13

0 0 0
                                    

"Yes, Lola. Just please, huwag ka na maghanda pa ng pamiesta. I won't be staying for too long after lang ng audition ni Son, doon ko pa malalaman if mag-stay pa kami for the mean time or not."



"And you were just going back here dahil lang kay Sona, Pluma?" nabasa ko ang pagtatampo sa boses ni Lola. Buti na lang narinig ko na tinawag ako sa labas kaya nagkaroon ako ng lusot kay Lola. I feel bad na iwan mag-isa si Lola sa Manila, kahit pa may mga kasambahay naman siyang kasama. Pero napapamahal na sa akin ang probinsya at mas nagugustuhan ko na rito. Hindi ko pa rin nasasabi kay Lola ang desisyon ko. Natatakot ako sa reaction niya.





"Sinabihan ko na si Castor, Pluma, tungkol bukas. Mga tanghali nariyan na siya para ihatid kayo sa Manila. Nakahanda na ba ang gamit mo?"



Natawa naman ako sa tanong ni Lolo. "Babalik ako, Lo, sasamahan ko lang naman si Son tapos uuwi na kami."



Nagbuntong hininga naman siya. "Sinabihan mo na ba ang lola mo?" Napailing naman agad ako. "Sabihan mo agad siya dahil ang tagal na niyang naghihintay sa'yo. Hindi ka lang niya kinukulit pero nag-aantay ang lola mo. Huwag mo siyang saktan sa paghihintay. Be clear."



"Ikaw nga naging clear pero nasaktan mo pa rin si Lola eh."



"Aba-Umayos ka, Pluma ah." Natawa ako. "Si Sona ba handa na?" Tumango-tango naman ako. "Sigurado ka bang pinayagan siya ng nanay niya?" Nagtataka man, tumango pa rin ako.



"Pumayag naman daw si Aling Sonya. Papaalala ko na lang ulit para sure." Tumango naman si Lolo.



Bukas na ang alis namin ni Son para lumagak papuntang Manila. Pumayag siyang mag-audition kaya agad kong pinaasikaso ang lakad namin. Sa susunod na araw ang audition niya. Gusto ko sana agahan ang punta pero baka naman mahirapan sa kanila sa bahay kapag matagal siyang wala. Ang unang plano pagkatapos ng audition babalik na kami at dito na lang maghintay pero gusto mag-stay ni Son at doon mag-intay kaya pumayag na rin ako. Mas makakasama ko rin nang matagal si Lola dahil sa mansyon din kami mag-stay. Mas convenient para sa amin. At gusto rin makilala ni Lola si Son.





Bago pa ako makapasok sa kusina, nakasalubong ko na si Aling Sonya na palabas, mukhang pauwi na siya kaya napangiti ako.



"May kailangan ka ba senyorito?" Umiling naman ako. "Narinig ko na babalik na raw kayo sa Maynila?"



"Hindi po, saglit lang po ako, sasamahan ko lang din si Son."



Agad namang tumaas ang kilay ni Aling Sonya. "Ano, senyorito? Si Sona kamo?" Nagdadalawang isip man, tumango pa rin ako.



"Pinagpaalam na raw po ni Son sa inyo na pupunta kaming Maynila para sa audition niya. Gusto ko sana ako na magpaalam para masiguro ko sa inyo na magiging ligtas si Son pero pumayag na raw kayo. Gusto ko lang sabihin na tanghali ho ang alis namin."



"Pupunta si Sona sa Maynila? Sasali siya sa kantahan?" Tumango-tango naman ako. Nagtataka na rin. Napansin ko ang pagbabago ng emosyon ni Aling Sonya. "Mauuna na ako, senyorito, mag-iingat ka bukas." Napangiti na lang ako at hinatid siya hanggang labas ng hacienda.



"Sumunod ka, Pluma." Agad akong napalingon nang marinig si Lolo. Nagtataka ko siyang tinignan. "Mag-aaway ang mag-ina. Sumunod ka at ikaw ang kumausap kay Sonya."



Nakakunot pa rin ang noo ko. "Ayaw ko manghimasok, Lolo."



"Kung hindi ka susunod, mawawalan ng chance si Sona makapag-audition diyan sa show na sinasabi mo. Hindi mo magugustuhan 'yon dahil masyado kang dedicated kay Sona." Gusto ko pang umangal pero nagpatuloy si Lolo. "Alam mo bang pinagbawalan na kumanta at sumali-sali si Sona sa kahit anong contest? Ayaw niyang makarating ng Manila si Sona kaya ayaw din sa'yo ni Sonya. Taga-Maynila ang totoong ama ni Son at ayaw ni Sonya makilala nito si Sona dahil kayang-kaya nitong bawiin ang anak niya. Ayaw ni Sonya sa mga taga-Maynila. Ayaw niya sa'yo, pero dahil kay Son pumapayag siyang lumapit ka, pero kung ikaw ang magiging dahilan kung bakit iiwan ni Sona ang nanay niya, baka pati sa akin magalit siya."



"Audition naman ang ipupunta namin ni Son doon, iuuwi ko rin siya dahil dito naman talaga dapat siya," pagmamatigas ko pa.



"Paano kung piliin ni Son doon?"





Malapit pa lang ako sa bahay nina Son nang marinig ko ang galit na boses ni Aling Sonya. Una kong nakita si Yaya na nasa gilid ng pintuan at humihikbi. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin at yumakap. Nagsusumbong dahil nag-aaway ang ate at nanay niya.



"Hindi ka tutuloy diyan, Sona! Dito ka lang sa bahay! Dito ka lang sa probinsya! Dito tayo mabubulok!"



"Gusto kong kumanta, Nay! Gustong-gusto! Ang tagal kong hinintay 'to. Ang tagal kong pinangarap ito, Nay. Pero dahil mahirap lang ako, hindi ko makamit. Hindi ako mapagbigyan!"



"Kahit mahirap tayo nakakakain kayo! Nadadamitan! Bakit mo pipiliin landasin ang walang kasiguraduhan?"



"Gusto kong sumubok...," mahinang sagot ni Son.



"Hahayaan kitang kumanta, Sona. Papayagan na kita. Pero hindi ka aalis. Hindi sa Maynila. Huwag sa Maynila, parang awa mo na, anak."



"Gusto kong kumanta ron. Nanay, ito na 'yung chance ko. Pagbigyan mo ako. Gusto kong kumanta. Gusto kong maraming makarinig ng boses ko. Pagbigyan mo na ako."



"Andito ako. Kami ni Yaya, Sona. Kami na lang makikinig sa'yo. Kahit ayaw ko, ako mismo ang maglilista sa'yo sa mga paligsahan ng pagkanta sa bayan. Huwag ka lang aalis."



"Nay..."



Tumikhim ako. Nagdadalawang isip kung tama bang sumingit ako.



"Senyorito," pagtawag pa ni Aling Sonya sa akin at tumalikod siya para magpunas ng luha. Napalabi naman si Son nang mapatingin ako sa kaniya. "May kailangan kayo? Gabi na, baka hanapin kayo ni senyor."



Napaisip pa ako ng tamang gagawin bago tipid na ngumiti at sumagot. Nakayakap pa rin si Yaya sa akin. "Pasensya na po kung mangingielam ako, Aling Sonya. Naririnig kasi ni Yaya ang pagtatalo niyo at kanina pa siya iyak nang iyak. Baka makaapekto sa bata ang ganitong paligid." Doon lang nila napansin si Yaya sa akin. Lumapit si Aling Sonya at kinuha ai Yaya para buhatin. Humingi pa siya ng tawad dito.



"Tungkol sa pag-alis namin ni Son-"



"-Ah, hindi na makakasama si Son, senyorito, pasensya na sa abala."



"Nay...."



Napalabi naman ako. "Hindi niyo naman po kailangan mag-alala kay Son kung matutuloy kami sa Manila. Kasama naman po ako at nandon din si Lola, maraming puwedeng bantay si Son doon." Magsasalita pa sana si Aling Sonya pero inunahan ko siya. "Tungkol naman po sa audition," Ngumiti pa ako kay Son. "Hindi sa hindi ako naniniwala sa kakayahan ni Son, pero wala rin naman pong kasiguraduhan na tuluyan siya makakapasok sa dami nang sasali. Kung mananalo man siya, kasama niya naman ako, sasamahan ko siya hanggang dulo po ng laban niya."



Umiling pa rin si Aling Sonya. Nawawalan ako ng pag-asa sa pagpayag niya. "Senyorito, hindi porket apo kayo ng senyor may karapatan na kayong manghimasok sa amin ng anak ko."



Ngumiti naman ako. "Pasensya na rin, Aling Sonya, dahil nanghihimasok po ako, pero hindi ko kayang hayaan lang si Son hindi ilabas ang galing niya. Kung nakita niyo lang kung paano kumanta si Son. Kung nakita niyo kung gaano siya kasaya nang malamang nakapasok siya, hindi niyo gugustuhin na masira ang kaligayahan niya." Umiling pa ako. "May pera ang lolo at lola ko pero may mga bagay na hindi ako nakakamit. Si Son, may oportunidad na lumalapit sa kaniya, hindi niya po ba puwedeng tahakin 'yung daan na walang kasiguraduhan?"


EclipseWhere stories live. Discover now