Ang hirap magmahal no?
Lalo na kung one sided love.
Yung tipong mahal ka, eh ang tanong mahal mo ba?
Mahal mo, mahal ka ba?
Cliche right?
Eh pano naman kung mahal mo, ang tanong nakikita ba?
Nakikita nga, totoo ba?
Baka naman kaplastikan lang? O kaya kasiyahan lang walang personalan.
Ganun kaba?
Ikaw ba yung taong labas-pasok?
Yung sige lang ng sige pero di mo alam kung mali ba.
Pasarap-sarap lang habang nasa loob pero pag nasa labas na, balik ulit sa dati.
Parang ganito yun eh--labas-pasok-labas-pasok.
Nalilibugan ka na ba?
Tsk. Tsk. Sabi na eh. Iba ang nasa utak mo.
Ang ibig kung sabihin, nalilito ka na ba? Dahil ang ibig sabihin ng nalilibugan sa Visayas ay nalilito.
Mga G.M nga naman.