CHAPTER 24

416 26 2
                                    

BIANCA's POV

I know I was wrong when I didn't gave Jeff an answer that he needed. We haven't seen each other for a week but we still have conversations through messages so I assumed he didn't stop there, he still went on on courting me kahit na hindi ko siya nabigyan ni isang sagot noong gabing iyon.

"Aww, may sundo ka na ulit, oh."

Napatingin ako kay Bria na siyang nagsalita. Sabay kasi kaming lumabas ng office, pauwi na kami.

I saw Jeff went out on his car as he went near me.

"Hi, Bianca." he said as he smiled at me. At tumingin din siya kay Bria na siyang nasa tabi ko lang din. "Hi." he also greeted her.

"Hindi ka na busy?" tanong ko kaagad sakaniya. That's what he said last time as an excuse to me. Nung mga araw na hindi niya ako nahatid sundo, though okay lang naman sakin dahil hindi naman niya ako responsibilidad.

"Medyo pa rin. Pero naglaan talaga ako ng time para masundo ka. Para makauwi ka na rin kaagad, para di ka na maghintay ng matagal ng masasakyan." sabi niya.

Bahagya nalang akong tumango tsaka bumaling ulit kay Bria.

"Mauuna na 'ko, ha. Ingat ka pauwi." sabi ko sakaniya.

Tumango lang siya tsaka ngumiti sa akin. "Ingat din." sabi niya kaya ngumiti ako pabalik.

Sumunod na ako kay Jeff sa sasakyan niya. He even opened the door of the passenger seat for me so I just smiled at him a little. He's really kind and gentleman. Maswerte ang taong mapupunta at mapapasakaniya.

"Sinimulan ko lang ayusin na yung mga papeles ko kaya medyo busy ako ngayon." nagsalita siya kalaunan habang nagmamaneho na siya.

"Oh, I see. That's good then. Para hindi ka magrurush pag malapit na yung alis mo." sabi ko naman. He just hummed in response, he also nods his head a bit. "Sorry about last time." I apologized. He took a quick glance at me because of it pero agad din niyang ibinalik ang tingin niya sa unahan dahil nagmamaneho siya. "Until now it's still hard for me to talk about my feelings kaya hindi kita nasagot man lang ng kahit na ano." I tried to explain.

It took Jeff a while to respond on what I said. But later on he sighed which made me look at him then he nods his head a bit again.

"Okay, I understand." he said without looking at me.

I just forced a smile as I turned my gaze outside then I started to have deep thoughts again. This really bothers me now.

Sa mga sumunod na araw ay medyo marami ang nangyari. Una, nabalitaan ko na nag-viral sila Paulo. It was because of their dance practice video ng bagong kanta nila. I've watched it. I didn't knew before na magrerelease sila ng kanta pero palagi akong nakaabang, and besides, inuupdate rin ako ng pamilya niya kaya pagdating sa mga ganoong bagay sa career niya ay may alam pa rin ako.

I just wished for their success. Alam kong sasaya siya kapag nangyari iyon. At gusto kong makitang masaya siya kahit na hindi na kami ngayon tulad ng dati. But one thing is for sure, I will always be proud of him on whatever he may do in the future. Na sa bawat ginagawa niya, nandito lang ako na palaging proud at masaya para sakaniya... I will always be that someone to him. With connections or without...

Isang gabi ay pinuntahan ako nung magkapatid sa bahay. Nagpapahinga na sana ako no'n dahil galing ako sa trabaho pero dumating sina Jeff at Jillian. They invited me to eat dinner with them kaya sumama pa rin ako. Nakakahiya naman kasi, sila nang dalawang magkapatid yung pumunta sa akin tas tatanggihan ko pa.

We just ate at a restaurant. Halos kaming dalawa lang ni Jillian ang nag-uusap dahil medyo tahimik no'n si Jeff. I asked him if there's something bothering him but he just excused again himself and said that he's just tired so I insisted to go home early.

Pagkatapos naming kumain ay aalis na rin kami. We were all heading straight to the door pero nagulat at kinabahan ako ng makita ko si Paulo. He was with his co-members, kamakain din silang lima. Good thing he didn't saw me kaya medyo nakahinga rin ako ng maluwag at lumabas nalang din na parang wala lang kasama sina Jeff.

"Thank you sa pagtreat ng dinner, Jill." I thanked Jillian before dropping off of his brother's car.

"You're welcome. Sa susunod ulit ha." sabi ni Jillian tsaka ngumiti. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Bumaling naman ako kay Jeff sunod. "Ingat sa pagddrive, Jeff. Ingat kayo." sabi ko sakanilang dalawa.

Jeff just nods his head a bit then she looked at me for a while. "Thank you sa pagsama samin. Goodnight." he said.

"Goodnight."

That was the last word I said to him that night.

I went busy the following days. Aside from my work sa office, since natapos ko na rin naman yung sinusulat ko ay may bago akong ginawa para roon.

I published the story that I wrote on a website that Bria suggested to me. Marami raw gumagamit no'n kaya sinubukan ko. I've already checked that out so pinublish ko na yung mga parts ng story ko. All in all it has sixteen parts. It has only fourteen chapters, one prologue then one epilogue. The parts may only be a few pero medyo mahaba rin iyon.

I'm not expecting anything from it. I just published it then done. If some reads it, then I'd be thankful. If none, I'll still be thankful because I got to write astory that I never imagined I could make one. Hindi ko alam na magugustuhan ko pala ang pagsusulat at bigla akong nakatapos ng isa.

"Together, Forever..." napatingin ako bigla kay Bria nang bigla siyang magsalita. Lunch break namin ngayon at magkasabay kaming kumain. "Sinong inspiration mo roon, teh?"

"Don't tell me binasa mo?" medyo nahihiya kong tanong sakaniya nang banggitin niya yung title nung ginawa ko.

"Hindi pa. But I already checked it out last night, pagkasabi mo sa akin na napublish mo na sa site. Babasahin ko 'yon pag may oras ako." sabi niya.

"Wag na, nakakahiya." sabi ko.

"Ba't ka mahihiya eh pinaghirapan mo naman 'yon?" sambit niya sakin ng nagtataka.

I didn't speak and just pouted a little. Eh basta, nakakahiya.

But I already published it. Malamang sa malamang may nakakita at nagbabasa na non.

Aish. Bahala na nga. Whatever happens to that happens. Basta, pinublish ko lang iyon dahil gusto ko. Ayoko rin naman kasi iyon na itago lang at ako lang ang makakaalam. I also wanted it to share.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon