Chubby Me Meets Mr. Hunk Guy!

31 0 0
                                    

"Isang magandang araw nanaman para sa pinakamagandang babae sa balat ng Lupa! Yea! Ako yon, Kelly Dimakaliko! 30,27,34! 19 years of age! Philippines!"

Sounds Weird? But YES. Ayan ang apilyido ko at Proud na proud ako. At medyo mataba ako. Medyo lang naman. Maputi. 5'7 tall. May utak. abd Sexy. Haha. Kapal ng muka diba. Pag ako pumayat nako. who you kayo sakin!?!

"Pero grabe talaga sobrang init! Sobrang traffic! Sobrang ingay!"

Araw araw kong dialouge bago pumasok ng trabaho. Ganito lagi sa kahabaan ng España. Traffic. Maingay. Maraming Studyante. At higit sa lahat maraming Gwapo. Haha joke lang! Umaandar nanaman ang pagkamalandi ko!

Nagtatrabaho ako sa Mcdonalds.
Sa ngayon kailangan kumayod para may ipangkain sa pangaraw araw at pambili ng mga Project sa school.

Isa akong Scholar sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Pinilit kong makapasok dun at ipasa ang sholarship. At dahil may utak utak naman ako, pinalad makapasa at makakuha ng Full scholarship. Ang taray diba? Haha. Ako lang magisa dito sa Maynila , ang mga magulang ko ay nasa probinsya at may dalawa pa kong kapatid nanagaaral ng elem tary at highschool. Nakatira ako sa isang bording house malapit lang din dito sa pinagtatrabauhan ko. Mahirap magtrabaho habang nagaaral. "Mahirap."

"Tulala kananaman!"

"Ay KABAYO!" sigaw ko sa sobrang gulat.

"Sinong kabayo?" Natatawang tanong ni Jake sakin.

"IKAW!" Sagot ko. "Ay este si Vice Ganda!" Sabay tawa ko. "Bakit kase sa araw araw nalang na ginawa ng diyos ako laging napagtitripa mo, alam mo namang magugulatin ako Jake."

"S-Sorry na Kelly" seryosong sagot nito.

Haha! "Kung hindi ka lang cute!" Bulong ko.

"May sinasabi kaba?"

"Wala, sabi ko bilisan mo baka malate patayo sa trabaho." Nako Jake kung hindi kalang talaga Gwapo baka iniwan na kita dyan. Haha. Eto nanaman ako umaandar ang kalandian.

------------------

" Goodmorning Ma'am . Can i have your order please?" Pagbati ko sa isang dalagang costumer na maganda, matangkad at infairness sexy ang lola mo! At nagaaral sa kapitbahay namin na University.

Kinuha ko ang order nya, at hindi naman masyadong madami kase dalawang order ng 1 pc chiken, spaghetti, large fries , mcfloat , at tuna pie. Iba ee pero hindi naman siya tumataba. Sa isip isip ko baka kasama niya boyfriend niya.
Nalagay ko na lahat ng order sa tray. Mukang hindi niya kayang buhatin magisa. Kaya naman tinawag ko agad si Jake na wala namang ginawa kundi mag Map ng sahig malapit sa entrace, kung hindi naman eengot engot. Alam niya naman sigurong yun ang main entrance kaya laging madumi yung sahig. Ewan ko ba sa lalaking to.

"Jake patulong naman si Maam." Sigaw pero pabulong kong intrada kay Jake. Ano daw? Sigaw pero pabulong? Haha. Pero ayun na nga nang lalapit na si Jake sa counter para tulungan si Ateng Maganda.

"Aa Kuya okay lang may kasama ako, sila nalang yung paghahawakin ko" a.biglang singit ni ate.

"Aa. Okay lang po Maam. Ako na po ang magdadala ng order niyo." Pagpilit ni Jake.

"No its okay." Sagot ni ate habang nakangiti.

Walang nagawa si ate kundi pabayaan nalang si Jake kuhain ang order niya pero hindi pasya nakakatalikod ee may isang lalaking lumapit kay ateng maganda.

"Boss. Ako nalang." Sabay ngiti ng lalake.

Halata namang nagulat si Jake, pero wala siyang nagawa at ibinigay ang tray sa lalake. Take note. Hindi lang si Jake yung nagulat kahit ako. Alam ko ng matangkad si Jake pero pagharap niya sa lalaking yun ee parang nakakita ng higante at natulala. Hindi ako makagalaw para akong nakakita ng anghel. Sobrang gwapo! Pe-pero kase taken na siya. Taken na siya ni ateng maganda..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chubby Me Meets Mr. Hunk Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon