Ferdinand POV
Hindi ito pwede
Wala na si Y/N. Mawawala pa si Imelda?
Paglabas ni Imelda ay tinutukan ko muna ang ibinigay niya sa aking divorce papers bago pa ako tumayo at sinundan siya sa labas
"Meldy sweetheart, ano to? Para saan bai to?" bulong kong pagkasabi sabay paghagilap sa kaniyang braso para ako'y harapin niya
"Do you really have to ask me that question?" balik sa aking pagtanong
Hindi ko alam anong ibig sabihin niya doon kaya hindi ako sumagot
"Huwag kang mag-alala. I will still stay here. Hindi ko sasabihin sa media na maghihiwalay na tayo at walang makakaalam nito kundi tayo lang at ang mga anak natin" dagdag nito
"Alam na ba ng mga bata ang tungkol dito?" pagtatanong ko
"Hindi" ikli nitong pagsagot at tuluyan nang umalis
Buong gabi, mula noong pag-uwi ko't pagbigay niya sa akin ng mga papeles ay hindi ko na mapigilang mag-isip. Anong oras na at ako'y nasa study room pa
Alas 3
Ayaw kong pumasok sa kwarto kasi alam kong ayaw niya akong makita o makatabi. At naiintindihan ko naman iyon
Ulit akong napaisip kung nasa tamang direksyon pa ba ako sa aking buhay
Handa na akong bumaba sa pwesto matapos itong termino na ito para kay Y/N pero mukhang nagdadalawang isip na rin siya. Mukhang naikumbinse na siya ni Greg na huwag siyang hiwalayan
Pero paano ako? Paano ang magiging mga anak namin? Paano ang bahay at ang buhay naming kasama ang isa't isa?
Pero hindi ko din pwedeng hindi isipin si Imelda
Mahal ko si Y/N pero mahal ko din ang aking asawa
Meron na kaming tatlong anak at malalaki na sila. Kaya ko ba silang iwan para lang sa babaeng una akong iniwan? Hindi ko kayang isipin kung anong magiging reaksyon ng mga bata kapag iiwan ko si Imelda. Sobra pa sa galit siguro
Lahat ng mga bagay na ito. Hindi ako mapalagay at hindi rin ako nakakabatid ng antok dahil sa kakaisip ko
Pipirmahan ko na ba itong divorce papers o hindi?
Imelda POV
Nagising ako at iniabot ang aking kamay sa buong higaan
Wala si Ferdinand
Hindi dito natulog si Ferdinand o di kaya ay maaga itong gumising
Alam kong napakalaking responsibilidad ito kung iiwan ko si Ferdinand pero hindi ko na kaya ang naiidudulot nitong sakit sa akin
Kung may minamahal naman siyang iba at mukhang wala namang makakapigil sa kaniya, sino lang ba ako para pumagitna? Nauna naman talaga si Y/N, hindi ba? Nasa buhay na siya ni Marcos dati palang, noon wala pa ako
Ngayong nakunan na kami ng anak, ano pa ba ang rason niya para manatili? Malaki na rin ang mga anak naming sila Imee, Bongbong at Irene. Kaya na nila ang sarili nila at hindi na nila kailangan pa ang aming gabay kaya ano pa ang rason ni Ferdinand para hindi kami iwan?
Umagang-umaga ay nasasaktan nanaman ako sa sarili ko lang ding pag-iisip
Kaya ako'y bumangon na at naligo para paghandaan ang mga bagay na kailangan kong gawin ngayong araw
Paglabas ko ng banyo ay dali din akong nag-ayos at tiningnan ang orasan
7 A.M.
Lumabas na ako ng kwarto at nagtanong kung lumabas na ba si Ferdinand