Evil stays Evil
ESHA'S POV
It was another day to be happy, isang buwan na lang at babalik na ako sa Pilipinas and finally, I am now done suffocating and letting myself suffer here with those observing eagle eyes on me. Umupo ako sa couch at naghanda ng breakfast ko habang nanonood ako, napatingin ako sa cellphone ko dahil sa isang notification sa Instagram ko at nang buksan ko iyon, nagpost si Adallina nang mga pictures. It was them, having a family dinner without me, being happy without me, chuckling and giggling tapos may video pa sila na nag-aasaran at may kung anong topic na pinagtatawanan. Lalong naglagablab iyong inis, irita at galit ko kay Adallina. Inagaw na nga niya iyong atensyon ng mga magulang ko simula noon hanggang ngayon tapos pagmamahal nila, suporta na ibinibigay nila sa amin noon pero ngayon sa kaniya na lang ibinibigay. Iyong mga bagay na nararamdaman at nararanasan namin noon ni Livius ay inagaw na ng lintek na babaeng 'yon! Nakakainis!
Pinatay ko iyong television at bumaba ng condo ko, minaneho ko iyong kotse ko palayo dahil naiinis ako every time na nagv-vibrate iyong phone ko tapos posts ni Adallina ang nagn-notify sa akin. Habang nagmamaneho ako na may halong galit sa loob ko, muntikan na akong makabangga ng isang matandang lalaki na around 40's lang; Dali-dali kong binuksan iyong kotse ko para makahingi ng tawad pero hinampas niya nang malakas ang harapan ng kotse ko at saka umalis, pumasok na lang ako sa loob ng kotse ulit at no'ng is-start ko na biglang ayaw nang gumana.
"Like what the freak?! Nasira ang kotse ko? Darn it!" Iritado kong sambit at hinampas-hampas ang manibela ng sasakyan. "When my first happy day was ruined!! Argh, nakakairita talaga!"
----------------------------------------------
ADA'S POV
Kakarating ko lang sa university, dala-dala ko ang research papers and notes ko kung sakali mang magpa-report ang professor namin for Anatomy Subject. Nang makarating ako sa may hallway, maraming estudyante ang nagsisi-kalat doon sa may daanan ko kaya tinulak ko sila para hindi sila humarang. But out of nowhere, I see myself right there na nakiki-arangkada rin sa mga estudyante, I glanced on what they're cheering or what pero hindi ko maaninag nang maayos kaya umalis na lang ako at pumunta sa class room. Habang hinihintay ko si Kieran doon kahit nagka-alitan kami, halos antukin na ako kakahintay nang biglang may dalawang taong dumaan sa may harapan ng class room and there, I saw Kieran holding Nikki's hand. Lumapit ako sa kanila pero naitulak ako ng isang estudyante nang makalapit-lapit na sana ako sa kanila, I tried holding Kieran's hand and finally, he noticed me.
"Ada? Dumating ka na pala, I got good new-----" I cut him off.
"Bakit kasama mo si Nikki?" Tanong ko pero lalo pa itong ngumiti. "Ano ba, mukha kang ewan! Bakit ba ngumingiti-ngiti ka riyan?"
"Iyon kasi ang balita ko sa iyo. Nakuha ako ulit para sumali sa isang medical competition for our university." He stated and I hugged him.
"Well... Congrats." Sambit ko sabay yuko. "Sorry for what I have done to you last night."
"Masaya tayo, okay? Happy lang, let's celebrate okay? Dinner tayo, TREAT ko." Pang-aasar nito kaya hinampas ko siya sa braso.
"Teka, hindi mo pa ako sinasagot sa tanong ko." Sambit ko kaya tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Bakit nga pala kayo magkasama ni Nikki?"
He chuckles. "Kaming dalawa ang partner sa competition, Ada." My eyes widened yet I looked away. "Huwag ka na namang ano riyan, Ada. I know what you're thinking."
"Hindi kaya, hindi ko naman iniisip ang bagay na 'yon." Angal ko pero pinisil niya lang ang mga pisngi ko. "Masakit, Kie!" Reklamo ko at akmang hahampasin siya pero pinigilan niya ako.
Ngumisi ito habang hawak ang kamay ko. "Masakit din iyong hampas mo kaya kiss mo na lang ako, Ada. Dali!" Biro nito pero tinarayan ko ito sabay binatukan ko siya at tumakbo papunta sa class room namin.
---------------------------------------------------
ESHA'S POV
Naglakad ako pauwi sa condo dahil pinakuha ko sa truck iyong kotse ko para maayos nila, nakakairita ha? Sira na nga iyong umaga ko tapos sira pa iyong buong araw ko, damn it! Nang makapasok ako sa loob, hindi pa rin tumitigil iyong phone ko sa kaka-ring pero hinahayaan ko na lang yet every thirty minutes ay nagr-ring na naman kaya sinagot ko na lang iyon.
"Ano ba! Kanina ka pa, Liv. Ano ba kailangan mo?" Iritado kong sambit habang nakapamewang doon habang kinakausap siya.
"Grabe, halos mawala ako nang pandinig dahil sa lakas ng boses mo, ate." Sagot nito. "Anyway, so great that you are going back here."
"Oh yeah? I know that it will be really great." I smiled and turned on the television. "How's Ada doing?"
He chuckles. "Kailan ka pa naging concern sa kaniya ha? Well, she's doing great too and being close to US."
"Of course, she will." I rolled my eyes and he just like a stubborn one, laughing at those nonsense things I said. "Are you getting close to her, Liv? Like we used to talked about?"
"Not really, I'm not that kind of guy you know then."
"Do it for me, mapa-alis ko lang 'yang babaeng 'yan and I'm done."
"Well, I can't, ate." He answered and we both remained silence. "Why can't we just accept her? She's great, kind, humble and para talaga siya iyong kapatid natin na hinihiling noon."
I chuckles bitterly. "Accept her? Seriously, Liv? After all she have done to us? Halos hindi na tayo suportahan nila Mom, can't give any attention to us tapos you're going to tell me to accept her? Are you out of your mind right now?"
"Ate, Ada is great, okay? Maybe you can just-----" I cut his words off.
"If you can't do anything for me like we planned before, then fine. I'm going to do it once na makabalik ako riyan sa Pilipinas." Sambit ko. "And I'll make sure, walang tao ang kakampi sa kaniya, Liv."
"Ate naman!" Huli nitong sagot at saka ko binaba ang tawag.
Everything seems perfect for her, every lucks she has was covering her now but I'm not going to give up that easily. Papaalisin at papaalisin ko siya sa bahay at maging sa buhay namin kahit anong mangyari, I won't be kind either angel in disguise for me to be able to kick her out. Makabalik lang ako sa bahay at gawin ang mga plano ko? I'll make sure na hindi na niya gugustuhin pang manatili sa nakakasulasok na bahay namin.
"Wait for me, Ada. Malapit-lapit na ang mala-impyernong scenario sa buhay mo." Sambit ko at ngumisi lamang.
Next chapter ahead. Enjoy reading!
YOU ARE READING
LS#4: Save me, Doctor✓
Roman pour Adolescents[COMPLETED] Fool of love, desperate dreamer and lonely most of the time. A professional general surgeon whose heart is like a stone. Isang bitter na babaeng walang ibang ginawa kundi intindihin ang sarili kaysa sa iba. Uunahin ang sariling intesyon...