7

324 11 43
                                    

tw: slut-shaming | fake news |toxic mindset and relationship



"Balita ko g'wapo raw 'yung isang player ng kalaban." G'wapo nanaman... "Ano nga ulit pangalan niya? Ah, Markus 'ata!"



"Ayun, beh!" Tinuro ni Clara ang isang player. Napalingon din tuloy ako sa tinuro niya. Pamilyar sa akin ang pigura niya...



Nagw-warmup muna ang players. Bahagya akong nagulat nang magtama ang paningin namin nung Markus. Umiwas kaagad ako ng tingin at nagpanggap na may hinahanap na player.



Napatili ang dalawa kong kaibigan nang lumipad ang bola sa puwesto namin. Sinalo ko kaagad 'yon dahil ako lang naman ang hindi takot sa bola. Volleyball player ako kaya sanay na ako sa gano'n.



Bumaba ako at nagtungo sa may barikada. Lumapit naman kaagad si Markus. Pinasa ko sa kaniya ang bola.



"Sorry. May natamaan ba?" Napatitig ako sa mukha niya. Bakit ang g'wapo niya kahit hindi siya nakangiti?



"Wala naman. Nasalo ko naman 'yung bola. Okay lang 'yon. Hindi naman talaga maiiwasan ang gano'ng pangyayari." Tumango siya at ngumiti. Mas lalong nagtagal ang titig ko dahil sa ngiti niya.



"Volleyball player ka ba? You're familiar, e. Ikaw ba si Pineda?" Kilala niya ako?



"Ah oo. Balik na ako sa puwesto namin. Magsisimula na 'ata kayo."



"Okay. See you in court, Ms. Volleyball player!" Mahina akong natawa kaya natawa rin siya.



Nang makabalik ako sa puwesto namin, niyugyog ako ng mga kaibigan ko. Hindi ko pa sila nasagot kaagad dahil ang isip ko ay na kay Markus pa rin. Kung hindi lang ako broken-hearted, lalandiin ko siya!



"May something ba sa inyo?! Omg! Dapat hiningi mo na number niya or kaya i-dm mo na! Single ka na, Pia!"



"Single nga, broken naman. Hay, ewan sa inyo. Kung gusto n'yo, kayo nalang lumandi sa kaniya. Pero sa tingin ko taken na 'yan. Mga basketball player pa ba?" I know, I sounded bitter when I said that.



Nang magsimula na ang game, nainis ako nang harangan ni Gio si Markus. Hindi dapat siya humaharang, tangina niya. Napakabobo niya na nga, tanga pa sa basketball. Nagsigawan ang mga tao nang makalusot si Markus at tumira ng tres.



Lamang ang team nila Markus sa first quarter. Nang makapuntos ang team nila Gio sa second quarter ay nagsigawan ang fans niya. Kung alam lang nila na basura ang ugali at mindset ng iniidolo nila, sus. Nagulat ako nang itutok sa akin ang camera at naghiyawan ang fans ni Gio.



"Ahh! Ate Pia, isang kaway naman para kay Gio!"



Hindi ako kumaway... Para saan pa? Si Nicole ang dapat kumaway. Ang malas niya nga lang dahil hindi siya nahahagip ng camera.



Narinig ko ang bulungan ng iba dahil sa hindi ko pagkaway sa camera. Hanggang sa matapos ang game ay kami ni Gio ang pinag-uusapan ng mga tao. Aalis na sana kami nang kuhanin ni Gio ang mic.



"I just want to say that Sophia and I have already broken up a few weeks ago. I'm really thankful for those who supported us and our relationship. I'm sorry, guys, we tried to fix everything but Sophia has a new lover now." Napalingon ako kay Gio na ngayon ay bahagyang ngumisi nang makita ang reaksyon ko.



"Pucha, epal talaga 'yang ex mo! Bababa ako!" Pinigilan ko kaagad si Clara. "Hindi po totoo 'yan!" sigaw niya pa.



"Clara, hayaan mo na-"



Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now