Tumango-tango naman siya.
"Nakita mo ba ang pagkikita ng araw at buwan kanina?" tanong ko pa sa kaniya
Tumango ulit siya. "Hindi lang gaano nagtagal dahil nagulat ako sa inyo."
Natawa naman ako. "Nagtago na ang araw at oras na upang magpakitang gilas ng buwan," nakangiti kong sabi. "Oras na rin para umuwi dahil sigurado akong hahanapin na ako ng lolo."
"Maaari ko po kayong ihatid, senyorito, baka po mawala kayo."
Napangiti ako at umiling. "Hindi na kailangan, madilim na. Kailangan mo nang umuwi dahil baka mapano ka pa."
"Madaraanan po ang bahay namin. Kung marapatin niyo, sasabayan ko na lang po kayo hanggang sa bahay namin." Tumango naman ako at pinauna na siya. Mahina pa ako natawa sa paraang ng paggamit niya ng mga salita. Nagsusulat ako ng malalalim na salita pero iba pa rin pala talaga kapag naririnig mo na.
"Nakapamasyal na po ba kayo sa buong probinsya, senyorito?" Tumitingin-tingin pa sa aking tanong niya.
"Ngayon pa lang ako nakalayo ng hacienda," sagot ko. "Puro lang ako sa hacienda, ngayon ko pa lang sinubukang lumabas."
"May malapit na burol po rito, senyorito. May malinis na sapa rin at malapit na talon. Maaari niyo pong subukan doon, sinisigurado ko pong masisiyahan kayo."
"Paano kung hindi ako nasiyahan?"
Napatigil siya at napalingon sa akin kaya muntik ko na siya mabangga, mabuti na lang at nakahinto rin ako.
"Paano niyo po malalaman kung hindi niyo susubukan?"
Kusang umangat ang gilid ng labi ko nang marinig ko ang sagot niya at tumango-tango. "Samahan mo ako nang malaman mo kung magugustuhan ko sa mga tinuturo mo," sabi ko. "How should I address you? Binibini ba?" pigil na tawa ko pang tanong.
"Po?"
"Sorry-"
"Nagulat lang po ako sa sinabi niyo," agad niyang pagputol sa pagso-sorry ko. "Son po, Son na lang po ang itawag niyo sa akin. Huwag niyo na po akong tawaging binibini."
Natigilan naman ako. "Marunong ka ba mag-english?" curious kong tanong. Hindi ko gustong mang-judge pero nagkunot noo kasi siya nang mag-english na ako.
Awkward ang ngiti niya sinukli sa akin. "Hindi po ako masyadong maalam sa english. Pero marunong naman po ako."
Tumango naman ako. "Bilang isang singer, mas maganda kung maalam ka sa english," suggest ko pa. "May mga kategorya ang musika, at minsan english ang ginagamit." Tumango naman siya. "So... Son ang pangalan mo?" paninigurado ko.
Tumango ulit siya at nagsimula na muli maglakad. "Sona po talaga ang pangalan ko. Pinaikli ko lang po ng Son. Inaasar po kasi ako dati dahil sona raw ang tawag sa ginagawa ng presidente."
Natawa naman ako. "State of the Nation Address," natatawa kong sabi. "SONA nga naman ang tawag don at taon-taong iyong ginagawa tuwing July." Napatingin naman siya sa akin saglit. "Pero bakit Sona ang pangalan mo? Puwede namang Sonya," pangingielam ko pa. As a writer, isa sa mga pangalan ang ginagawan ko ng matinding research. Kaya kapag nakakakilala ako ng tao, tinatanong ko kung bakit ganito ang pangalan niya.
"Bakit naman po?"
"Puwede bang huwag mo na akong i-po?" medyo naiiritang pakiusap ko. "Tingin ko naman hindi nagkakalayo ang edad natin. Hindi naman siguro mapanlinlang ang itsura mo diba?"
Napalabi naman siya. "Nakakataas po kasi kayo."
"Pero hindi naman ako pobre," agad kong balik. "Wala naman akong kinikita. Ang lolo at lola ko ang mapera."
"Patawad po-patawad," nahihiya niyang sabi.
Natawa naman ako. "So bakit hindi Sonya ang pangalan mo?"
"Sonya ang pangalan ng nanay ko," nakangiti niyang sagot. "Sonata sana ang ipapangalan ni Nanay sa akin dahil tulad ko, mahilig siya sa musika. Sona ang kinuha niya imbis na Sonata. Pero may iba akong meaning sa name ko."
Umangat naman ang kilay ko at tumango-tango. Tumitingin-tingin pa siya sa akin. "Ano naman?"
"Ang Sona ay kinuha sa salitang Latin na Sonus na may ibig sabihin na to sound. At iyon po ang nagdurugtong sa akin sa musika. Ang sound ay tunog, ito ay konektado sa musika." Napatigil naman siya kaya napatigil rin ako. "Dito na po ako, senyorito, mag-iingat po kayo sa pagbalik niyo sa hacienda," pahina nang pahina ang boses niya sa dulo.
Napangiti naman ako. "Ang pangalan ko ay Pluma," sabi ko at tipid na ngumiti. "Sa susunod na magkita tayo, Pluma ang itawag mo sa akin at hindi na senyorito." Hindi na siya sumagot. "Ipapatawag kita kapag napag-isipan kong gumala sa mga sinasabi mong lugar."
"Makakaasa po kayo," sabi niya at napayuko.
"Ate!"
Kapwa kami napalingon sa pinanggalingan ng boses. "Mauuna na po ako. Mag-iingat po kayo, Ginoo"
Napangiti ako at mahinang natawa. Napailing na lang ako nang mabilis ang lakad niya papasok sa makitid na eskinita. "Ang lalim," mahina kong sabi at napailing.
Nang gabing iyon, kinausap ko si Lolo nang maghapunan kami. Nabigla pa siya at itinatanggi habang tumatawa. Pero hindi kayang magsinungaling sa akin ng lolo ko tulad ni Lola kaya umamin din siya. Hindi niya raw tinakot ang mga katulong, sadyang sinabi niya lang daw 'yon dahil sa hiling ko na tahimik na bakasyon.
Tinanong ko rin sa kaniya ang tungkol sa mga lugar na nabanggit sa akin ni Son. Sinabi naman ni Lolo na maganda raw doon at may mga lugar pa siyang ni-recommend sa akin pero labas na sa bayan.
Pinagtanong-tanong ko rin sa mga kasambahay ni Lolo kung sino sa kanila ang may pangalan na Sonya at isang ginang na natitiyak kong nasa 40s pa lang ang tanda. Mahahaba rin ang buhok at may bilugan ang mata tulad ni Son. Yumuko siya sa akin at nagpakilala. Isa siya sa matagal na nagtratrabaho rito sa hacienda at halos magkasingtagal sila ng mayordoma dito.
"Anak niyo po si Son?" tanong ko sa kaniya.
Tumango-tango naman siya. "Opo, senyorito. May ginawa po bang kasalanan ang anak ko sa inyo?"
Napailing naman agad ako at ngumiti. "Maaari ko ba siyang maging tour guide? I mean, may mga nirekomenda siya sa akin na lugar at wala akong alam sa pasikot-sikot dito. Mas maganda po siguro kung magpapasama ako sa taong kilala ang lugar na 'to."
Nagkunot noo naman siya. "Pasensya na po, senyorito, pero kahit apo kayo ng senyor, hindi ko po basta-basta pinapamigay ang anak ko."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at agad na napailing. Kinagat ko pa ang labi ko at nag-iisip ng magandang sasabihin. "Hindi ko po hinihingi ang anak niyo," magalang kong sagot. "Wala po akong masamang intensyon. Gusto ko lang po talagang masilayan ang mga lugar na nabanggit niya sa akin."
"Patawad po, senyorito, galing po kayong Maynila at hindi ako basta-basta nagtitiwala sa mga galing sa syudad. Iba po ang pagpapalaki sa inyo at iba rin ang sa amin. Isang kalapastangan itong ginagawa ko pero hindi ko po hinahayaan ang anak ko na sumama sa inyo."
Huminga naman ako nang malalim. "Kahit po bayaran ko ang oras ng pagsama ng anak niyo sa akin?" kinakabahan ko pang tanong.
"Hindi ko pinagbibili ang anak ko. Nagtratrabaho ako para sa kanila at hindi na nila kailangan magsakripisyo para sa akin."
"Padaragdagan ko po ang sahod niyo."
Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin ngunit agad ding yumuko at napailing. "Hindi ko po ipagbibili ang anak ko."
Napaawang ang bibig ko. Daig ko pa nanliligaw ah.
YOU ARE READING
Eclipse
Romance"The concept. The situation. The coincidence. The eclipse. It all compliment. Ako lang talaga ang may problema because I overthink." // a novella All Rights Reserved © 2022