Chapter 7 : Bagong Paaralan. Part 2

25 4 0
                                    


Chapter 7 : Bagong Paaralan. Part 2

Sa hindi kalayuan ay hindi alam ng mag-kakaibigan na may mga nakatingin dito at pinag-uusapan na pala sila..

"Mukhang may mga bagong lipat! *Fufufu" nakangiting sabi ng isang babae sa mg kasama nito..

"Mukhang ganon na nga! *Fufufu" tugon naman ng isang lalaki..

"Masaya to! Hahaha! " masayang sabi naman ng isang lalaki sa mga kasama nito..

Samantalang napangiti nalang ang iba sa sinabi ng kanilang mga kaibigan..
.
.
.
.

Mabalik tayo sa mga magkakaibigan na kasalukuyang naglalakad sa mahaba malawak na hallway at kasalukuyan rin silang pinagtitinginan sa hindi malamang dahilan..

"Parang nakatingin yata lahat ng students saten? Kinikilabutan tuloy ako." Sambit ni Cess sa kaniyang mga kaibigan..

"Ewan. Siguro ngayon lang sila nakakita ng mga magaganda at mga gwapo.. Hihihi!" Masaya at magiliw na tugon ni Ella sa mga kaibigan niya..

"Uhm! Uhm! Siguro nga. Hahaha!" Natatawang pagsang-ayon ni Prince..

Natigil sa pagpigil ng tawa si Prince matapos marinig ang sabi ni Ella rito..

"Ehem! Ehem! Sorry kuya, pero kami lang eh. Hindi ka kasale sa mga sinabi ko.. hehehe!" Tugon ni Ella sa kuya niya..

Tumawang muli si Prince ngunit pilit nga lamang at saka nagsalita sa kapatid..

"Ha-ha-ha.. Ito talagang si bunso ang galing magbiro.." nakangiti ngunit pilit ang pagkaka-sambit nito..

"Hindi naman ako nagbibiro ah! Seryoso ako.. S-E-R-Y-O-S-O! Huhuhu!." Sambit muli ni Ella sa kaniyang kapatid..

Bigla na lamang nainis si Prince sa mga narinig nito sa kanyang kapatid..

"Magtanong na nga lang tayo!" Inis na sabi ni Prince sa kanyang mga kaibigan..

Ngunit walang tumugon sa kanya bagkus ay tumawa ang mga ito ng napaka lakas maliban kay Ella na nagtataka sa mga kilos ng kaniyang mga kaibigan..

"Wahahaha!"

"Pffttt! Wahahaha! "

" Bwahahaha! Basag ka no! "

"Anong nakakatawa sa sinabi ni kuya?? Sabi lang naman niya ay magtanong na kami! Hayyy! Mababaliw na yata ko sakanila.." sambit ni Ella direkta sa kaniyang isipan..

Ilang saglit pa ay nagsalita na si Carlo habang pinipigil ang pagtawa dahil tinitigan sila ng masama ni Prince..

"Pffttt. Ehem! Ehem! Sige, mabuti pa ngang magtanong na tayo..Pffftt.." natatawang sabi ni Carlo..

Habang tumatawa ang iba ay may bigla na lamang lumapit na grupo sakanila, at ito ang grupo na kanina pa sila pinapanood.. Hindi nila napansin ang mga ito dahil sa pagtawa..

"Mukhang may konting kasiyahan tayo diyo ah?" Nakangiting sambit ng isang lalaki sa grupo sa mga magkakaibigan..

Napatingin naman ang magkakaibigan sa nagsalita at biglang nagulat kung sino ito..

"Hmm, Kung ganon ay dito pala kayo nag-aaral.. *fufufu! " nakangiting sabi ni Carlo sa grupong humarang sakanila..

"Ganon na nga.." sabi naman ni Joyce na nakatingin ng masama sa grupo nina Carlo..

Kingdom Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon