Thank you ulit sa patuloy na nagbabasa. Maraming thank you po. I dedicate this story sa friend ko sa personal na si ttagwaps siya nga gumawa ng gmail ko. Salamat friend. At sa lahat ng bumabasa maraming salamat. Vote din kayo kahit wag na kayong mag comment. Hehe.
Chapter 7
Rex POV
Shit yung kamay niya nasa batok ko. Ang bigat, kaya pala nag kiss kami. Ang bigat aray mabuti at na tanggal ko na. Tumayo ako kaagad at pinunasan ng manggas ng damit ko ang labi ko.
Yuck eewww nag kiss kami. May germs na ako sa katangahan shit lang, ewww. Nakakabading naman.
Pumunta ako kaagad sa kwarto ko at nag tooth brush. Walang hiyang babaeng yun kahit sa pag tulog, pinagnanasahan ako. Eewww gross nag kiss kami. Sa lahat lahat ng babae siya pa naman ang ayaw kong mahalikan. Ang pangit na nga bobo pa.
After 1 hour, ok na siguro to, wala na siguro tong germs. Pag nagkasakit ako ededemanda ko talaga siya.
Bibili pa ako bukas ng toothpaste dahil na ubos na. Makatulog na nga.
Mae POV
Aray ang pwet ko. Nahulog ako sa sofa. Nasaan ako?
Ahh oo nandito pala ako sa condo ni Boss. Hala may kumot na ako. Saan galing to? Anong oras na ba?
Time check. 2:59. Malapit na palang mag umaga. Hindi pa ako natapos.
Oh em. Mabilis kung tinungo ang kusina. Ng may naalala ako.
Flashback. . .
4th year highschool kami ni Aya ng mag sleep over sa bahay ng isa sa aming groupmates. Tinapos kasi namin ang project namin.
Nang matapos na namin ang project napag desisyonan naming matulog lang kami sa isang kwarto. At nag kwentuhan kami tungkol sa kababalaghan.
"Alam niyo ba guys, kapag nagising daw kayo or gising pa kayo ng alas tress ng madaling araw na wala naman daw dahilan, ibig sabihin daw may multo." Classmate no. 1.
"Totoo ba talaga yan?" Classmate no. 2.
"Oo daw sabi ng matatanda." Classmate no. 1
"Narinig ko na rin yan, sabi sabi ng mga maids namin totoo daw yan." Bessy.
Sheyt takot pa naman ako sa multo. Sana pala hindi ko na lang ininsist na tungkol sa katatakutan ang e kwento namin.
Bigla akong napayakap kay Bessy. Nakahiga na kasi kami habang nag kwekwentuhan, tapos ako yung nasa pinakadulo. Tapos off na yung ilaw.
"Bessy nakakatakot naman matulog na tayo."
"Sandali lang Bessy, malapit naman siguro silang matapos mag kwentuhan." Mabuti pa si Bessy matapang, tapos ako ang bading bading ko dito.
"Matulog na tayo. Mag aalas tress na pala." Classmate no. 2.
Waahhh mag aalas tress na. Lalo akong napayakap kay Bessy ng biglang na on yung t.v. na nasa kwarto at wala namang may hawak sa amin ng remote. Waahhh totoo nga may multo.
"Waaaahhhhhh" sigaw naming lima. "May multo waaaaaahhhhhh."
End of flashback. . .
Hala anong oras na nga ba 3:01. Ohhh eeemmmm, dahan dahan akong bumalik sa sofa.
Huhu wala sana akong makitang multo. Sana pala inoff ko na lang yung ilaw para hindi ko talaga makita ang multo.
YOU ARE READING
Mr. Missionary and Mae
Humor"Oo mahal mo siya, Mahal kita. Ang tanong, mahal ka ba niya?" Meet Mae Chaves, a beautiful creature, (sabi niya), who wants to be loved. Kahit na sinong lalaki basta't gwapo, mabait, at matalino gagawin niyang boyfriend. And she will gonna get tha...