"Will you be my date?"
I blink twice when Kean said that. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o baka...No, hindi naman siguro ako bingi, no? Alam kong sinabi niya iyon. Pero...niyaya niya ako makipag-date?
"A-are you serious?" I asked while still shocked because of his sudden question I didn't expect.
"Oh yeah. Actually, you should come with me" he answered and he suddenly grab me. Dahil sa gulat pa rin na reaksiyon ko, hindi ko na nagawa pang makapalag.
"W-where we are going?" I asked while staring at him and he just smiled at me.
"On a date" he replied and winked at me. Parang hindi na ako na ako makapalag pa sa tuwing nakikita ko ang bawat pagngiti nito na para bang ito ang kaniyang charm para mapapayag ang lahat ng niyayaya niya.
Wala na akong nagawa ng pinasakay niya na ako sa itim na SUV car na sa tingin ko'y siya ang nagmamay-ari nito. Nakangiting pinagbuksan niya pa ako ng pinto at pinaupo sa tabi ng driver seat. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin o sa kung kami magde-date. I have no idea afterall.
Ang pagkakaalam ko ay hindi pa ako pumapayag na sumama sa kaniya. Sadyang nagulat lang ako sa biglaang pagtanong nito sa akin at paghila sa akin kanina. Isama mo na ang ngiti nitong kayang mapapayag kahit sino. Kung hostage-taker lang itong si Kean, baka hindi rin ako makapalag na sumama sa kaniya.
Tahimik lang ako ng magdrive siya patungo sa main gate. May pinakita siyang I.D sa guard at agad namang napatango ang guard ng makita ito. And then, successful na nakapag-drive si Kean palabas ng campus.
"Ang pagkakaalam ko, walang studyanteng pinapayagang lumabas ng ganitong oras" paliwanag ko dito ng malaya kaming makalabas sa Cassa High. Class hour pa kasi at hindi required ang lumabas ng campus sa ganitong oras. Siguro best buddy niya ang guard o baka naman relatives niya. Ang unfair ng ganoon sa ibang mga studyante.
"Mali ka ng iniisip. Nakalimutan mo na bang kami ang DMAX club? Required kaming lumabas kapag may kailangan kaming imbestigahan" he answered habang nakangiti lang na nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Kahit ba naman sa pagmamaneho, nakangiti pa rin siya? Bakit parang masaya siya sa lahat ng bagay? Hindi siguro dinadatnan ng problema ang taong ito.
"Teka, ginawa mo lang bang palusot na may iimbestigahan ka para lang makalabas ng campus?" I asked habang nakataas ang isa kong kilay. I know na isang advantage ang pagkakaroon niya ng authority na lumabas ng campus pero hindi niya dapat iyon gamitin para lang manloko ng isang inosenteng guard at makalabas ng campus sa kung ano mang oras niya gustong lumabas.
He chuckled when he saw my reaction. "I'm telling the truth. Totoong may iimbestigahan kaming mga DMAX club ng isang kaso dito sa labas ng Cassa High" he replied at maraming tanong pa rin ang bumabagabag sa akin.
"Bakit hindi na lang mga pulis ang maghandle ng kasong iimbestigahan mo? Diba dapat nag-iimbestiga lang ang club niyo ng mga kasong nasa loob ng campus?" hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya at tinapunan nito ako ng tingin saka ngumiti ulit.
"Hindi naman kasi mabigat na kaso ang iimbestigahan ng club namin. May humingi ng tulong sa aming studyante kanina na nangangalang Jane Dela Cruz na isang grade 10-D student. Ayon sa kaniya, nakakatanggap daw siya ng threat mula sa isang anonymous sender na naglalamang papatayin daw nito ang lahat ng taong malalapit sa kaniya" pagkukwento ni Kean at bahagya na lang naging seryoso ang mood ko ng marinig ko ang kwento niya.
"Wait, what if prank lang ito ng isa sa mga kaibigan niya?" I suddenly asked by looking in another possibilities.
"I think it is not. Nung mga nakaraang linggo pa siya nakakatanggap ng mga text na iyon. Nung una, binalewala niya lang ang mga ito dahil akala niya prank lang ito pero nung mga nakaraang linggo lang, hindi niya inaasahan na makikita niyang wala ng buhay ang kaniyang ate mismong kaarawan nito sa kanilang bahay. Namatay ito sa pagsasakal at nakita na lang wala ng buhay ang katawan ng ate niya sa likod ng kanilang bahay. Sa dami ng visitors sa bahay nila, hindi nila alam maging ang mga pulis kung sino ang may gawa nito. Naniniwala si Jane na ang anonymous sender na nagpapadala sa kaniya ng threat at ang pumatay sa kaniyang ate ay iisa" muling pagkukwento ni Kean at bahagya akong nahulog sa malalim na pag-iisip. Bigla na lang akong naging interesado sa kwento niya. So, this one is a serious case. Hindi ito basta-basta isang prank lang.
YOU ARE READING
Detective Diaries (With A Mysterious pages)
Mystery / ThrillerThunder Series#1 Mystery is like a book. It has many pages that full of excitement and mystery. Hindi mo alam kung kailang matatapos ang misteryo o matatapos pa nga ba? Meet Mayumi Tuazon, an ordinary 17 year old girl but not the typical one. She li...