Chapter 55

1.4K 113 88
                                    


Tinitigan ni Aspen ang natutulog na mukha ni Ocean. ang nakakurba nitong kilay ay nakarealx ng sandaling iyun at ang mga mata nitong nagugusot ang sulok sa tuwing ngingiti ito? ang mga features ni Ocean na kanyang uanng nagustuhan. Siyempre mawawala ba sa listahan ang buhok nitong nagtatalong itim at silver? Na gulo-gulo ng sandaling iyun hindi lamang dahil sa pagkakahiga nito kundi na rin dahil sa pagsabunot niya sa buhok nito sa labis na sarap na dulot ng bibig nito sa kanyang kaselanan. He loves to taste her and she's not complaining nor will she ever complain about it.

They were lying on his bed with their bodies molded to each other. They ended up inside his room kung saan mula sa pagkain nila ng dinner na inihanda nito para sa kanila kagabi ay tinulungan pa siya nito sa kanyang pagre-review at natapos nga sila muli sa loob ng silid nito.

He was so attentive of her last night, preparing dinner food for them kahit pa hindi naman nito nakagawian na magluto para sa sarili nito at mas lalo na para sa iba kaya naman she really appreciated all of Ocean's efforts just to make sure that she's comfortable.

At sa kanyang pagre-review ay katulad pa rin ito noon na matiyaga at mapagpasensiya ito sa kanya. kahit kailan ay hindi niya kinakitaan nang pagkainip o pagkainis sa kanya kahit pa minsan ay hindi niya agad nakukuha ang paliwanag nito.

And after being her chef and teacher he became her lover. And he was so loving the whole night. He again took her into greater heights that his body can only give. She never thought that she could ever feel those delicious sensations in in her twenty-two years of living.

Napabuntong-hininga siya at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Kulang man siya sa tulog ay hindi naman siya nakaramdam ng pagod at antok, sa katunayan nga ay magaan ang kanyang pakiramdam. Tila ba hindi siya nakaramdam man lang ng bigat sa kanyang damdamin, tila ba ang lungkot at sakit na namayani ng kay tagal sa kanyang dibdib ay naburang lahat ni Ocean. Si Ocean na hindi pa rin niya mapaniwalaan na nasa kanyang tabi.

"Talaga bang sa akin ka na?" ang bulong niya habang nakatitig siya nahihimbing nitong mukha. Nakaunan siya sa braso nito habang nakayakap ang kanyang kanan na braso sa dibdib nito.

Talaga bang naalis na niya ang kanyang mommy sa puso at isipan nito? O dahil lang sa tawag ng laman kaya sila magkasama sa sandaling iyun? ang tanong ng kanyang isipan. He said he desires her, but he didn't say that he loves her.

Importante pa ba iyun? ang tanong ng kanyang isipan. Ang importante at magkasama sila ni Ocean. ang importante siya babaeng nasa bisig nito at kahit pa dahil lang sa kanyang pagbubuntis ang dahilan kung bakit sila nagsasama ay tatanggapin niya ang importante, magkasama sila ni Ocean. Hindi na dapat pa niya lagyan ng agam-agam ang kanyang isipan lalo pa at nagsisimula na siyang makaramdam ng saya sa piling ni Ocean. Hindi na baleng siya na lang ang magmamahal sa kanilang dalawa basta sa kanya si Ocean. Hindi na niya hahayaan na mawala ang isang importanteng lalaki sa kanyang buhay kaya naman yayakapin at mahigpit niyang pangangalagaan ang kung anong meron sila ni Ocean. Matututunan din akong mahalin ni Ocean, ang sabi pa ng kanyang isipan.

Muli siyang napabuntong-hininga at hindi na naalis ang ngiti sa kanyang labi. Ngunit sa pagkakataon na iyun ay sumagot din ng buntong-hininga si Ocean at marahan itong gumalaw kasabay ng paggalaw ng mga braso nito para yakapin siya. Isinuksok niya ang kanyang mukha sa dibdib nito at doon ay kumurap-kurap ang mga mata ni Ocean hanggang sa tuluyan na itong dumilat at siya ang unang hinanap ng mga mata ni Ocean.

"Anong oras na?" ang inaantok nitong tanong sa kanya.

"Still early," ang kanyang sagot dito habang ang mukha niya ay nakadikit sa dibdib nito.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon