Part 2

452 22 10
                                    

Summer's P.O.V.



Monday ngayon, bukas na yung Debut ko. At hanggang ngayon, di ko padin nakakausap si Frost.



Di ko nga alam kung nasaan yun e, simula pa kasi kahapon ng umaga, walang any message or tawag na galing sa kanya.



Kahit nga post sa facebook e, wala din. Kaya nagtataka ako kung bakit.



Di kaya may nangyari nang masama dun or baka busy lang talaga sa ibang bagay?



Pero bakit ganto ba ako mag-react?! Di naman niya ako girlfriend pero bakit ganon?



Hays! Baka nasanay na talaga ako sa presence niya. Ikaw ba naman kumausap sa isang tao buong summer e, tingnan natin kung di ka masanay sa kanya.



Hays, pero talaga, naiinip ako, wala kasi akong makausap e.



Nag-status nalang ako.



Summer Florentine

Asan na ba siya? Miss ko na :<



Muka akong shonga dito oh! Nakatulala lang.



Kumain muna ako ng chocolates habang nagpapalipas oras.



Tumunog bigla yung phone ko kaya napabalikwas ako ng tayo at napatakbo sa phone ko.



Tiningnan ko kung sino nag-text. Sana si Frost na.



Ay akala ko si Frost, yung designer lang pala. Last na sukat nalang daw ng gown.



Pumunta na ako sa shop na pinagpagawaan nila mommy ng gown at nagsukat na doon.



Frost...miss na kita. Badtrip ka naman oh!



Tuesday//Summer's Debut



Good morning! HAHAHAH! gandang morning oh! 18 na kasi yung Dyosa. hehehe.



Naka-ngiti akong bumangon, yung parang sa commercials lang! Hahaha!


Nang Dahil Sa FacebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon