Kabanata 2

2 0 0
                                    

"It's nice seeing you again Kylie Addison Marquez"  Nagpakilabot sa aking buong katawan ng marinig ko netong sabi sa akin.

Hindi ko magawang respondihan ang pagtawag sa akin ng lalaki dahil parang ako'y naging tuod. Para akong mawawalan ng hangin sa aking katawan.

Nilingon ko siya ngunit pagharap ko'y ako ay nakahinga ng maluwag ng wala na ito sa aking likuran. Sinundan ng aking mga mata ang kaniyang pigura na naglalakad patungo sa elevator.

Agad na akong lumabas sa Hotel dahil ring ng ring ang aking telepono. Pagkakita ko ay 10 miscall mula kay Liam.  Sumakay agad ako ng Jeep dahil alam ko kung bakit ito tumatawag malalate na ito sa kaniyang shift bilang call center agent.

Tumawag muli ito at agad ko namang sinagot.

"Kylie, Where the hell are you? malalate na ako sa trabaho. It's already 4:30 PM" bungad sa akin ni Liam

"I'm on my way Liam, I forgot my phone sa front desk kanina that's why I was not able to answer your calls. Malapit na ako sa bahay" I answered him. Liam doesn't really like to be late dahil isa siya sa top performer agent sa team nila kaya masiyado siyang committed sa trabaho.

Pagkarating ko ng tapat ng bahay I saw Liam carrying River. Iniaabot niya sa akin si River at humalik ito sa noo ng bata ganun din sa akin.

"I already cook dinner for you guys, just make sure na kainin niyong dalawa yun." Habiliin nito sa amin at agad itong sumakay sa kadadaang jeep.

Liam is a very sweet and caring person kahit alam niyang hindi ko pa kayang ibalik ang pinapakita niyang pagmamahal sa amin ng anak ko patuloy pa rin niya itong ginagawa.

******

Nakahiga na kami ng anak ko sa kama. Hinahayaang matulog sa aking bisig si River habang dahan dahang tapikin para ito'y makatulog agad.

Naalimpungatan na lamang ako ng may humalik sa aking noo. Pagmulat ng aking mata ay si Liam ang bumungad sa akin, mukhang katatapos nitong maligo. Chineck ko ang orasan at Ala-sais na ng umaga. Hinayaan kong humiga si Liam sa kama at siya ang pumalit sa aking pwesto. Nakagawain na namin ito tuwing siya ay pang gabing shift sa trabaho at ako naman ay pang umaga.

Nagsaing ako ng kanin, nagprito ng itlog at ang paburito ni River at Liam na Tapa. Napangiti na lamang ako habang inihahanda ang aming agahan. Nasilayan ko ang aking anak na pababa ng hangdan habang kinakamot ang kaniyang mga mata.

"Good Morning Baby" bati ko rito sabay buhat at hinalikan ito

"Good Morning Dada" cute na sabi at yumakap naman ito sa akin

"Okay baby let's brush your teeth so we can have breakfast already" iginaya ko si River sa sink upang makapag toothbrush na ito. Pagakatapos ay sabay naman na kaming kumaing dalawa, dahil tulog pa naman si Liam.

Sabay kaming naligo ni River at binihisan ko na rin ito agad pagkatapos namin. Tuwing Martes ay maari kung dalhin si River sa Hotel dahil walang magbabantay sa kaniya. Tulog mantika si Liam kaya't tuwing sa araw ng Martes isinasama ko siya at iniiwan ko ito sa Playground. Pumayag naman ang management ng Hotel lalo na at giliw na giliw sila kay River.

Nagiwan na lamang ako ng mensahe at idinikit sa Ref " I brought River with me sa Hotel, alam kung pagod ka take a good rest. May ulam at kanin na rin akong itnabi para sayo" Sulat ko para kay Liam.

Pagdating namin sa Hotel ang daming guest ang nasa Lobby kaya't agad agad akong nagtungo sa employee area para makapag palit. Bago ako magtungo sa front desk iniwan ko na si River sa Playground at inahabilin kay Sam ang watcher ng Playground. Tuwang tuwa naman si Sam nang muling makita si River.

Love me or Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon