Pagdating namin ng Manila, agad kaming inasikaso ni Lola. Entertain na entertain niya si Son, akala mo siya na ang apo at kinalimutan ako. Kung hindi niya pa pagpapahingahin si Son, hindi niya pa ako papansinin.
"Here I thought miss mo ako, La?" patunog nagtatampo ko pa.
Ngumiti naman nang malapad sa akin si Lola at niyakap niya ako. "Sobrang na-miss ko ang apo ko." Napangiti ako at yumakap pabalik kay Lola. Hinatid niya ako sa kuwarto ko na gano'n ang ayos namin. "Nabanggit ni Son sa akin na nakakapagsulat ka na. Hindi mo ata nabanggit 'yon, Pluma?"
Awkward naman akong napangiti. Humiwalay na si Lola habang sumandal naman ako sa pinto ng kuwarto ko. "Hindi pa kasi ng buong story, La, kaya hindi ko pa nasasabi sa'yo."
"Hmm?"
"Ayoko nung idea na unang naisip ko." Agad naman nagkunot noo si Lola. Sa lahat ng tao, siya ang nakakakilala sa akin. She knows na I will do my best kahit gaano kahirap ng plot na naiisip ko. "Ngayon more on small poetry ako, may progress pero sa story wala talaga."
"Ano ba 'yon? Para baliwalain mo ang unang idea na naisip mo after months ng writer's block, it has to be reason." Napangiti naman ako.
"Magpahinga ka na, Pluma. Maaga pa kayo bukas." Tumango naman ako at pumasok na nang tuluyan sa kuwarto ko. I somehow missed my room here. Mukhang kahit decided na ako na sa hacienda na tumuloy, gugustuhin ko pa ring bumiyahe para umuwi rito kahit isang linggo. Para kahit papaano, hindi maramdaman ni Lola na nag-iisa siya rito.
Naka-ready na kaming dalawa ni Son nang mag-umagahan kami. Mas magandang maaga kami makapunta sa audition para sa number. Naka-note kasi sa email na kahit pasok sa first screening, may limited na mag-aaudition sa isang araw at nag-set sila ng two days for second screening.
"Kinakabahan po ako, Lola. Kung titignan po, ito na first time ko sa ganito," pagkukuwento ni Son kay Lola.
"It's okay to be nervous, ija, kaysa you feel nothing at all. Atleast ramdam mo at ng inner self mo 'yung pressure and excitement."
"Saka nandon naman ako," pagsingit ko pa. "Papanoorin kita sa malayo." Napangiti naman si Son sa akin. Nakita ko pang napailing si Lola.
Nakaparada ang sasakyan ko sa parking habang nag-iintay. Tulad ng sabi ko kay Son, hindi ko ipapakita na kilala ko siya, lalo pa at sigurado akong may kakilala ako sa loob. Nasa loob na siya at sinabi kong i-text niya ako kapag malapit na sila magsimula. Pinahiram ko sa kaniya ang luma kong phone na naitabi ko at maayos pa. Inalok siya ni Lola ng bago pero tumanggi siya kaya ayun na lang, hiram pa.
Nang ma-receive ko na malapit na ang number ni Son, mabilis pa kay Flash ang takbo ko papunta sa audition room. Huminto pa ako at inayos ang sarili para magmukhang normal. Pinagtitinginan pa ako ng ibang contestant pero pumasok na lang ako.
Napalingon-lingon pa ako kahit nakita ko agad si Son. Pinigilan ko pa ang ngiti ko nang makitang bagay na bagay sa kaniya ang dress na nabili ko nung nag-bayan kami. Susuotin niya raw 'yon kapag kumanta siya. At ngayon, suot na niya.
"Pluma!" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. "Hala! Nakauwi ka na? My gosh, tinanggap mo na ba ang proposal ko?" Natawa naman ako at yumakap kay Fiona.
"Ilang hindi at ayaw ba ang gusto mo?" natatawa ko pang tanong sa kaniya. Tinawanan naman ako ni Fiona. Hinila niya ako sa isang gilid dahil magsisimula na kumanta ang naunang number kay Son.
"Ano sadya mo rito?"
Napangiti ako at nagkibit balikat. "May papanuorin lang ako." Agad nanlaki ang mata ni Fiona. Kinulit niya ako nang kinulit tungkol sa gusto kong panoorin, kumakanta na si Son pero hindi ko pa rin sinasagot ang katanungan niya habang nagpapanggap akong hindi interested sa boses ni Son.
"Ang ganda talaga ng boses niyan ni Sona. Tingin mo?" Napataas ako ng kilay sa tanong niyang 'yon habang titig na titig ako kay Son na ngiting-ngiting dahil natapos na siya. "Sino ba kasi pinapanood mo? Ni hindi mo man lang napansin ang ganda ng boses nung nag-perform."
Umalis na si Son sa gitna kaya tumingin na ako kay Fiona. "Ang ingay mo kasi, hindi ko narinig," dahilan ko pa pero ang totoo, kahit ang paghinga ni Son nang ngumiti siya after niya kumanta, narinig ko.
After days, nalaman namin ang result at tulad ng inaasahan ko, out of many contestants, kasama si Son sa 30 na lalabas sa screen. Dito na mas magsisimula ang journey niya and I'm very proud of what she has now.
Nag-celebrate kaming tatlo kasama si Lola dahil doon. Binalita ko rin kay Lolo ang good news at nakausap namin si Aling Sonya. Pinuri niya ang anak pero halata pa rin at pagkadigusto nito sa kalagayan ng anak. Mas na-excite ako para kay Son habang siya ay mas nag-ensayo. Hindi na rin siya nakatanggi nang ayain siya ni Lola para mag-shopping, pero dahil iniiwasan namin na makita kaming kasama si Son dahil rin kilala si Lola, sinamahan si Son ng isa sa mga pinagkakatiwalaang katulong sa mansyon. Hindi ako makasama dahil may ginawa akong trabaho.
"Our first season grand finals winner is... Sona Banaag! Congratulations!"
Kahit ako, napaawang ang bibig ko at napatayo sa bigla. Kitang-kita ko rin kung paano nanlaki ang mata ni Son. Halos hindi siya pumunta sa ginta kung hindi siya nilapit ni Theo, isa sa mga host, para i-guide papunta sa gitna. Gulat na gulat pa ring tinanggap ni Son ang bulaklak at ang trophy sa kaniya. Natatawa rin ang dalawang host sa reaction niya at niyakap pa siya ni Annie, host din. Tuluyan na akong napangiti nang makitang naluha na si Son at ngumingiti na rin.
"So, it's Sona from the very first start." Dinig ko pa ang pagngisi ni Fiona pero hindi ko na pinansin 'yon. Sobrang overwhelm na ako sa achievements ni Son at gusto na siyang puntahan sa gitna pero hindi ko ginawa dahil moment pa nila 'yon. Natapos ang taping ay umiiyak pa rin si Son. Binati siya ng iba pang nakalaban niya hanggang sa tinawag na si Son sa backstage para sa interview.
Dali kong niyakap si Son, nang lumapit na siya sa akin, at binati siya. Tuwang-tuwa ako para sa kaniya. Being a fanboy is not my thing pero feeling ko sasabog ang puso ko sa tuwa sa narating ng idol ko. My fan side for her is so speechless na kahit walang pahintulot niya, hindi ko napigilang hindi siya yakapin.
"You're so great, Son. Ang galing mo. I'm so proud of you."
"Pluma, nanalo ako," mahina pa niyang sabi at yumakap sa akin. Natawa ako at tumango-tango. Hinarap ko siya sa akin at kinuha ang tissue niya para tulungan siya magpunas ng luha.
"I know... alam ko, Son. Nanalo ka. Napanood ko kung paano mo sila tinalo lahat. Napanood ko kung paano ka magwagi sa pangarap mo. Napanood ng lahat ang galing mo. You already chased you dreams, Son. Ang galing-galing mo at sobrang proud fan mo ako."
"Natupad ang pangarap ko," basag niyang sabi at tumango-tango. "Thank you, Pluma."
"Ang galing mo, Son," sagot ko sa kaniya at niyakap ko ulit siya. "Pag-uwi natin ng hacienda, magpapahanda kami para sa pagkapanalo mo, buong barrio magce-celebrate para sa'yo."
YOU ARE READING
Eclipse
Romance"The concept. The situation. The coincidence. The eclipse. It all compliment. Ako lang talaga ang may problema because I overthink." // a novella All Rights Reserved © 2022