yan."

" Lahat na lang ba ay aakitin niya?"

Kinilig naman ang karamihan dahil ngayon lang nila ito nasaksihan ang pagpapakita ng ngiti na kahit sinong kababaihan ay mahuhumaling sa karismang tinataglay nito. Samantala pasimpleng ngumiti si Brielle habang nakatitig ito kay Aiden na kasalukuyan nakangiti rin ngunit sa ibang tao niya ito pinapakita.

" Matutunaw si Aiden." Bulong ni Zephyra.

Napaiwas ng tingin si Brielle sabay siko kay Zephyra dahil kinakabahan ito na baka may makarinig sa sinabi niya.

Samantala napataas ng kilay si Telesce nang makita na naman ang lalaking nakitulog sa tabi niya.

" Are you two close each other?" Tanong ni Jace.

Ngunit walang sumagot ni isa sa tanong ni Jace dahil nakapokus pa rin ang karamihan sa kanila sa gawi nila Telesce. Ang iba sa kanila ay palipat-lipat ng tingin sa dalawang magkaharap.

" Mamaya ka na makisali dahil hindi pa ako tapos sa punyemas na lalaking 'to. (Agad lumingon si Telesce sa gawi ni Sebastian) Kanina pa ako nangangalay dito, wala ka bang sasabihin na matino? Usapan natin, kapag nakapasa ako ay bibigyan mo ako ng trabaho. Asan na?" Telesce.

Napalunok muli si Sebastian sabay turo nito ng dahan-dahan kay Levi. Nagtaka naman sila nang ituro ni Sebastian si Levi lalo na si Levi na hindi napigilang mapataas ng kilay.

" Why are you pointing at me? /Anong kinalaman niya sa trabaho ko?" Levi & Telesce.

Sabay na napatingin ang dalawa sa isat-isa. Hinampas ni Swiper si Telesce kung kaya't naputol ang pagtitigan nilang dalawa.

" Hindi kaya siya ang babaeng hinahanap mo kanina sa pagsusulit? Kulay abo ang kaniyang mga mata. " Sabat ni Ryan.

Sumang-ayon agad si Charlie.

" Mahilig magbitaw ng masasamang salita. In short, pala-away." Charlie.

Tiningnan siya ni Telesce ng masama kung kaya't napakamot si Charlie sa kaniyang batok.

" You didn't even tell us she had a white fox with her." Saad ni Asher.

Napalingon sila sa gawi ni Swiper ngunit agad silang napaiwas nang taasan sila ng kilay nito.

Bago pa man magpaliwanag si Sebastian ay agad silang pinatigil ng Headmaster.

" Mamaya niyo na 'yan pag-usapan sa office ko. Sa ngayon, pumasok na tayo sa cafeteria dahil wala ng linya na nakapalibot dito. Walang magsasalita hangga't hindi naililigtas ang lahat. Nakalimutan niyo agad na may naghihintay sa atin sa loob. Pumasok na kayo at ikaw iha, hindi pa tayo tapos dahil bibigyan pa kita ng dalawang kaparusahan. " Headmaster.

Agad nagsikilos ang lahat upang matingnan ang naging sitwasyon sa loob ng cafeteria. May iilan na Magian Chosens ang natira sa labas. Samantala si Telesce ay sinamaan niya ng tingin si Sebastian sabay bitaw nito sa kaniyang kwelyo.

" Hindi pa tayo tapos mag-usap at huwag mo akong tatakasan. " Banta nito kay Sebastian.

Agad tumango si Sebastian sabay lingon kay Levi na nakakunot lang ang noo nito. Bago pa umalis si Telesce, hinarangan siya agad ng isa sa prinsipe.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon