"Kailan ka pa nilalagnat, ay?"
Nilingon ko si Yandiel na nakahiga sa mahabang couch dito sa bahay nila at nakasapo ang palad sa noo. May mga gamot sa maliit na lamesa sa gitna at isang baso ng tubig. Kahit hindi naman gaanong open-area sa kanila ay malamig pa rin.
Nakaupo ako sa sahig at nakatulala lang sa kanya na tina-trangkaso, nilakad ba naman kasi mula CLSU papunta dito sa bahay nila sa Munoz. My goodness.
"Kahapon pa masama yung pakiramdam ko," malamyos niyang sambit. Tinanggal niya ang kamay sa noo at ngumisi sa akin. "Sorry, ah."
"Ere naman." I chuckled. "Next year, kaya mong bumalik?"
"Mmm. Syempre naman." Hindi natanggal ang nanghihinang ngiti sa kanyang labi. "Kapag susunduin ko minsan sa school si Yena, pupuntahan kita. Tapos tuloy lang yung trabaho ko sa Kita-Kita para magkikita pa rin tayo."
"Kahit ano, basta tutuloy ka sa pag-aaral, kahit 30 ka na bumalik, basta matupad mo yung pangarap mong maging teacher."
"May isa pa akong pangarap."
"Ano?" Nilibot ko ang tingin sa paligid. Parang ang saya nga dito sa bahay nila, parang happy family nga, eh. May mga bahay kasi na medyo mabigat sa pakiramdam o madilim na hindi malaman.
"Magpakasal."
"Baliw." Hahampasin ko sana siya dahil sa pagkabigla pero pinigilan ko ang aking sarili at baka mabinat. He just smiled at closed his eyes while lying down. "Ano bang gusto mo? Kasal-kasalan?"
"Kahit ano, basta kasal."
"Abnoy ka talaga eh, no?"
Days happen so fast, Yandiel was so sure about his decision and I never left him because of it. I know time will come and through God's will, he'll go back and will finally become a teacher with me. We have the same path, mauuna lang ako nang kaunti at maghihintayan kami.
I continued studying, I became more eager. Tuwing naiisip ko si Yandiel na sa kalagitnaan ng pag-aaral ko at pakikinig sa aming professor, siya ay nagtatrabaho at nagbubuhat ng mga mabigat na kahon doon sa malaking grocery store sa Munoz.
I know how badly he wanted to continue college, back then, he was willing to do everything just to continue so his mom would finally rest from working and his sister would not experience too much deprivation. He wants not the best but a stable life for his sister and his mother.
And I will study hard, not fully for him but for our God Who never leaves us behind. We are only here for a very short while, our life here is our preparation for the eternal life and rest that Christ gave to us. For now, our role is to do our commitment to govern this world even without being part of it.
"Ano, Wagwag na ba? Mamayang gabi?" pahiwatig ni Aiden sa aming dalawa ni Don. Ako lang ang lumingon sa kanya. Ka-Wagwag naman nito.
I just nodded and smiled. "Sige, tara kuys. Text ko si Ester."
"Na-text ko na siya, sasama daw," sagot naman niya. "Ayaw naman sumagot ni Yandiel sa tawag, anong oras ba shift no'n?"
"Paiba-iba, eh. Minsan, gabi na uwi niya, minsan naman umaga tapos alas kwatro ang uwi." Tumulala ako sa isang sulok at nag-isip.
"Kayo ba?"
"Ha?" Medyo naguluhan ako sa kanyang tanong. "Hindi?"
"Hindi kayo ni Yandiel? Anong tawagan niyo ba sa isa't isa?"
"Tawag ko sa kanya, Yandiel. Ang tawag niya naman sa akin... kung hindi Deborah ay Bora, minsan Debs."
Nagtaka ako sa kakaibang emosyon na ipinakita ni Aiden. "Yun na 'yon? Ni bebe o love, hindi?"
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Espiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...