12

0 0 0
                                    

"Son!" Napangiti agad ako nang makita siya. Sinabi niya sa akin nung isang araw na pupunta siya sa hacienda para maiba naman daw. Wala namang problema sa akin ang pagpunta ron pero sinabi na lang niya na na-miss na raw niya si Lolo.



"Tuwang-tawa, Pluma, ah?" Napatingin naman ako kay Lolo na nang-aasar pa.



"Magandang umaga, Lolo Gamore, kumusta na po?"



Natawa naman si Lolo. "Paano ba 'yan, Pluma, ako ata ang pinunta ni Sona?" Hindi ko naman maiwasang magbago ng expression dahil sa asar niya. Ako ang unang bumati, hindi man lang ako binati muna pabalik. "Okay lang ako, ija. Ikaw? Sinagot mo na ba ang apo ko?"



Sinaway ko naman si Lolo sa tanong niya. Ayokong tinatanong ang tungkol sa panliligaw ko kay Son. Alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi pa puwede.



"Mahina pa po si Pluma kay Nanay, eh," pagsagot naman ni Son na mas ikinatawa ni Lolo at inasar pa lalo ako. Umiwas na lang ako ng tingin at hinayaan muna sila magkumustahan. Niligpit ko ang gamit ko, tulad ng palaging nangyayari, naaabutan ako ni Lolo Gamore sa pagsusulat habang naghihintay kay Son sa garden kaya napahinto ako. Nagpaalam ako na aakyat muna. Dumaan pa muna ako sa kusina para magpahanda ng meryenda at binanggit ko rin kay Aling Sonya na nandito si Son.





Bago pa ako makabalik sa garden, hinabol ako ng isa sa mga katulong dahil sa tawag.



"Hello, Pluma! Manggugulo ulit ako for the nth time, narinig ko na nagbabakasyon ka ngayon because you're experiencing writer's block?"



"I know that's not your agenda, Fiona." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.



"Please, Pluma! Be our songwriter na kasi! Ilang taon na kaming walang new release. Naaawa na ako sa mga anakis ko." Fiona is a manager and a director. Since nang mag-asawa ang original songwriter nila at nag-migrate, madalas niya akong kinukulit. Nakikitaan niya raw ng potential ang mga tula ko noon. Ayaw kong ibenta. Ayaw din naman nila bilhin. Ako ang gusto nila. But I kept on saying no. Mas gusto ko mag-focus magsulat ng kuwento.



Natapos ang pag-uusap namin na wala siyang nakuha sa aking oo. Dahil doon, nag-rants pa siya ng work life niya.





Pagdating ko sa garden, tinanong ako ni Lolo kung bakit ang tagal ko bumalik. Nasabi ko na lang na may tumawag sa akin at napahaba ang kuwentuhan namin. Hindi na rin siya nagtanong ng detalye dahil nagpatuloy ang kuwentuhan sina Sona at Lolo tungkol sa paparating na pista ng habang nagmemeryende kami. Dahil doon, nalaman ko na idea ni Lolo ang ganap sa pista. Kung hindi dahil sa kaniya, walang buhay ang taon-taon na pistang bayan.



"Hello, Pluma." Bigla naman akong napatingin kay Son nang kausapin niya ako dahil nagpaalam na si Lolo. "Pasensya na, tagal ata ng usapan namin ng lolo mo."



"Si Lolo naman dinalaw mo, okay lang 'yon." Napangiti naman siya. "Anyway, may kuwento ako sa'yo." Tumaas naman ang kilay niya at umayos ng upong humarap sa akin. Natawa naman ako. "Tumawag sa 'kin si Fiona, 'yung kaibigan ko na director at manager ng isang band." Tumango-tango naman siya. "Ilang taon na akong nililigawan no'n-I mean, gusto nila akong kunin bilang songwriter nila," agad na bawi ko dahil nagkunot noo siya.



"Nagsusulat ka ng kanta, Pluma?"



Umiling ako. "Nakitaan daw nila ng potential ang mga tula ko noon. Pero ayaw ko."



Nagkunot noo naman si Son. "Oportunidad na 'yon, Pluma," nagtataka pang sabi niya.



"That time kasi, kahit hanggang ngayon, mas gusto ko ang forte ng pagsulat ng kuwento, mga nobela at hindi ng kanta."

EclipseWhere stories live. Discover now