KABANATA 35

30 2 0
                                    

(Vien,nasa airport pa ako si Cassy nalang ang magsusundo sayo..)

"Okay lang,kita nalang tayo sa boracay."

Saad ko sa kabilang linya.

(Wag ka ng umasa na susunduin ka ni Chester,tanga yun.)

"Oo na,ingat Mimina."

*𝐸𝑛𝑑 𝐶𝑎𝑙𝑙*

Bumuntong hininga muna ako bago simulan ang pag iimpake,late na nga akong nagising dahil sa pag iyak kagabi.wala e diko mapigilan.

Kala ko pag gising ko andito na ulit si Astrid,pero ni anino nya wala akong makita o maramdaman,gusto ko maging masaya ngayong araw dahil makikita kona ulit si Tita Bea,pero sa tuwing naiisip ko si Astrid at Chester na magkasama sumisikip ang dibdib ko.

Matapos kong mag ayos ng gamit ko ay sakto namang dumating si Cassy na mukang ready nadin,tatlong araw lang kami dun kaya nag dala lang ako ng magagamit ko.

"Tara napo?" Nakangiting saad nya dahilan para makita ko ang lubog na dimple sa kanyang pisngi,agad naman akong tumango at sinuklian sya ng isang tipid na ngiti.

Matapos ang ilang oras naming byahe ni Cassy ay sa wakas nakarating din kami,matagal ang byahe papunta rito pero pagnakita mo ng buo ang boracay.Parang lahat ng byahe mo sulit dahil sa sobrang ganda neto.

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa matataas na puno ng nyog,malinaw na tubig,masarap na simoy ng hangin.Dati sa mga picture ko lang toh nakikita pero ngayon,andito na ako,mas maganda parin talaga pag personal mo itong makikita.

"Ate Vien tara na?" Tanong sakin ni Cassy,dahan-dahan naman akong tumango.

Habang papalapit kami ng papalapit sa cottage kung saan kami mag s-stay,ay agad akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan.Nang makarating kami dun ang kaninang ingay ay biglang tumahimik.

Agad akong yumuko dahil nahihiya ako sa mga titig nila,feeling ko pag tumitingin sila parang huhusgahan ako ng mga mata nila,parang sa tuwing makikita ako ng ibang tao bukang bibig nila anak ako ng isang adik,pero alam kong hindi ganun ang pamilya na napuntahan ko ibang-iba sa mga taong mapanghusga.

"Vien.." Parang gusto kong umiyak ngayon dahil sa malambing na boses na yun,na miss ko ang boses na yun,na miss ko ang mga yakap nya,at kung pano nya akong tratuhin bilang anak nya.

Agad kong inangat ang ulo ko kahit may luhang pumapatak ngayon sa pisngi ko,alam kong kilala na ako ng pamilyang nasa harap ko alam nila ang i-storya ko kay Mama.Hindi nga lang alam ni Astrid.

"T-tita bea.." Agad akong yumakap sakanya na parang bata dahil na miss ko talaga sya,sya din ang dahilan kung bakit may natitirahan ako,isa sya sa nagpasaya sakin..Masaya ako dahil nakita kona ulit sya.

"I miss you Vien,sana ikaw pa din yung dating Vien na good girl..And I miss your smile.." Magaan na sambit ni Tita Bea,agad akong humiwalay sakanya.

"Good girl parin po ako,I miss you too Tita Bea.." I smile softly,agad naman syang napangiti.

"Anyway Vien ipapakilala kita sa anak ko,sa wakas magkikita narin kayo." Excited na saad ni Tita Bea,agad naman akong kinabahan pag alis ni Tita Bea alam kong si Hasher yun,pero bakit parang yung puso ko sabik na sabik na makita sya?Agad naman akong namula ng maalala ko yung gabing hinalikan nya ako.

"Ate Vien are you okay?Namumula ka." Cassy said in worried tone.

"S-sorry,okay lang ako.."

"Bilisan muna Triton!" Rinig kong sambit ni Tita Bea,ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko habang papalapit sila sa kinakatayuan ko,kasabay nun ang mabilis na tibok ng puso ko.

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon