1.XLVI: Goddess of Hearth

812 36 8
                                    

Nandito kaming lahat ngayon sa stage ng auditorium para mag-practice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito kaming lahat ngayon sa stage ng auditorium para mag-practice. Limang kanta raw dapat ang ihanda namin sa performance.

"Teka, pang-ilan ba tayo sa magpe-perform?" tanong ni Xavier.

Nakaupo kaming lahat dito sa sahig ng stage habang nagmi-meeting.

"Tayo ang pinakahuli," sagot ni Gunner.

"Bale, ganito ang plano. Magkakaroon tayo ng mga duet songs. Hindi natin hahayaan si Aika na saluhin lahat ng vocals," paliwanag ni Klein. Pagkatapos ay nilibot niya ang paningin niya na parang may hinahanap.

"Teka, nasaan si Ryker?" tanong niya bigla.

Napatingin naman kami sa paligid namin at napansin nga naming wala si Ryker.

"Oo nga, 'no. Nasaan si Ryker? Nasa dorm pa rin kaya siya?" tanong ko.

"Imposibleng nasa dorm pa siya. Kasabay natin siyang lumabas, 'di ba?" sambit ni Gunner.

"Hay nako. Baka naggagala na naman 'yan sa central campus para mag-girls' hunting daw," sabad naman ni Xavier.

"Ngayon pa talaga, ha? Hindi ba siya makatiis? Hindi naman tayo magpa-practice maghapon, eh. Ilang oras lang. Hay naku!" angal ni Klein at halatang-halata sa kanya ang pagkainis.

Napayuko tuloy ako. Mukhang galit na si Klein. Si Ryker naman kasi, eh.

"Oh, paano? Hahanapin ba natin si Ryker o hintayin na lang natin siyang dumating?" tanong ni Xavier.

"Hanapin na lang natin. Baka kasi nakakalimot siya na may practice tayo ngayon. Talaga naman 'yang demon fox na 'yan," inis na sabi ni Klein.

"Tara, tara," aya sa'min ni Klein sabay nagsitayuan kami at pinangunahan niya ang paglabas namin sa auditorium.

Saglit lang ay nakarating na kami sa central campus. Mas maraming nilalang ngayon ang nandito kahit second day pa lang naman ng festival. May kainitan din ngayon dahil katanghalian.

Nagsimula na kaming maglibot-libot sa pagitan ng mga nilalang dito habang nililibot ang aming paningin.

"May dine-date ba ngayon si Ryker?" tanong ni Gunner.

"Hmm, palagi namang may dine-date 'yon," sagot ni Xavier.

"'Yong latest," sambit ni Gunner.

Napaisip si Xavier dahil sa sinabing 'yon ni Gunner. At halata sa mukha nito na nahihirapan siyang mag-isip.

"Hindi ako sigurado. Pero ang alam ko nasa second year din 'yon. Nahihirapan akong mag-isip sa dami ng naging girlfriend niya!" sagot ni Xavier sabay reklamo.

Napangiti ako nang pilit sabay iling dahil sa narinig ko kay Xavier. Mayamaya lang ay may natanaw ako sa 'di kalayuan. Tiningnan ko pa itong mabuti at nakumpirma kong si Ryker nga ito. At may kasama nga siyang babae.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon