PREFACE

5 2 0
                                    


THUD!

Tunog na gumising saamin ni mama mula sa pagkahimbing, agad naman bumangon si mama sa higaan para tingnan kung ano ang bumagsak sa aming bubong at ako ay nanatiling nasa loob ng bahay dahil iyon ang bilin ni mama,

Habang mag isa sa loob nakaramdam ako ng lamig kaya agad akong umakyat para kumuha ng jacket,

Ilang minuto pa ay bumaba na ako ngunit ng makita ko ang aking ina ay naka higa na ito sa malamig na sahig at mayroon ditong lalaking kumakagat sa kaniya agad naman akong nagulat dito at napaluha dahil sa aking nakikita,

Agad akong nagtago sa loob ng ataul na nasa loob ng aming bahay para hindi nito makita,

Ngunit agad itong suminghot na parang isang aso at nang makahanap ng tyempo agad itong tumalon sa aking kinaroroonan na agad nagpa lundag sa akin sa tarot ngunit himala dahil nang ito ay humawak sa ataul na aking pinagtataguan ay bigla itong nalusaw, nasaksihan iyon ng aking mga mata kaya agad itong nawala na parang isang bula at tanging abo nito ang natira at ako ay nakatunganga parin sa kinaroroonan,

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas ako at agad nz nilapitan ang nanghihina kong ina nang bigla itong magsalita,

"A-Anak ip-pangako mo sa akin na kapag ako ay nawala ay ipagtatanggol mo ang iyong sarili laban sa kadiliman.."

Agad naman itong tumuro sa direksyon kung nasaan ang ataul nz kanina kong pinagtataguan,

"A-Anak ang ataul na mi-minana ko pa sa ninuno natin alagaan mo.... Tandaan mo Vaiyance isa kang witch...w-ag mong aatrasan ang k-kadiliman kahit tayo ay isa sa ginawa nito...pat*yin mo sila Vaiyance ahh mangako ka sa iyong ina.... na ipagpapatuloy mo ang ang sinumulan ko....."

"O-Opo mama pangako po!"

Kahit na hindi naintindihan ay napa oo na lang ako sa aking ina at hindi namalayan na umiiyak na pala nang bigla ulit itng magsalita,

"A-Anak mahal na mahal ka ni mama ahh la-lagi mo yang tatandaan..."

"O-Opo mahal na mahal ko din po kayo mama!"

Sagutan namin ni mama bago ito malagutan ng hininga, inalog ko ito para gisingin ngunit sumuko na ito,

Ilang minutong ganoon ang pwesto ko at nang malamig na katawan ng aking ina, agad ko itong ihiniga sa lupa at agad na humingi ng tulong sa mga kapit bahay namin, ilang saglit pa ay agad ang mga itong tumulong at binuhat ang malamig na katawan , habang ako ay akay-akay ng iba papunta sa sofa, agad nila akong tinanong angunit ako ay tuliro parin at hindi maka sagot sa dami ng nangyari,

'Ipinapangako ko mama ipapaghiganti kita!' Bulong sa isip sabay tingin sa ataul na kanina nitong itinuro......


Cursed BloodWhere stories live. Discover now