Chapter 53

1.5K 102 51
                                    

"I really love your name, and it suits you, nakakalunod ka sa ka-g'wapuhan," ang nakangiting sambit ni Aspen.

"Ugh, bolero ka rin pala," ang natatawang sagot ni Ocean, "ganyan ba kayong mga artist? Nambobola?"

"Hindi kami nambobola, we tell the truth through our works, mas expressive lang kami," ang sagot niya, "bakit pala Ocean ang itinawag sa iyo? I mean ipinangalan sa iyo?" ang interisado na tanong ni Aspen kay Ocean habang nakahiga sila sa ibabaw ng kanyang kama. It was late noon and the soft light coming from the tall and wide glass windows seeped through and touches the wooded floor of her bedroom.

They lie spent and contented with sweet smiles pasted on their faces while their limbs intertwined with each other. Nakaunan ang ulo ni Ocean sa malalaking unan sa kama habang ang ulo ni Aspen ay nakaunan sa kaliwang braso nito. habang ang kanyang kamay ay nilalaro ang mga balahibo nito sa dibdib.

Naramdaman niyang gumalaw ang dibdib ni Ocean nang huminga ito ng malalim saka nito itinuloy ang paghimas sa kanyang likod. Inangat niya ang kanyang ulo at bahagya siyang dumapa para tingnan ang g'wapo nitong mukha at sinalubong naman ni Ocean ang kanyang mga mata at matipid itong ngumiti bago ito nagsalita.

"My dad was a US Navy back then when he met my mom," ang simula nito, "they were still young then my mom was an architecture student in Boston nang magkakilala sila sa isang bar dahil sa on vacation silang pareho and just like that! They fell madly in love with each ended up being together. Mom got pregnant then dad went back on his duty in the navy at sa tuwing nakikita ni mommy ang tubig dagat ay si daddy ang naaalala nito kaya naman, nang ipinanganak ako ay Ocean ang ipinangalan nila sa akin," ang paliwanag nito sa kanya.

"Hmmm, nasaan ang magulang mo ngayon?" ang tanong niya habang ang kanyang mga mata ay nasa dibdib nitong hindi niya tinigilan na laruin ng kanyang daliri ang balahibo nito sa dibdib.

"Nasa Boston sila ngayon, happy and retired ang they were travelling the world to make up to those days na namuhay silang magkalayo," ang sagot ni Ocean.

"Wala kang kapatid?" ang habol na tanong niya at umiling naman si Ocean.

"Mom got a series of miscarriages after me at hindi na siya nagkaanak pa kaya, nag-iisa lang si Ocean Whitman sa mundo," ang sabi pa nito sa kanya at inabot ng kaliwa nitong kamay ang kanyang kanan na pisngi para haplusin ito.

Isang matamis na ngiti ang isinagot niya kay Ocean, "ang swerte ko pala at kasama ko ang nag-iisang si Ocean Whitman," ang kanyang sagot na may bahid ng lambing at landi sa kanyang boses at ang malapad na ngiti ni Ocean ay isang nakaka-inlove na kasagutan nito sa kanya. Mas labis pa niya itong minamahal kahit lang sa mga simpleng gawi nito.

"Hmmm, now you know about my name, how about you?" ang tanong naman ni Ocean sa kanya, "Aspen is a, tree right?"

Tumango siya, "a quaking tree," ang kanyang sagot, "hmmm, si papa ang pumili ng pangalan ko, kasi," napabuntong-hininga siya, "when mommy was pregnant of me, mahilig daw si mommy sa mga kulay that signifies fall kaya naman nang ipinanganak ako ay Aspen ang ipinangalan sa akin, which is funny sa tuwing maiisip ko ang tungkol dun."

Nakita niyang kumunot ang noo ni Ocean dahil sa kanyang sinabi, "why? I don't see anything funny about it."

Isang pilit na ngiti ang isinagot niya kay Ocean hanggang sa tuluyan nang nabura iyun, at binawi niya ang kanyang mga mata kay Ocean at muli niyang tiningnan ang dibdib nito.

"Kasi hindi ako makapaniwala na si mommy ay magugustuhan ang mga kulay ng fall, like imagine the color of red? Orange, yellow, and gold? Dahil sa kung tutuusin para sa akin allergic siya sa mga makulay na bagay, siguro nga napipilitan lang siya na sundin ang gusto ng kliyente niya eh, para lang sa career niya," ang kanyang sagot.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon