ERRORS AHEAD
-
-
Why do people fall inlove and end up crying?Why they fall in love when they knew that it will break their hearts?
Why does loving sometimes never stay long?
What if Romeo received the letter of Juliet?
What if Jack survived in the cold sea?
"And what if, the past is rotating repeatedly?"
Naisarado ko ang libro na binabasa ko.
Typical love story.
Pare-pareho lang naman ang mga kwentong napapa-nood at nababasa ko.
God!
Wala bang mas exciting na kwento? iyong tipong mas may thrill?
"What do you think, Jelan?" Tanong ko sa imaginary boyfriend ko.
Yes, may imaginary boyfriend nga ako and he is Jelan Del Castillo. Nakilala ko siya sa panaginip ko noong twelve years old ako. Call me weird but he's my companion every night when the times gets tough and darker.
Ayoko sa mga taong nakapaligid saakin, they call me weird but they're just more weirder than me. Wala naman akong ginagawa sakanila pero pinapakealaman nila ako kaya sila ang wirdo.
No one can understand me, except one. And he is Jelan.
Naglalakad ako ngayon papasok saaking classroom ngunit lutang na lutang ako dahil sa pagd-daydream. Kinakausap ko saaking utak ang imaginary boyfriend ko, hindi ko pweding i-voice out dahil baka sabihin nila baliw na talaga ako.
"Ihahatid na kita sa classroom mo, ayokong tinititigan ka ng mga makakasalubong mo. Nagseselos ako." Namula si Jelan saaking imagination kaya kinilig ako.
Papasok kami ngayon sa school at nakasuot kami ng uniform—ay mali, ako lang pala. Dahil bad boy siya ay naka-civilian siya, hate niya kasi ang sumunod sa rules at policy ng school.
"Ang sweet naman ng boyfriend ko, pero baka ma-late kana—"
"That's not matter, ikaw ang priority ko." Namumula naman ang aking pisnge habang tinatahak ang hallway papunta saaking classroom.
Huminto ako sa bukana ng pinto at kunwaring tumingin sa gilid ng pader na kung saan iniimagine ko na nakasandal siya roon at hinihintay ako saaking pagpasok.
"P-pasok na ako." Nahihiyang sabi ko habang nakayuuko, tinitignan ang aking sapatos.
"I love you, I'll fetch you later." He leaned closer to me and kissed on my forehead.
I could even feel my heated cheeks just because of him. Gosh! Alam ko fifteen palang ako at bawal pa ang ganitong mga bagay para saamin ni Jelan pero kasi... sinubukan ko naman iwasan pero makulit talaga.
"Hala, nagd-daydream na naman si Mia oh!" Sigaw ng tarantado kong kaklase.
Gusto ko sanang lumipat sa kabilang section dahil naroon si Dawn, pero pwedi rin naman akong lumipat sa section ni Jenny pero hindi naman kami gaanong close no'n dahil masiyadong tahimik.
Nakabusangot akong sumalampak saaking arm chair malapit sa bintana na kung saan pwedi akong mag-imagine.
Ilang minuto palang akong nakatulala sa bintana nang mag-ring ang cellphone ko. Message galing sa messenger. Binuksan ko iyon at sina Rukia at Sassa lang ang nag-uusap dahil sila naman ang kadalasang nagkakaintindihan dahil pareho silang graduating na sa high school.
Saaming magkakaibigan ay si Dawn ang pinakabata dahil matanda ako ng ilang buwan sakaniya.
So ito nga, habang nagd-discuss ang aming teacher ay bigla nalang nagpakita saakin si Jelan sa labas ng classroom. Malakas akong napabuntong hinga.
Humalukipkip siya habang nakasandal sa tabi ng bintana na kung saan ako nakatingin ngayon. May naglalarong ngiti sakaniyang mga mapupulang labi habang nilulunod ako sa asul na mata niya.
"Jelan, what are you doing here? Tapos na ba ang klase mo?" Nag-init ang aking pisnge ng kagatin niya ang pang-ibabang labi niya habang naka-ngisi saakin.
"Stop calling me by my name, just call me babe or ahm.. a simple baby can do." Mapapairit sana ako sa kilig ng tawagin ako ni Ma'am.
"Miss Alisdan? Are you with us?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang lahat ng mata ay nasaakin na ngayon.
Umirit ba ako o napasigaw dahil sa kilig?
Tumayo ako habang pinagpapawisan ng malamig.
"M-ma'am?" Nagtataka kong tanong.
Sabi na kasing wag muna akong i-distract eh! Terror pa naman si mrs. Lazaro.
"I'm asking you what's the color of the earth before blue. Saan na naman ba umabot ang utak mo ha?" Napanguso ako ng makarinig ng palihim na hagikgikan saaking mga kaklase.
"P-purple po ma'am." Mahinang sagot ko at hindi na nakatiis ang mga classmate ko at bumulalas ang kanilang pinipigilang tawa.
Purple is my favorite color, ito ang unang pumasok sa isip ko ng itanong ni ma'am ang kulay ng earth kaya ito nalang ang isinagot ko.
"Class keep quite!" Sa isang iglap, Tumahimik ang buong silid. "What's funny? Her answer is correct. Purple is the color of the earth before blue."
Natapos ang klase na malawak ang ngiti ko. Alam niyo, ang buhay ay tiyamba-tiyamba lang iyan. Minsan swerte at minsan naman ay malas.
Kumunot ang noo ko ng makakita ng babae sa dulo ng hallway. Hapon na at sa hallway na ito ay wala ng tao kapag ganitong oras dahil wala naman dumadaan sa likod ng school.
Tumalikod ako at bumalik sa dinaraan kanina habang nilibang ang aking sarili. Natatakot ako lalo na sa mga espirito na bigla-bigla nalang nagpapakita.
Simula ng mag-dose ako ay nakakaramdam na ako ng mga nilalang na hindi nakikita pero nito lang ako nakakita.
Dumaan ako sa main gate at nag-stop sa malapit na waiting shed upang pumara ng jeep. Wala na kasi akong naabutan na tricycle kaya mag-jeep nalang ako.
"Bakit kasi ang tagal mong lumabas? 'Yan tuloy naubusan tayo ng tricycle." Muryot ng boyfriend ko saaking tabi habang ginugulo niya ang kaniyang buhok.
Napapanguso ako habang iniimagine ang mukha niya. He has a fair skin that opposite to mine, I am tanned. His thick eyebrows na mas lalong nagdedepina sa kaniyang mala-karagatang mga mata na tinernuhan ng malalantik na pilik mata. Ang pointed nose niya na nakita ko saaking panaginip at ang kaniyang mamula-mulang labi.
Ang kaniyang itim na buhok ay mediyo mahaba na lagi niyang ginugulo sa tuwing siya ay naiirita. Ang kaniyang hugis ng mukha na talagang mapapasabi ka nalang na 'pakasalan mo na ako, ngayon na!' Kapag umigting ang kaniyang mga panga.
Eksaktong-eksakto siya sa lalaking napapanaginipan ko simula ng mag-dose anyos ako. Ang tangkad niya ay nakakalula dahil hanggang dibdib lang niya ako.
"Staring is rude, missy." Malamig at mababang boses ang pinakawalan niya kaya napapadyak ako.
"Masama bang titigan ko ang boyfriend ko? Tsaka bakit ang lamig mo ngayon, babe?" Mediyo tumalikod ako sa gawi niya para kunwari'y nagtatampo ako.
He chuckled.
"What? Boyfriend? Are you drunk, missy?" Humarap ako sakaniya at nabungaran ko ang nakakunot niyang noo.
"Hindi mo ba ako susuyuin?" Nagtatampong tinig ko.
"Bakit naman kita susuyuin? What a crazy girl." Iiling-iling siyang lumabas sa waiting shed at sumakay sa humintong jeep.
Tsaka ko lang naproseso ang lahat ng nangyari. Sinampal ko ang sarili ko. Did I just hallucinating something?
S-si.. Jelan, ang aking boyfriend ay sumakay sa jeep without my permission? O baka naman ibang tao 'yong kausap ko kanina at naimagine ko lang sakaniyang ang imaginary boyfriend ko!?
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
ФэнтезиDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...