6

2 0 0
                                    

"Sabi ko sa'yo, huwag mo na akong sisigawan ulit. Bumibigay ako eh," pagrereklamo na lang niya. "Titignan ko lang naman kung may progress ka na."



Napangiti naman ako at umiwas ng tingin. "Nakagawa ako stanza kanina. Stanza lang."



"Seryoso?" gulat pa niyang tanong. Simula nang malaman niya ang frustrations ko, lagi niyang tinatanong ang progress ko. Hindi na ako nagtataka, magulat siya. "Ano? Pabasa!"



Agad akong umiling. "Hindi na," agad kong tanggi.



"Pabasa, Pluma! Sige na!"



"Wala lang 'yon, Son."



"Kahit na! Progress mo 'yon, patingin!"



"Simpleng stanza lang 'yon, Son. Walang maganda ron. Walang dating. Hindi mahuhubog damdamin mo."



"Malay natin dahil sa saknong na nagawa mo, magsunod-sunod na at makagawa ka na rin ng nobela mo."



"Sana nga." Napangiti pa ako. Sa totoo lang, may idea na akong naiisip na gusto kong alisin. Okay ang idea, pero ayaw ko. Ayoko non. Hindi ko gusto. "Sa susunod na makagawa ulit ako, doon ko na ipapabasa sa'yo."



"Sige, sabi mo 'yan ah?" Tumango naman ako.





Lumibot kami sa bayan at tulad ng sabi niya, maraming nagkakalatang na murang bilihin. May pagkakataon na may napipili ako dahil magagamit sa pagsusulat pero bukod doon wala nang nakaagaw ng pansin ko. Si Son na lang.



Mabuti na lang kahit marami nang nakakaalam na isa akong Heneroso, normal pa rin ang turing ng iba sa akin kapag nagpupunta akong bayan. May pagkakataon na mataas pa rin ang paggalang sa akin pero kinasanayan ko na rin sa tagal ko rito.





Pinanood ko si Son habang naglalakad dahil nangunguna siya, napansin ko kung ano ang tinitignan niya dahil nakahabol na ang tingin niya roon kahit lumagpas na siya. Nagkunot noo ako bago ngumiti at hinila siya. Nagulat siya sa biglang hawak ko sa kamay niya at mas nakadagdag pa na lumapit kami sa tinititigan niya. Tama lang ako ng pinuntahan.



Pinasuyo ko ang dress na pale green na may maliliit na printed flowers. Nanlaki ang mata ni Son nang tinapat ko sa kaniya ang damit at tinignan kung sasakto sa kaniya. Napangiti ako nang sakto lang sa tuhod niya ang haba ang kahit papaano, okay sa balat niya tignan.



"A-anong gagawin mo riyan?"



"Ibibigay ko sa may pinakamagandang boses na nakilala ko." Napaawang ang bibig niya. Naalis lang ang atensyon ko sa kaniya inabot na ang plastic at sukli ko. Nagpasalamat sila sa akin kaya nagpasalamat din ako.





Dahil wala naman na akong mabili at hindi naman bibili si Son ng kung ano rito, nag-aya na lang akong magmeryenda at pinilit pa siya dahil ayaw niyang magpabayad. Bilang apo ng mga Heneroso, nakukuha ko ang mga gusto ko. Walang nagawa si Son kundi ang magpahila sa akin kaya lihim akong natatawa sa kaniya.





"Sa talon tayo sa makalawa, Pluma." Napatingin ako kay Son sa biglang aya niya.



"Libre ka ba sa araw na 'yon?" nagtataka ko pang tanong. Isa sa dahilan kung bakit hindi kami matuloy sa talon dahil hindi puwedeng maghapon siyang wala sa bahay dahil walang titingin ng tanghalian ng kapatid niyang bunso.



"Walang pasok si Nanay. Nakapagsabi na rin ako sa kaniya at pumayag naman siya. Nasanay na rin siguro si Nanay na magkasama tayo kaya hindi na siya nagsalita pa ng kung ano tungkol sa'yo."



Napangiwi naman ako. Hindi ko alam kung anong meron sa mga taga-Manila at dahil doon nadadamay ang pagtingin ni Aling Sonya sa akin kahit pa apo naman ako ni Lolo Gamore. Kahit si Lolo nga hindi nagtitiwala sa akin. Kung masamang tao naman ako, sana matagal na akong wala sa poder ng lola ko.



"Magpapaluto na lang tayo sa hacienda para hindi na nakakahiya sa inyo. Kung may gusto kang pagkain, sabihin mo lang para mapahanda natin."



"Agahan mo gising, senyorito ah?" Natawa naman ako. "Hindi puwedeng hapon pa tayo aalis. Ayaw ni Nanay na sa gabi tayo pupuntang talon."



Tumango ako. "Gigising ako ng maaga, promise."



"Kapag hindi ka nagising, ipapabasa mo sa akin 'yung unang nagawa mo?" Hindi ako nakasagot. Hindi na lang ako matutulog siguro bukas.





Sa kabutihang palad, maaga akong nagising ng araw na tinakda ni Son. Kahit late na ako natulog, Mas maaga pa ako sa alarm ko. Hindi ko alam kung dahil ba takot ako ipabasa kay Son ang nagawa ko o excited ako para sa araw na 'to. Siguro both.



Kumilos agad ako at nag-asikaso ng mga gamit na dadalhin ko. Pagkatapos ay nag-shower din ako. Nag-longsleeve ako at board shorts. Naghanda rin ako ng shades para hindi masyadong masakit sa mata kung mataas man ang araw.



Saktong paglabas ko, nakita ko si Son na nakataas ang kamay at handa na atang kumatok. Napangiti ako nang makita ko ang gulat sa mukha niya.



"Good morning, Son, good morning," nakangiting bati ko sa kaniya.



Napaawang ang bibig niya bago mabilis na binaba ang kamay. "Magandang umaga, Pluma," sagot pa niya. "Akala ko tulog ka pa."



"Sabi ko naman sa'yo eh." Kinindatan ko pa siya bago ko sinarado ang pinto at nilagpasan siya.



"Ayaw mo talagang ipabasa ang nasulat mo, Pluma?" hindi makapaniwala niyang tanong at sumunod sa akin. Nilapag ko ang bag ko sa sofa sa salas bago pumasok sa kusina. Imbis na sagutin ko siya, kinamusta ko sa tagaluto ang pinagawa ko. Napangiti pa ako nang ibigay sa amin ang picnic basket at ayos na lahat doon.



Kinuha ko 'yon habang may kinuha pa si Son sa kusina kaya hindi nakasunod agad. Pinuntahan ko si Lolo sa hardin at nakita kong nababasa siya ng diyaryo habang may tsaa sa mesa at nagpapaaraw.



"Mauuna na kami, Lo." Lumayo ang tingin ni Lolo sa newspaper bago tumingin sa akin.



"Umayos ka, Pluma. Ako mismo magpapalayas sa'yo sa probinsyang 'to kapag may ginawa kang hindi kanais-nais kay Sona." Napaawang naman ang bibig ko sa banta ng lolo ko.



"Lolo naman," panggui-guilt trip ko pa.



"Kapag may ginawa ka, malalaman ko, Pluma. Huwag mo akong i-lolo naman."



"Huwag mong sabihing pinapasundan mo kami, Lo?"



"Hindi ko kailangan pasundan ka, Pluma. Matalas ang pang-amoy ko. Kaya huwag mo akong susubukan. Mahiya ka na lang at talagang mawawalan ka ng mamanahin sa amin ng lola mo." Hindi na ako sumagot kay Lolo. Mukhang seryoso talaga siya sa pagbabanta sa akin. Hindi ko siya masisisi dahil tama naman siya, mas kilala niya si Son kaysa sa akin. Bigla kong na-miss ang lola. Kahit hindi pa ako nagsasalita, naniniwala na agad siya sa akin.





Nang lumabas si Son dala ang isang maliit na cooler at ang favorite niya atang tote bag, nagpaalam din siya kay Lolo kaya umalis na kami. Inagaw ko pa ang cooler sa kaniya.



"Ako na riyan, Pluma. Masyado nang mabigat ang lalagyan ng pagkain," pag-ako ni Son pero umiling ako at pumara na kami ng tricycle nang may dumaan para hindi na kami maglalakad papunta sa highway kung saan namin lalakarin ang papasok daw sa talon. Pinapasok ko na siya at sinunod ang mga dala pati ang bag ko bago tumabi sa driver.





Sinusubukan ni Son agawin ang cooler sa akin nang magsimula kaming maglakad. Nag-volunteer pa siya na siya na raw ang bubuhat sa bag ko pero tumanggi pa rin ako dahil hindi naman ako nahihirapan. Matagal na kaming magkakilala ni Son pero hanggang ngayon, may pagka-senyorito pa rin ang turing sa akin. Lihim akong napailing.



Nakita kong nagtakip si Son ng balabal niya nang may dinadaanan kaming walang punong humaharang sa araw. Napangiti ako nang tuluyan na siyang sumuko sa pag-aagaw ng mga bitbitin.



"Medyo malapit na tayo, Pluma. Kumain muna tayo bago mo subukan ang talon."


EclipseWhere stories live. Discover now