Mga kilos mong nagsasabing ako'y di mo mahal.
Mga aksyon kong nagpapakitang ika'y di mahalaga.
Maghihintay kahit gano katagal.
Kahit na ang hiyaw ng puso'y "di 'to patas!"
Mga kamay kong lumalaking mahina,
Mga paang di na makatagal sa bigat.
Na para bang ako'y babagsak na
Sa bawat minuto ng bawat oras na paghintay.
Kaluluwang gustong tumakas sa katawang ito.
Boses kong di na maririnig muli.
Sa tunog ng pag-asang humihina,
Nang ang buhay ko'y lumusong sa makitid na butas.
Utak kong kumikirot sa sobrang pag-iisip,
Pusong nabibiyak sa bawat hinalang mapait.
Na ang pag-iral sa mundong ito'y walang kwenta,
Kung di makakamit ang tangi kong iniibig.
Mga matang nalulunod sa dagat ng kawalang pag-asa,
Mga kamay na ayaw ng magsulat ulit.
Siguro'y dito na magwawakas,
Ang nakalulunos na kahibangan ng aking buhay.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
PoetryA poem that talks about loving someone who can't be yours. Until one day you want to give up already. To finally end your pitiful delusional life.