April 3 20** Summer 5:32 pm nakahiga ako ngayon sa couch at bored na bored.
"Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Jeci saakin habang naglalagay ng liptint sa kaniyang labi at naka harap sa salamin. Pula naman na ang mga labi niya kahit walang liptint pero naglalagay pa rin siya. Napaka pula tuloy ng labi niya. Napa irap siya sa ere at nag salita ulit.
"Bakit ko pa ba tinatanong? Eh alam ko naman na hindi ka sasa-"
"Sige, sasama na ako." Pinutol ko na ang sinabi niya at tumayo para mag palit ng t-shirt. Narinig ko pa siya na tinanong ako ulit dahil hindi siya maka paniwala sa sinabi ko. Nagpalit ako ng kulay puting t-shirt para presko.
Naisip ko na bored naman ako at walang ginagawa. Siguro ay susubukan ko sumama sa kanila manuod ng liga. Hindi talaga ako nanunuod dahil makikita ko lang ang bwesit na Derick na 'yon doon. Pero ang sabi nila ay wala daw siya at hindi makaka laro dahil injured daw kaka training.
Buti nga sa kaniya. Dsurv.
Pagka rating namin doon ay nag uumpisa na ang laro.
Nakaka bingi ang hiyaw ng mga tao at kitang kita sa mga mukha nila na sila ay naaaliw sa laro.
Umupo na kami sa mga bench at may naka kuha ng atensyon ko. Hindi siya pamilyar saakin. Hula ko ay bagong salta. Ang numero niya sa kaniyang jersey ay No.02
Matangkad na lalaking moreno. Ang kaniyang katawan ay payat ngunit maganda dahil build na build ang katawan nito. Halatang nag gigym. Matangos ang kaniyang ilong at ang mga mata niya ay napaka ganda. Ang mga kilay niya ay makapal at palaging naka kunot na tila ba'y may kaaway. Ang labi niya ay hindi gaanong mapula ngunit napakanda siguro pag ngumingti siya.
Ang ganda niyang lalaki.
Pinanuod ko rin ang mga laro niya at ang galing niya. Ang galing niyang umagaw ng bola at sa tuwing hindi naipapasok ng kalaban ang bola sa ring ay narerebound niya ito. Namangha ako sa laro niya.
Napapasigaw din ako na hindi ko namamalayan. Sa tuwing naishoshoot niya ang bola ay napapa palakpak ako at napapasigaw. Nanibago ako dahil hindi naman ako sumisigaw ng ganito ka lakas.
Ang mga kababaihan ay panay tili at cheer sa kaniya. Naiintindihan ko rin, katulad ko ay namamangha ako sa galing niya. Pati si Jeci ay napapasigaw kahit nasa kabilang team ang boyfriend niya.
Ano kaya ang pangalan niya?
Gusto ko na lang lumapit sa kaniya at punasan ang tumatagaktak na pawis niya.
Sa gitna ng panunuod ng laro ay may naririnig ako sa likuran na may pinag uusapan. Hindi ko na sana ito papansinin pero lumaki bigla ang tenga ko nang mabanggit nila ang naka numerong 02.
"Oo nga, pustahan ibibigay niya 'yan sa naka no.02 iyang gatorade." Ani nong isang boses.
"Baka hindi naman noh? Baka sa pinsan niya ibibigay. Naglalaro din eh." Sagot naman nong isa pang boses. Hindi ko kilala ang nag uusap dahil naka talikod ako sa kanila.
"Haist. Ibibigay niya nga 'yan. Balita ko ay fling iyang dalawa." Ani nong isa pa.
"Kung sa bagay.. Hindi naako magtataka sa kalandian ba naman ng Nicole na 'yan." Nagtawanan silang dalawa at hindi na nagsalita ulit. Nilingon ko sila pero wala na sila doon. Grabe naman sila maka sabi ng malandi, hindi naman siguro ganon.
Nag time out ang kabilang team kaya tinigil ang laro. Nakita ko ang isang magandang babae na may hawak na gatorade at naglalakad papunta sa pwesto nong grupo ni no.02.
'yan ata ang Nicole na sinasabi nila.
Mestiza ang babae at may kaliitan ito. Maikli ang kaniyang buhok hanggang balikat at ito'y bagsak na bagsak. Bilugan ang kaniyang mukha at may katangusan ang ilong. Napaka ganda niya, parang manika.
Nakikita ko ang mga mata ng iba ay naka focus kay Nicole. Inaalam nila kung kanino niya ito ibibigay.