"Operation Happily Ever After?"
"Seryoso ka ba?"
"Anong kalokohan ba to?"
"Nakadrugs ka ba?"
"Tingin mo ba gagana to?"
"Gusto mo dalhin kita sa doktor?"
Yan ang sunod-sunod na tanong na natanggap mo matapos mong sabihin sa kanila ang plano mo para matupad ang pinapangarap mong Happily Ever After kasama ang Prince Chanyeol mo.
"Grabe napakasupportive niyo ah!"
"Eh kasi naman Sapphire napaka-epic fail ng plano mo! Tingin mo ba talaga eepekto yan?" Sabi ng ever supportive mong bestfriend na si Baekhyun.
"Naman guys! Konting tulong lang naman kailangan ko! Ikamamatay niyo ba yun?"
"OO" Sabay-sabay nilang sabi
"At pano naman kayo mamatay niyan?" Tanong mo sa kanila
"Alam mo kasi Sapphire pag nalaman ni Chanyeol na may kinalaman kami sa kalokohang to siguradong patay talaga kami .. tsaka bakit ba kasi ayaw mong tanggapin na mas gusto niya si Dara kaysa sayo ni hindi ka nga niya napapansin eh" Paliwanag ni Chen
"Hindi! Hindi ako makakapayag na maagaw ng Dara na yun si Chanyeolbabes ko ng di manlang ako lumalaban! Tsaka guys! Di naman niya malalaman na kakuntsaba ko kayo! Kaya tulungan niyo na ko .. Pleassssee .. Wala ba kayong tiwala sakin?"
"WALA!" Sabay-sabay na naman nilang sabi
"Hmmmpp... kapag tinulungan niyo ko araw-araw ko kayong ililibre!" Panghihikayat mo sa kanila
"Di namin kailangan libre mo nandyan naman si Suho hyung" sabi nung bwiset na kwago
"Gagawin ko yung mga assignments niyo sa Math! Araw-araw!" Muli mong sabi
"Naku Sapphire! Marami tayong kaklase na magaling sa Math na siguradong willing gawin ang assignment namin ng walang hinihinging kapalit" Sabi naman nung negro
Natahimik ka saglit at tila nag-isip muna akala naman nila ay susuko ka na sa kabaliwang binabalak mo ang hindi nila alam ay may natitira ka pang alas.
"So wala talaga kayong balak tulungan ako ah ... Sige! Pag di niyo ko tinulungan ay ikakalat ko ang mga to!" Sabi mo sabay labas nung alas mo.
Nagulat naman sila at agad na nag-iba ang kanilang mga hitsura sa nilabas mong alas.
"San mo nakuha yang mga yan? Di to pwede! Blackmail!" Sigaw ni Kris
Ano nga ba yung alas na sinasabi mo? Ito lang naman yung pictures nila na napaka-epic ng mga mukha nila dahil may lumilipad na ipis.
"Wag kayong mag-alala guys meron din akong video niyan ... so ano? Tutulungan niyo na ba ako?"
At dahil sa ayaw nilang lumabas ang kahihiyang iyon ay napatango na lang sila habang ikaw ay nag-eevil laugh dahil ikaw ang nanalo.
"Hihihi ... konting hintay na lang Chanyeolbabes maiinlove ka na sakin"
BINABASA MO ANG
The Wannabe Princess
FanficWannabe Princess + True To Life Prince Charming = Happily Ever After? Posible nga kayang magkatotoo ang sinasabi ni Sapphire na Perfect Lovestory Ever nila ng kanyang prince charming na si Chanyeol?