Pagkatapos naming magmeryenda ay nagtira kami ng kaunting makakain para sa paglalakad. Paubos na rin ang bottled water na baon namin kaya tinitipid namin iyon dahil maglalakad pa kami.
"Wala naman nang laman 'yan, Pluma, ako na lang ang maghahawak," sabi ni Son nang kukunin ko na ang cooler. Napabuntong hininga naman ako at hinayaan na siya. Naalala ko kung ano ang status ni Son. Panganay siya. May bunsong kapatid na tinitignan-tignan sa kanila. Siya ang nag-aasikaso sa bahay nila dahil ang nanay niya ay nag-aasikaso naman sa bahay namin. Siguradong hindi siya sanay na hindi tumutulong. Iyon ang nararamdaman niya kanina kaya gustong-gusto niyang tumulong pero ayaw kong maging responsible siya sa akin. Spoiled man ako sa lola ko, hindi ko ugali ang iaasa sa iba ang simpleng gawain na kaya ko naman.
"Son?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Po?"
"Okay lang ba kung ihahatid kita hanggang sa inyo?"
Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagkunot ng noo. "Bakit?"
Napaiwas ako ng tingin at binalik din sa kaniya agad. "Kung okay lang... gusto kong... umakyat sana ng ligaw."
Nang minsang nagkuwento sa akin ang lola nung mga nakaraang linggo at nabanggit ko si Son sa kaniya. Bigla niyang nabanggit ang panahon nila ni Lolo noon. Inasar ko siya pero seryoso ang pagkuwento niya at hindi ko maiwasan na hindi maalala lagi 'yon dahil madalas ipaalala ni Lola kapag napapatawag siya at nagtatanong tungkol kay Son.
"Who's Son? At bakit Son ang pangalan, Pluma? Nagtitipid ba sila sa letters? And is this a girl or boy?"
"It's a girl, Lola. I'm years older than her pero hindi gano'n kalaki. And her name is Sona. She just had problem with her name dahil inaasar siya tungkol sa SONA ng president that's why she introduced herself as Son. Ang ganda pakinggan right?"
"And you like her, don't you, my Pluma?" Hindi ko napigilang hindi mapangiti. "I let you have vacation there kasi I know na mare-refresh ka riyan, seems like you had my same fate, ijo. When I went there at your age, gusto ko ng bakasyon, but I found Gamore instead."
"Wow, La, reminiscing?"
"You're Lolo was persistent before, but respectful, Pluma. When he confessed to me, I confessed too. Iba ang panahon noon, but I am different one before. Gusto ko noon kami agad, pero ang lolo mo, he wanted to court me first. He said that it was the perfect thing to do dahil hindi maganda ang pabigla-bigla. Tama naman siya, Pluma."
"So matagal bago mo sagutin si Lolo?" Napangiti ako sa pagtawa ni Lola. Gusto ko sanang mang-asar pero minsan lang good mood ang lola kapag si Lolo ang pinag-uusapan namin.
"Sa totoo lang, noong una kinukulit ko siya lagi na kami na. I'm from Manila, at kahit sa panahon namin noon, kilalang mahihinhin ang mga kababaihan, but ibahin mo ako, Pluma. That's why I drew attention from your Lolo. Pero kung makulit ako, ganoon din si Gamore. He didn't take my answers seriously kaya sumuko ako."
"So how did you end up together?"
"Oh ijo, we didn't!"
Napailing naman ako at natawa. "I mean, before. Hindi naman siguro mabubuo ang mama ko, diba, kung hindi talaga naging kayo before?"
"Loko, Pluma." At natawa pa siya. "Anyway, sumuko ako and find the right time na sure akong hindi na titignan ni Gamore bilang biro ang pag-oo ko." She sighed. "I just want to tell you na if you're going to pursue this girl, be sure. Be consistent. Because that's what your lolo did before."
"I want to tell Lolo about this." Natawa pa ako.
"Do it and I won't let you stay there for the rest of your life, Pluma! I thought you like that Sona? Hindi mo siguro gugustuhin umalis na lang ngayon diyan diba?"
"Gusto ko rin sana pormal na magpaalam sa nanay mo. Kahit alam kong ayaw sa akin ni Aling Sonya, karapatan niyang malaman. Kung okay nga lang ang nanay mo muna ligawan ko eh." Natawa naman siya kaya napangiti ako.
"Hindi ko alam kung gagaan ang loob mo pero gusto kong sabihin na... alam mo namang ayaw ng nanay sa'yo, Pluma. Hindi ko alam kung anong magiging desisyon ni Nanay pero nasa saiyo kung ipagpatuloy mo."
"Sigurado ka na ba, Pluma?" paniniguro pa ni Son sa akin habang hawak ang door knob nila. Ngumiti ako at tumango. Tipid naman siyang ngumiti bago tuluyang binuksan ang pinto. "Nay? Nakabalik na po ako."
Nilibot ko ang paningin ko. Malinis kahit maliit ang bahay nina Son. Ito ang unang beses na nakarating ako sa kanila mismo. Madalas ay hanggang kanto lang ako. Matagal na rin kaming magkasama, kahit marami na rin akong alam sa kaniya, hindi pa ako nakakapunta sa kanila o kahit makilala ang kapatid niya.
Pinapasok ako ni Son at may pinasukan siya na may harang ng kurtina. Lumabas doon ang nanay ni Son kaya napadiretso ako ng tayo. Loko rin 'tong si Son, kinalimutan na ata ako. Bigla akong kinabahan nang gulat si Aling Sonya nang makita ako.
"Senyorito, ano pong ginagawa niyo rito? Bakit hindi pa kayo umuwi sa hacienda?" magkasunod na tanong niya. "Sona, bakit hindi mo man lang hinatid ang senyorito sa kanila bago ka umuwi?"
Lumabas si Son sa kuwartong pinasukan niya at napansin ko agad na nakapagpalit na siya ng damit. Inosente pa siyang ngumiti sa akin bago kumilos sa kusina nila.
"May sasabihin daw po si Pluma sa inyo, Nay," pagsagot niya kahit nakatalikod na siya. Feeling ko tuloy pati siya kinakabahan para sa akin. Napatingin naman ako kay Aling Sonya na ngayon ay nakataas ang mga kilay, nagtataka sa pakay ko.
"May sasabihin ka raw, senyorito?"
Napalunok ako at tumikhim. Minsan na akong tinanggihan ni Aling Sonya kaya kinakabahan ako ngayon. Pero desidido na ako. "Gusto ko po sanang umakyat ng ligaw," mabilis kong sabi. "Kay Son po."
"Ano?!"
"Gusto ko po sanang magpaalam na manliligaw ako kay Son, Aling Sonya," magalang kong paglilinaw.
"Aba, senyorito, ang bilis naman yata niyan?"
"Siguro po mabilis para sa inyo, pero seryoso po ako," pinal kong sabi. "Seryoso po ako kay Son. Kaya hayaan niyo po ako na manliligaw sa kaniya." Yumuko ako. Iniisip ko kung tama pa ba ang ginagawa ko pero winawaksi ko 'yon dahil iniisip kong para kay Son ang ginagawa ko.
"Umuwi ka na, senyorito, gagabihin ka na sa daan at baka hinihintay ka na ng senyor umuwi." Napaawang naman ang bibig ko at tumango rin naman. Hindi ko alam kung gaano ka-weird ang ginawa ko dahil nakatayo ako sa harap ng nanay ni Son habang hawak pa rin ang mga bitbit ko at umakyat na ligaw. Pormal pala ah.
"Mauuna na po ako," pagpapaalam ko kay Aling Sonya. "Manliligaw po ako kay Son at hindi po ako nagbibiro. Sana po tanggapin niyo rin ako." Yumuko pa ako bago tumingin kay Son na nakatingin pala sa amin. "Mauuna na ako, Son."
Ngumiti siya at tumango-tango. "Mag-iingat ka, Pluma."
Pag-uwi ko, bumungad si Lolo sa akin. "Ginabi na kayo, Pluma."
"Lo...."
"Bakit? May nangyari bang masama kay Sona at ganiyan ang itsura mo?"
Nagtataka man pero tinuloy ko ang balak ko. "Nanliligaw na ako kay Son, Lo. Nagpaalam na rin po ako kay Aling Sonya. Hinatid ko siya sa kanila kaya walang nangyari sa kaniyang masama."
"Nanliligaw ka kamo?" hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango ako. Pinalapit ako ni Lolo gamit hand gesture kaya sumunod ako. Nagulat ako nang bigla niya akong binatukan. "Ang bagal mo talaga kahit kailan, Pluma! Hindi ko alam kung apo ba kita o ano." Napaawang naman ang bibig ko.
YOU ARE READING
Eclipse
Romance"The concept. The situation. The coincidence. The eclipse. It all compliment. Ako lang talaga ang may problema because I overthink." // a novella All Rights Reserved © 2022