Prologo

2 0 0
                                    

"Why do you need to do this to me? All I just need from you is to love me the way you love your  girls"  pa-iyak na wika ni Kylie

"Why should I even do that?. Hindi ka naman babae tulad nila isa ka lang baklang marupok"  pasagot ni Lake kay Kylie sabay talikod at iwan ang kaawaawang Kylie.

Tumayo si Kylie sa pagkakaupo habang pinupunasan ang kanyang namumugtong mga mata. Hindi niya lubusang maiisip na pinaglaruan at ginamit lamang ito ng akala niyang lalaking iniibig siya.

Wala ng nagawa si Kylie kundi ayusin na lamang ang mga gamit sa condo at napagpasiyang lisanin ang lugar kung saan inaakala niyang paraiso.

Nagtungo siya sa may terminal ng bus at sumakay papunta sa siyadad ng Baguio upang magsimula muli sa pagkakalugmok dahil sa pag- ibig.

Baon ni Kylie ang mapait na ngiti na nakapinta sa kaniyang mga labi at tinuran ang mga salitang "Hindi mo man ako tunay na inibig, ngunit buong puso kitang inibig"

Nasilayan ng kaniyang mga mata ang paglubog ng araw kasabay nito ang pagpikit na rin neto at nakatulog dahil na rin sa pagod na naranasan mula sa hindi inaasahang pangyayari.

********

Nagising na lamang si Kylie sa pagyuyug at pagtawag sa kaniya ng lalaki winiwikang sila'y nakarating na sa kanilang destinasyon.

Bumaba ito ng bus bitbit ang nag-iisang maleta at backpack na bag. Nagabang ito ng taxi at ito ay tumungo sa isang munting tahanan na sanay ayaw na niyang balikan ng simula ng napagpasiyahan niyang magtungo ng Maynila.

Muli itong naiyak ng maalala ang masasayang alaala ng kaniyang naranasan sa piling ng inaakala niyang lalaking iniibig niya.

Iwinaksi na lamang niya ang kalungkutang nadarama sa pamamagitan ng paglilinis at pagsasaayos ng mga bagay bagay sa kaniyang munting tahanan.

Nang matapos ang lahat ng gawain ni Kylie agad itong naligo, nagpasalamat na lamang siya na may tumutulo pa ring tubig at gumagana pa ang mga linya ng kuryente sa kanilang lumang bahay.

Nagpasiya siyang magtungo sa pamilihang bayan upang mamili ng mga kakailanganin niya sa kaniyang pananatili sa Baguio.

May lungkot mang kita sa kaniyang mukha may determinasyon man itong nasa isip na kalilimutan na niya ang mga nangyaring mapapait sa kaniya sa siyudad ng Maynila.

"Mahirap man ngunit kakayanin ko para sa akin at para sa ang hinaharap" wika ni Kylie sa kaniyang sarili



Love me or Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon