Chapter 1: Scandal

39 0 0
                                    


"Grabe naman dito sa lab mo Prof ang kalat! di ba uso maglinis dito?" Sabi ni Luhan sabay sipa sa kalat sa harapan niya.


"Puro naman chemicals dito ... para san ba to?" Sabi naman ni Chanyeol habang kinakalikot ang mga unknown chemicals sa counter.


"Magkano nagastos niyo sa pagpapagawa ng lab niyo Prof?" Tanong naman ni Suho


"Pwede ba andami niyo namang tanong .. tsaka wag niyo ngang pakialaman yung mga gamit ko .. Hoy Xiumin hindi yan softdrinks bitawan mo nga yan!" Sabay hablot ni Professor Mico sa unknown chemical na hawak ni Xiumin.


"Wag nga kayong magulo marami akong ginagawa tsaka teka nga bakit ba kayo nandito?" Tanong niya sa 12 superstar sa harap niya.


"Grabe naman Prof di ba kayo nanonood ng balita?" Tanong ni Chen.


"Ano ka ba Chen! Pano makakanood ng balita si Prof Eh buong maghapon dito lang yan nakakulong sa lab niya" pagkontra naman ni Tao.


"Heh! Seryoso bakit ba kasi kayo nandito?" -Prof


"Eh kasi po ganto yung nangyari ..."


(Flashback)


"Ano ba naman to EXO! tingnan niyo nasa front page kayo ng lahat ng dyaryo, headline din kayo ng mga balita! Ano ba kasing pumasok sa mga utak niyo at ginawa niyo to!" Pagbulyaw ni Sir SM sa EXO.

 

"Eh Sir nagparty lang naman po kami dahil naging successful na naman yung bago naming album" Pagdadahilan ni Kris

 

"Maiintindihan ko sana kayo kung hindi ganito ang nangyari! Pakipaliwanag nga kung bakit lahat ng tao ay binugbog mo Baekhyun?! Pati yung mga gamit dun sinira mo! Ikaw naman Luhan panong nangyari na napadpad ka sa kusina nung bar at nagawa mo pang sunugin yun! Ikaw Chen bakit mo naman binugbog yung DJ sa bar! Ikaw Kris bakit pinagbawalan mo ang mga tao na magsayaw sa dance floor At Ikaw Suho bakit natutulog ka lang nung nangyari ang lahat ng to! Yung mga ibang members! Bakit imbes na pigilan niyo sila ay tinulungan niyo pa silang sirain yung bar" -Sir SM

 

"Ahmm .. Kailangan ko po kasi ng paglalabasan ng sama ng loob ko kaya nangyari yun .."-Baekhyun

 

"Lasing na po kasi ako kaya di ko rin matandaan kung pano nangyari yun"-Luhan

 

"Ang pangit po kasi nung pinapatugtog nung DJ tsaka ang pangit din nung mukha niya"-Chen

 

"Masyado kong gwapo para makihalubilo sa mga unknown species na yun tsaka inaagawan nila ko ng spotlight"-Kris

 

"Sorry po Sir nakatulog na po kasi ako nun"-Suho

 

"Sa tingin niyo ba katanggap tanggap yang mga sinabi niyo?!" -Sir SM

Mini EXO?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon