Girl, I find you beautiful.
The smile on your face
Keeps flashing on my mind.
Please don't let it fade.
Napatigil ako sa pagsulat nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko at bumukas din iyon.
"Tara na, Pluma! Mamasyal tayo sa bayan, nagkakalatan doon ang maraming paninda," excited na aya ni Son sa akin. "Magdala ka ng pera baka marami kang mabili!"
"Sabi nang huwag ka bigla-biglang pumapasok sa kuwarto ko, Son!" saway ko sa kaniya. She pouted her lips and roamed her eyes around.
"Kasi ang kalat na naman ng kuwarto mo, Pluma," saway niya pabalik. Inisa-isa pa niyang pinulot ang mga pilas ng papel na natapon ko.
"Huwag mong babasahin!" hindi ko napigilang sigaw at nagmamadaling hinablot ang papel na kinuha niya. Malay ko bang kung anong papel ang mabuklat niya. "Ako na magpupulot nito. Bababa rin ako, sa baba ka na." Nanggui-guilt trip pa niya akong tinignan. "Sorry na, hindi ako galit, baba ka na, Son."
"Bilisan mo ah, saka maglinis ka nung kalat mo, huwag mo na pahirapan sina Nanay."
Napaawang naman ang bibig ko. "Lagi kong nililinis 'to ah!" Tinignan niya lang ako bago siya lumabas kasabay ng pagsara ng pintuan. Wala naman akong nagawa kundi pulutin ang mga papel na nasayang ko. Bago ako pumasok sa banyo ko, niligpit ko rin ang mga gamit ko. Napatingin pa ako sa papel. Napangiti ako bago tuluyang gumayak.
Nagtatagal na ako rito sa hacienda at kahit papaano, nagugustuhan ko ang bakasyong binigay ng lola ko. Siguro dahil may nakakausap at nakakasama na rin ako kaya mas naramdaman ko bigla ang lugar na 'to kahit ang totoo, sanay akong mag-isa at mas gusto ko ang mapag-isa. Mula nang makarating ako, pinapaalala ng basurahan ko ang dahilan kung bakit ako napunta sa lugar na 'to. Hanggang ngayon, kasama ko pa rin ang writer's block kaya sobrang saya ko kahit napakasimpleng stanza lang ang nagawa ko. A process it is.
"Pasensya na kanina, ayaw ko lang talaga na may nakakakita ng gawa ko." Napatingin si Son sa akin sa bigla kong paghingi ng tawad. Hindi pa kami ganoon katagal magkasama, pero alam kong ayaw niyang nasisigawan. Masyado siyang mahina para makatanggap ng pagsigaw. Hindi ko alam kung sensitive siya o insensitive lang 'yung pagtawag kong sensitive sa kaniya, pero sobrang soft niyang tao.
May time noong tumambay kami sa puno ng mangga at out of frustrations ko sa pagsusulat, hindi ko napigilan ang sarili ko. Nagulat na lang ako narinig ko ang mahihinang hikbi niya. Nang tinanong ko siya, nagulat ako sa sinagot niya.
"Nagagalit ka ba kasi boring akong kasama? Pasensya ka na. Hindi kita matulungan. Pasensya, wala akong magawa. Huwag ka na magalit." Humihikbi-hikbi pa siya habang nagsasalita. Halos hindi ako maka-react sa nangyari. Nagtataka rin dahil sa iniisip niya. "Bigla kang sumigaw, wala kamong kuwenta. Sorry hindi ko naman kasi alam gagawin para hindi ka ma-bored."Sa sagot niya, para bang unti-unting nawala ang frustrations na nararamdaman ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napangiti habang tinititigan siya. Ang ngiti ko ay nauwi sa mahinang pagtawa kaya napailing ako.
"Bakit?" kinakabahan niyang tanong.
Ginulo ko ang buhok ni Son dahil doon. "Sorry, hindi dapat ako sumigaw." Ngumiti pa ako. "Frustrations sa sarili 'to. Hindi ako nabo-bored kasama ka, huwag kang mag-alala." Kitang-kita naman na nag-aalala siya sa tingin niya. "Promise, hindi ikaw. Hindi ako galit. At hindi mo kailangan libangin ako o ano, Son. Huwag ka ngang ganiyan, nakokonsensya ako."
"Sumigaw ka kasi. Sumisigaw lang si Nanay kapag nagagalit na siya. Baka may nagawa na rin akong hindi mo gusto... sorry."
"Wala kang ginawa, Son. Okay ka kayang kasama. Napakaganda ng boses mo, pati na rin ikaw." Umiling ako. "Hindi ako galit sa'yo o kahit isipin na boring ka kasama, hindi ko naman nakikita." Bumuntong hininga pa ako. "Frustrated lang ako, ang tagal ko na sa hacienda, hindi pa rin ako nakakapagsulat ulit." Nagtaka maman siya ngayon kaya nagpatuloy ako para mawala sa isip niya na galit ako sa kaniya. "Wala kasi ako sa hulog ngayon magsulat. Writer's block ba? Kaya gusto ko ng bakasyon. Wala akong maisip ba kuwento ngayon. Wala akong magawang tula man lang. Kaya naiinis ako sa sarili ko." Nakita ko ang pagbago ng expression niya kaya umiwas ako ng tingin. "Ang pagsusulat ang tanging dahilan kung bakit hindi ako nagtratrabaho ngayon. Hindi man ako kumikita at nakaasa sa mga lola't lolo ko, at least nagagawa ko ang gusto ko. Iyon ang gusto nila sa akin. Kaya ngayon sobrang laking pagbabago, ilang buwan na akong wala sa hulog. Nagbakasyon nga ako, ilang linggo na akong nandito, wala pa rin akong progress."
"Hindi ka ba naliligaw?" Napatingin ako sa kaniya at tumaas ang kilay ko. "Iyon ang sabi mo sa akin noon. Nung araw na 'yon, natalo na naman ako sa singing contest sa bayan at napagalitan din. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagsasawa matalo. Ako lang naman ang may lakas ng loob sumali sa mga pa-contest na 'yan dahil halos lahat ng may lakas ng loob, may pera ding dala. Lagi akong bigong umuuwi dahil kung mahalaga ang talento, mahalaga rin ang pera sa mga tao."
"May pera nga kami, pero hindi naman kayang solusyonan ang nararanasan ko," sabi ko naman. "Hindi puwedeng bayaran na lang ng pera ang kakayanan, Son. Kasi kung puwede, hindi ko na kailangan lumayo pa para lang hanapin 'yung will kong magsulat ulit."
"Paano naman sa mga ganid?" tanong niya. Hindi ako nakasagot. "Sa gitna ng stage, kapag may pera ka rito, nakatutok sila sa'yo na para bang binibigyan ka ng spotlight at may karapatan kang magtanghal. Pero kapag wala, halos kumanta ka lang sa lugar ng mga bulag at tanging tainga lang ang mayroon sila." Ngumiti pa siya ng malungkot. "Nung tinanong ko 'yon sa sarili ko, hindi ba ako naliligaw tulad ng sabi ng senyorito? Masyado ko na ba talagang pinipilit ang sarili ko? Mali ba ang mga paraan ko? Pangit ba ang boses ko?"
"Hindi," pagsagot ko.
Napangiti siya. "May tiwala ako sa sarili ko, iyon ang dahilan nga kung bakit hanggang ngayon, kumakanta pa rin ako."
"Makikinig ako sa tuwing kakanta ka, Son."
Ngumiti siya. "Kaya huwag kang magalit sa sarili mo dahil lang nawala 'yung kagustuhan mong magsulat. Noong natalo ako sa pag-aakalang hindi ako magaling, sa murang edad, nasaktan ako. Nag-ensayo ako at ginawa ko lahat ng makakaya ko, kaso nagkasakit ako sa lalamunan. Napilitan akong hindi kumanta. Ang tagal kong tinigilan ang gusto ko. Pero nung gumaling ang lalamunin ko, mas bumuti ako." Hinawakan niya ang kamay ko na para bang pinapagaan niya ang loob ko. Hindi niya alam, sobrang gaan na nito. "Kaya huwag mong puwersahin ang sarili mo, Pluma. Hindi ko pa nababasa ang likha mo pero sigurado ako, magaganda ang mga iyon at makakagawa ka ulit ng bago. Mas maganda. May pagbabago."
YOU ARE READING
Eclipse
Romance"The concept. The situation. The coincidence. The eclipse. It all compliment. Ako lang talaga ang may problema because I overthink." // a novella All Rights Reserved © 2022